Chapter 1

185 7 4
                                    

"Alyana, hija gising na. Naku po malalate ka nanaman nyan." aligagang gising sakin ni Manang Lupe.

  Minulat ko ang mga mata ko at tumingin sa orasan.

"Naku po, naman oh, ala sais na pala. Panigurado patay nanaman ako nito kay Prof." bulalas ko.

Dali-dali akong tumayo at pumuntang banyo para maligo.

Mabilis lang akong naligo.

Parang pinadaanan ko lang ng sabon at tubig ang buo kong katawan.

Tapos nagbihis na ako at bumaba para kumain.

"Good Morning Manang Lupe at Mang George." bati kong may kasamang ngiti.

Nagtataka ba kayo kung bakit mga kasambahay ang agad na sumalubong sakin?

Wala kasi sa Pilipinas ang mga magulang ko.

Pareho silang nasa ibang bansa para sa mga negosyo namin doon.

Minsan lang sila kung umuwi kaya madalas mga kasambahay ang mga kasama ko.

"Oh, Alyana, Good Morning din. Halika na dito at umupo ka na. Kumain ka na at bilisan mo para maihatid ko na kayo agad ni Bryan." sabi ni Mang George.

"Pero Pa, kailangan ko pong pumasok ng maaga. Kailangan ko pa pong i-meeting ang buong Student Council ngayong umaga at ayaw ko pong malate." naiiritang sabi ni Bryan.

:-/ ?

Naku naman oh, ang aga-aga ang init-init ng ulo nitong taong ito aba.

Nakakabadtrip tuloy.

>.< grrrrrrrrrr .... !

Pero pasalamat sya at hindi ko kayang magalit sa kanya.

^____^ !

Oo. Sya si Bryan Delgado, anak ni Manang Lupeng at Mang George. 

Magkasabay na kaming lumaki nitong si Bryan.

Mula kasi ng isilang kaming dalawa ay nagtatrabaho na ang mga magulang nya sa pamilya namin.

Kaya nung umalis si mama at papa sa kanila ako ipinagkatiwala pati na yung bahay.

Lagi kaming magkasama ni Bryan mula pagkabata hanggang magkaisip.

Lagi ko syang kalaro, kaklase, lagi kasi kaming pareho ng pinapasukan.

Kaya nga ako na-inlove sa kanya eh.

Pero nagulat nalang ako isang araw.

Iniiwasan na nya ako.

Hindi na kami magkasama lagi.

Hindi na rin nya ako kinaka-usap.

Tsaka lang ako papansinin pag-aasarin o di kaya ay may kailangan.

Pero hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkagusto sa taong to.

Oo, inaamin ko gwapo sya, cute, matalino, matangkad, nagniningning ang mga ngiti at nakakatunaw ang mga tingin pero saksakan ng sungit. Laging mainitin ang ulo at napaka manhid.

Ika nga eh TAONG BATO.

Ewan ko ba, pero marami ring babaeng humahabol dyan eh.

Karamihan magaganda at mayayaman.

Laking pasalamat ko nga at naging trabahador sya ni Papa, atleast kahit papano pinapansin nya ako pero sympre with kasungitan parin.

"Ahhh, Manong George, sige diretso nalang po tayong school. Sa canteen nalang po ako kakain." sabi ko habang itinatago ang konting pagkaasar.

"Sure ka hija, baka mamaya himatayin ka sa gutom nyan?" pag-aalala ni Manang Lupe.

"Naku ma, hindi magugutom yan. Maraming stock yan sa bilbil nya." hirit ni Bryan. Sabay tungo sa may pinto palabas ng bahay.

 Ano? Ako? Bilbil? Hindi naman ako mataba ahhh ? Sexy nga ako eh.

>.<  !!!! ?

"ahh, hindi naman po. Sige alis na po kami." nagpaalam na ako kay Manang Lupe, tapos nun bumulong ako sa sarili ko.

"Baka kasi malate si senyorito. Nakakahiya naman sa kanya."

Nagulat ako ng biglang lumingon si Bryan at tumingin ng nakakatakot.

"May sinasabi ka?" tanong nya.

Nagulat naman ako dun, baka narinig nya.

"Ha? Wala ah. Sabi ko tara na bilisan na natin para hindi ka malate."

"Akala ko may sinasabi ka eh. Bilisan mo nalang. Malalate pa ako dahil sayo eh. Kupad-kupad mo kasi eh." - Bryan

Wow ha? Kasalanan ko pa ngayon kung bakit kami late samantalang pinatapos nya sakin magdamag yung mga gawain nya.

Ako naman si tanga, ginawa nga lahat.

Palibhasa crush mo eh !  

 Kaya ayun ! GUTOM ! PUYAT !

Hindi nalang ako umimik at agad na sumakay nalang sa passenger's seat ng kotse.

AUTHOR'S NOTE:

Pasensya na po kung pangit. First Time ko po kasi ehhh .

aayusin ko nalang po sa susunod. Free Vote, Comment & Like !

Para malaman ko yung thoughts nyo about sa story !

Hope U like it :)

Forever In Love With You (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon