Chapter 8

81 5 2
                                    

" Bryan, Thanks nga pala sa beef steak mo ahhh .. Masarap sya. Favorite ko na .. "

" Bryan, Thanks nga pala sa beef steak mo ahhh .. Masarap sya. Favorite ko na .. "

" Bryan, Thanks nga pala sa beef steak mo ahhh .. Masarap sya. Favorite ko na .. "

Nag-echo sa utak ko yung mga sinabi ni Camille.

Anong ibig sabihin nya dun?

Bakit meron din syang beef steak na niluto ni Bryan?

Para sakanya ba talaga yung beef steak na yun?

Buong akala ko pa naman ay akin yun.

Tuwang-tuwa pa naman ako na ipagmalaki sa mga kaibigan ko na ginawa nya yun para sakin pero ano? Anong nangyari?

Wala. Ako lang pala ang nag-iisip ng ganun. Napaka-assuming ko talaga. Nakakainis!!!!!!

Tumayo na ako sa upuan. 

Hindi ko na kaya pang ipagpatuloy ang pagkain at baka mamaya makita nalang nila ang tumutulo kong luha.

Ang sakit kasi. Nag-iisip ako ng kung ano-ano pero hindi naman pala totoo. Sabagay ...

Ako rin naman ang may kasalanan. Pero masakit kasi talaga.

" Sis, san ka pupunta? " tanong ni May.

Nahalata naman siguro nila kung bakit ako tumayo diba?

Napansin naman siguro nila na nasaktan ako. Kahit sabihin pang napakaliit na bagay nun.

" Sa C.R. lang." sabi ko habang nakayuko. Hindi ko na kasi kayang ipakita ang mukha ko. Dahil baka anumang oras ay tumulo na ang luha ko at pagnagkataon makikita pa ni Bryan.

Ayaw ko namang isipin nya na nasaktan ako dun at nagseselos ako.

" Huh? Eh di pa ubos yung pagkain mo ahhh ?" 

" Gusto nyo? Sa inyo na." binigay ko na sakanila yung lunch box tapos tumakbo na ako papuntang c.r.

Habang tumatakbo ay unti-unti naring pumapatak yung luha ko kaya nakayuko na ako.

" Miss sorry." 

" Miss bakit ka umiiyak?"

" Umiiyak ka ba?"

Lahat ng nababangga ko pare-pareho lang ang tanong.

Pero ni isa wala naman akong sinagot.

Pagdating ko ng C.R. dun ko binuhos yung mga luha ko.

Yung mga luhang nagpapabigat sa nararamdaman ko.

Nakakainis noh?

Simpleng bagay pero iniiyakan ko.

Hindi ko naman pwedeng pigilin at baka mamaya sumabog na ako.

Hindi ko talaga mapigilan ang mga luha ko sa pagbuhos.

Ganun ba kasakit malaman na ikaw lang ang bumubuhay sa mga bagay na alam mo namang walang pag-asa?

Yung tipong sobrang taas ng paniniwala mo na meron pero wala naman pala.

Bakit ko pa kasi inisip na para sakin yun?

Hindi man lang sumagi sa isipan ko na ...

Baka nga para kay Camille yun.

Hindi naman kasi gagawin ni Bryan yung mga ganung bagay para sakin.

Hindi nga nya naman ako gusto. Iba yung gusto nya ...

At si Camille yun.

Nung maramdaman kong wala ng lalabas pa na luha ay inayos ko na yung sarili ko at lumabas ng c.r. Ayaw kong may makahalata na umiyak ako.

Naglakadlakad muna ako. Papalipasin ko muna ang pamamaga ng mata ko bago ako bumalik.

Halos malibot ko na yung buong field kakalakad.

Minsan nga ...

 Bugshhhhhhhhh .. 

" Ay miss, sorry. Nasaktan ka ba?"

Natamaan na ako ng bola pero wala parin akong pakialam.

Tuloy lang sa paglakad. Ewan ko kung saan ba tutungo tong paglalakad na ito.

Inabot na ako ng hapon sa pagmumukmok. Umupo nalang muna ako dun sa may bench sa tapat ng isang puno. Pero may biglang kumalabit sakin at yumakap.

" Sis, san ka ba nanggaling? Kanina ka pa namin hinahanap? Hindi ka man lang nagtetext. Akala nga namin nagcutting ka na ehhh .. Hindi ka tuloy nakapunta dun sa practice nila Bryan ng basketball." sila May at Andrea pala. Naalala ko tuloy bigla ang oras.

Isang panghapong subject din pala ang hindi ko napasukan. Nawalan kasi ako ng ganang pumasok.

" Sis may problema ba?" umupo sila sa tabi ko at nagsimula ng magtanong sakin ng kung ano-ano.

Bakit daw ako umalis kanina sa canteen?

Kung ano na daw nangyari sakin?

Bakit namamaga ang mata ko?

Kung umiyak daw ba ako?

Kung si Bryan nanaman daw ba ang iniiyakan ko?

Pero hindi naman ako sumasagot. Kung hindi ko siguro to mga kaibigan ay nabatukan na ako nito.

Hindi kasi ako maka-usap ng matino ehhh ...

Tumayo nalang ako bigla ..

" Sorry guys pero uwi na ako. Pagod kasi ako ehhh .. Gusto ko na muna magpahinga. Bukas nalang ulit."

Nagpa-alam na ako at umalis.

Hayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy !!!!!!!!!!!!!

Sana lang ay maintindihan nila ako ngayon. Pasensya na. Pasensya na talaga.

_______________________________________________________________

Ako rin po.

Pasensya na rin. Hindi ko kasi feel na magsulat ngayon ehhh..

Tingin ko kasi ang sama-sama lagi ng mga sinusulat ko.

Feeling ko ang pangit lahat.

Simula Chapter 1 hanggang sa mga sinusulat kong chapters.

Pasensya na talaga pero nalulungkot lang ako at nacoconfuss din.

Pasensya na. :'(

Forever In Love With You (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon