Ang dami na rin ng nangyari noh?
Pero ngayon lang ako lumabas.
Ewan ko ba sa author?!
Ako nga pala si Bryan Delgado
17 years old.
Gwapo.
Matangkad.
Matalino.
Cool.
President ng Student Council.
Captain ng Basketball Team.
Vice President ng English club at ng kung ano-ano pang club.
at hindi naman sa pagmamayabang ahhhh ..
Pero
Ako lang din naman ang Top 1 student sa buong school.
Kaya lang, bodyguard / utusan lang ako ni Alyana Montenegro.
Mahirap lang ang pamilya ko.
Nagtratrabaho kami para sa pamilya ni Alyana.
Kapalit nun ay ang sweldo,libreng pagkain at full payment ng tuition ko.
Kung tutuusin ay maswerte na nga kami ehhh ..
San ka ba makakahanap ng boss na mababait?
Sagot na nga nila pag-aaral ko ay binibigyan pa nila kami ng mga konting biyaya.
Matalik kong kaibigan ang anak nila na si Alyana.
Halos sabay na kaming lumaki.
Lagi kaming magkasama.
Pero may isang pagkakataon na nagbago ng lahat.
Simula nun lagi ko na syang sinusungitan, inaasar at inaaway.
Kaya nga lagi kaming nagkakabanggaan ehhh ..
Pero ayos na rin yun ...
Kaysa naman magkagulo ang lahat kung hindi ko gagawin yun.
Isang araw habang naglilinis ako ng kotse.
" Anak samahan mo nga si Alyana." pakiusap sakin ni Papa.
" Pa, ayaw ko po talaga."
" Ano ba anak, matanda ka na pero ganyan ka parin. Pagkakataon mo na para bumawi."
Ano bang pinagsasasabi ni Papa?
Hindi ko naman sya maintindihan. Tsaka matagal na akong ganto.
Napakamot nalang ako sa ulo at tiningnan sya ng puno ng pagtataka.
" Hindi mo ba alam? Ganyan ka ba kamanhid? Hindi mo ba napapansin na iniiwasan ka ni Alyana. Anak, huwag mo namang laging galitin yung tao. Parang hindi mo naman sya naging kaibigan kung ituring mo sya ngayon. Kaya sige na, samahan mo na at mag-usap kayo."
Tinulak ako ni papa papasok ng kwarto ko para makapagbihis na.
Oo nga noh?
Iniiwasan ako ni Alyana.
Ilang araw ding hindi ko sya nakakasabay sa pagpasok at pag-uwi.
Tapos kahit anng pang-aasar ko ay parang wala lang.
Ano nanaman kaya ang problema nung babaeng yun sakin?
Sinamahan ko na sya sa mall.
Tahimik lang sya.
BINABASA MO ANG
Forever In Love With You (ON HOLD)
TienerfictiePano ba maibabalik ang kahapon? nung musmus palang kayo at masaya? pero pano kung nagbago ang lahat at nainlove ka sakanya na wala ng ginawa kundi ang sungitan ka. May mangyayari kaya?