Chapter 16

130 7 5
                                    

Dedicated sa kauna-unahang taong naging friend ko sa wattpad ..

Sya yung tunay at hindi nang-iiwan ..

Hindi yung kaibigan lang sa umpisa ..

Tapos wala na .. Nakalimot na ..

Dedicated sa aking ONE AND ONLY BEAUTIFUL MOMMY!!

I LOVE YOW MOMMY <3 THANKS FOR EVERYTHING :)))

**-----------------------------------------**

ALYANA'S POV:

Naaalala ko pa yung kahihiyan na nagawa ko kanina =___=

Nakakabwisit >.< !!!!

Bakit ko ba kasi nagawa yun?

Bakit hindi ko napigilan?

Bakit hindi ko naisip na hindi na pala pwede?

Nakakainis naman ohhhhh!!!!?

Ano nang gagawin ko ngayon? TT.TT

~~ FLASHBACK ~~

Sa sobrang saya ko kanina ay hindi ko na napigilan pang magtatatalon at magsisisigaw. Syempre, hindi ko naman kasi inasahan yun. Pero kasabay nun .. Hindi ko na rin pala napigilan ang sarili ko ..

Sa sobrang kasiyahan ko ay napayakap ako kay Bryan ..

Mahigpit na mahigpit ...

Tapos hindi ko namalayan ...

Hinalikan ko pala sya sa pisngi ..

O.O !!!! O.O???

Natigilan nalang ako pagkatapos ng nagawa ko .. Nakita kong nagulat din sya dahil sa pagtahimik at paglaki ng mga mata nya .. Napatitig pa nga sakin ehhh .. 

Ang kapal ko lang talaga at nagawa ko yun .. Pero nagawa ko lang naman yun dahil yun yung nakasanayan namin nung mga bata pa kami .. Yung sa tuwing nananalo ako sa bawat sinasalihan ko, niyayakap ko sya at hinahalikan sa pisngi .. Ganun din naman sya sakin noon ehhh .. 

Pero pagkatapos noon ay bigla kong naalala na iba na pala ngayon .. Siguro noon ay malaya pa naming nagagawa iyon dahil sa kamusmusan namin at wala pang halong malisya .. Pero ngayon sa ginawa ko .. Paniguradong kahihiyan ang hatid nito sakin .. >.< !!!

Pagkakalas ng yakap ko sakanya ay hindi pa kami maka-recover sa nangyari .. Tahimik lang kaming dalawa .. Walang gustong magsalita .. 

Nakakahiya naman yung ginawa ko!!!! >.< !!!

Anong sasabihin ko sakanya? =.=?

Pano ko ipapaliwanag na hindi ko naman sinasadya?

Ano ba naman kasing kalokohan ang pumasok sa pag-iisip mo Alyana? Dapat alam ko na, na hindi na kami mga bata pa .. Na iba na ang sitwasyon ngayon kaysa noon .. Na hindi na kami katulad pa ng dati .. At wala ring katiyakan kung maibabalik pa ba namin ..

"So-so-sorry!!!!"

>///////////////< 

mautal-utal talaga ako nang sabihin ko yun sakanya .. Tapos mabilis akong tumakbo palabas ng room .. Ayaw ko nang makasama pa sya ng matagal .. Lalo lang akong nahihiya sa ginawa ko ..

~~ END OF FLASHBACK ~~

"Grabe ka Alyana, nagawa mo yun?" gulat na gulat na tanong ni May.

Forever In Love With You (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon