Born For You

31 0 0
                                    

Hi friends! Eto yung story na mej matagal ko ng nasulat. Haha. Sinend ko sya sa PHR kaso for editing purposes. Eh tinamad ako. Hahaha. Ayun. Sana maenjoy nyo to. If ever lang na may makapagbasa nito syempre. Hahaha. 

Para ito kay Aiko at Terence. <3

Chapter 1 

Jenine's POV

“Hoy, ngiting-ngiti tayo ah.” Sabi ni Mari Aiko sabay hampas sa balikat nya

Naputol ang pagkatulala ni Jenine sa boses at sa libreng hampas ng kanyang bestfriend. “OA ka naman sa paghampas. Naalog ata ang brain cells ko doon ah.” inis na turan nya

“Eto naman, concerned lang naman ako kung asang mundo ka na. Ano bang iniisip mo?” tanong ni Aiko

“Iniisip ko lang yung bilis ng panahon. Parang kelan lang first year tayo tapos bukas gagraduate na tayo, parang nakakamiss. Andami kong what ifs.” Mahabang litanya ni Jenine.

“Ah. Katulad ng kelan ka aamin na may gusto ka kay Terence?” nambubuyong sagot ni Aiko.

“Wag ka ngang gumawa ng issue. Close lang kami, as in super tight. No malice.” Defensive na sagot nya. Nagkunwari siyang may hinahanap sa loob ng bag.

“Nasasaktan ka kapag may kasama syang iba. Nagseselos ka kapag may kausap syang iba. Kinikilig ka kapag magkatabi kayo na kahit walang kwenta ang pinag-uusapan niyo eh, masayang masaya ka. Namimiss mo sya pag absent sya at higit sa lahat, umiiyak ka kapag umaasa ka sa mga simpleng bagay na pinapangako nya pero di nya natutupad. Ngayon, sabihin mo nga kung kaibigan lang talaga sya sa iyo.” Naiinis na umalis papalayo si Aiko.

Akmang susundan nya ang kaibigan ngunit naisip nyang hayaan na lang muna ito. At sya mandin ay nahulog sa malalim na pag-iisip.

Si Terence ang pinakabestfriend niyang lalaki. Matangkad ito, maputi, matalino at higit sa lahat, payatot. Natawa siya sa kalokohan niya. Halos lahat ng kaklase nya ay kung hindi man nagkagusto noon, eh baliw pa rin dito hanggang ngayon. Hindi naman masungit ang binata, meron lang talaga itong mysterious effect dahil nga sa pagiging tahimik nito. Pero alam niya kung paano ito napapadaldal, walang iba kundi ang lahat ng usapin tungkol sa musika, lalung-lalo na kay David Cook.

 “Narinig mo na ba yung bagong version ni David Cook sa Always be my baby ni Mariah?” tanong ni Jenine

Biglang napatayo ang lalaki at lumipat sa upuan niya. Tatlong silya kasi ang pagitan nila.

“Napakinggan mo na pala? Ang galing niya ano? Sabi ko na at nagmana ang idol ko na yun sa akin.” Sunud-sunod na litanya nito

“Andami mong sinabi, eh nagtanong lang naman ako kung narinig mo. Hindi naman ibig sabihin nun, nagustuhan ko na.” pigil na ngiting balik niya

“Hindi mo ba nagustuhan? Maganda naman ah. Wag ka mag-alala, papabago ko yun sa kanya. Teka at itetext ko.” At sabay silang nagkatawanan.

“Ahem, may nabubuo atang sama ng panahon dito.” Pambubuska ng class secretary nila na si Jonathan

“Itsura mo. Nangengealam? Selos ka naman. Alam mo namang ikaw ang mahal ko, Jonathan.” Madamdaming tugon niya

“Kilabutan ka nga. Di tayo talo. Wag mong sirain ang future namin ni Terence.” Sabi naman  ni Jonathan

“Future ka diyan, ni wala nga kayong present, future pa kaya?” nang-aasar na balik ni Jenine

Born For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon