Chapter 13

107 5 0
                                    

Dedicated sa mga nag-add ng story ko sa reading list nila :))

Ngayon ko lang naiisipan ehh .. Sorry .. :)))))))))))))) 

BRYAN'S POV:

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay umupo agad ako sa dulo ng kama.

Napatingin ako sa orasan.Mukhang matatagalan pa yung babaeng yun ahhhh ...

Kinuha ko muna yung tuwalya ko at tumungo sa banyo para makapag shower muna.

Mainit-init ang tubig. Masarap sa pakiramdam ang bawat haplos ng tubig sa aking katawan. Tamang-tama sa aking pagrerelax.

Napasarap ata yung pagshoshower ko.

Hindi ko man lang narinig yung kumakatok sa labas. Pagkalabas ko pa lang ng c.r.

"Ohhh, andyan kana pala .. Kanina ka pa?" nakapasok na pala sya. Hindi ko man lang naramdaman. Buti nalang at nakapagsuot na ako ng sando sa loob ng c.r.

"Hindi naman. Kararating ko lang. " bakit ganun sya magsalita? Parang naiilang?

"Ganun? "

"oo. Kumakatok ako kanina kaya lang walang sumasagot kaya --  ...   " 

"Ok lang. Umupo kana dito. " hindi ko na sya pinatapos pa sa pagsasalita. Hindi ko naman na kailangan ng aliwanag nya. Okay lang yun. Wala naman nangyari. Wala rin naman syang nakita.

Umupo ako sa gitna ng kama at sa tabi ko sya pina-upo. Sumunod nalang naman sya agad at hindi na nagreklamo pa.

"Bibilisan ko nalang para maaga tayong matapos. Ayaw ko ng patagalin pa ito. Matalino ka naman kaya sigurado akong madali mo lang itong makukuha. " bago kami magsimula ay gusto ko munang linawin lahat.

"Ako rin noh?! Ayaw kong magtagal pa dito."  mabilis nyang tugon.

"Mabuti naman. "

Kinuha ko na yung mga notes nya. Binuklat buklat ko at sinimulan ko nang basahin at intindihin.

Medyo mahirap itong ipaliwanag dahil masyadong kumplikado kaya inaral ko ito ng mabuti. Para naman walang masabi saking itong babaeng to at pati narin si maám. 

Kaya nung medyo alam ko na at nakukuha ko na kung papaano ko ito ipapaliwanag sakanya sa simpleng paraan na mabilis lang nyang maiintindihan ay nagsimula na ako sa pagpapaliwanag.

Naging mahinahon ako sa pagpapaliwanag upang mas lalo nyang maintindhihan.

Pero habang nagpapaliwanag ako ay parang napapansin ko na wala ata sa wisyo itong tinuturuan ko. Panay lang ang tingin at titig nya sa akin na kung minsan ay nahuhuli ko pang sinasabayan nya ng ngiti.

Sinubukan ko syang tingnan-tingnan at obserbahan. Pero walang nangyari. Nakatitig parin sya sakin.

Ano bang ginagawa nito?

Hindi ba sya nakikinig?

Nakakapagod kayang magsalita dito at magturo.

Tapos malalaman ko lang na hindi pala sya nakikinig?

Ilang minuto pa ay hindi ko na natagalan pa.

Nakakaconcious kayang titigan ka ng isang tao habang nagsasalita ka.

"Arayyyyyyyyyyyyyyyyyy ! " at kumawala na sa bibig nya ang isang nakakarinding sigaw.

Pinisil ko kasi ang ilong nya. Medyo namula pero okay lang. Atleast bumalik na sya sa katinuan nya.

Forever In Love With You (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon