Update VIII

12 0 0
                                    

Chapter 8

Terence's POV

Hindi pa rin makaget-over si Terence sa mga nangyari kanina. Nakita na niya muli si Jenine. And she still owns his heart. Nakumpirma na niya iyon. Walang nagbago. Mas lumalim pa ata ang naramdaman niya sa dalaga. Naalala niya pa ang ngiti nito. Hindi man lang nabawasan ang ganda ng dalaga. Napakaganda pa rin nito. Napakasimple ng ayos nito pero kulang na lang ay sambahin niya ang dalaga kanina. Napailing siya sa epekto ng dalaga sa kanya.

“I’m much more beautiful than her. Why would you choose her over me?” tanong ni Mischa sa kanya na puno ng hinanakit. Nakapark ang kotse niya sa harapan ng bahay nila Mischa. Nasa tabi niya ito. Oo, tama marahil si Mischa na mas maganda ito kay Jenine. Pero hindi niya maintindihan kung bakit sa huli, harangan man siya ng sibat, ito at ito pa rin ang pipiliin niya.

“She will never be a choice. Maybe you, but never Jenine.” Tiim-bagang na balik sa kanya ni Terence

“Magpapakamartir ka? May asawa at anak na yung tao. Wag kang tanga. Have you seen how happy they were? Why can’t you just accept the fact that the two of you will never meant to be together? And that you are meant for someone else. Don’t be stupid.” Nanggigil na si Mischa sa kanya.

Those words hurt. But it’s the truth. May pamilya na nga si Jenine. And they looked perfect. Parang may punyal na humihiwa sa puso niya. Hindi niya akalain na ganoon kasakit yun.

“Maybe I was destined to be alone. I might be able to love only one girl in my life. Maybe we should also end this charade that we are having.”

Namutla si Mischa. Kinuha agad nito ang bag niya.

“Bukas na tayo mag-usap. Parehas mainit ang ulo natin. Hindi natin alam kung anong nasasabi natin.”

“I clearly know what I am saying. I think we really should stop this. We’ll just end up hurting each other.”

“No we can’t. Wala ka ng ibang idadahilan kay Jenine para magkita kayo. I won’t give you up. Not that easily.” Umalis na ito. He felt like his energy has been drained up. He felt so restless.

Nakikini-kinita na naman niya ang sarili na magpapakalunod sa alak. Pagak siyang natawa. Fate can be really such a pain in the ass sometimes.

Jenine's POV

Naihatid na ni Nate si Lucy sa kuwarto nito. Natapos na rin silang nakapagpacheck up. So far wala namang problema. Pero kanina pa tahimik si Nate. Waring may iniisip ito, pero wala syang lakas ng loob na magtanong.

“Salamat nga pala Nate sa pagsama sa ospital. Naabala pa tuloy kita.” Pagputol nya sa nakakabinging katahimikan

“Wala yun. Matulog ka na. Uuwi na ako. Darating na ang parents mo bukas. I better go now.”  He said icily. Umalis ito ng walang paalam sa kanya. He’s so cold. Galit ito. Hindi niya ito masisi. Hindi na nya mapigilang umiyak. Nasasaktan si Nate dahil sa kanya. Ayaw niyang saktan ito pero ayaw na niyang magmukhang tanga at mahina.

Ayaw na niyang maramdamang muli mag-isa dahil lamang sa lintik na pag-ibig niya para kay Terence. Inaamin niya mahal pa rin niya ang lalaki pero kailangan niyang pigilan ang sarili dahil hindi na niya kakayaning masaktan muli. Hindi na niya kayang mawala ang lalaki sa buhay. Hindi na dapat mangyari ang nangyari sa nakaraaan. She learned her lessons very well.

Pero kahit anong gawin niya, masakit pa rin palang makita na ikakasal na ito sa ibang babae. Pilit niyang pinapamanhid ang nararamdaman niya. Pero God knows, kung sya ang nasunod, baka naglumpasay na sya kanina, lumuhod sa lalaki at nakiusap na siya na lang ulit ang mahalin. Kung talagang minahal nga sya nito. She smiled bitterly. Idagdag pa si Mischa. Everyone would want her. Sino nga ba naman siya. Napasubsob na naman sya sa unan niya at impit na umiyak. Napakasakit. Akala niya pagkalipas ng maraming taon, mawawala lahat ng nararamdaman niya para sa lalaki, pero hindi. Hindi ito nawala, itinago lamang niya ito sa pinakasulok ng puso niya. dahil alam niya na khit ngayon, umaasa pa  rin ang baliw na puso niya, na magiging sila pa rin katulad ng hinihiling niya. Ang masakit doon, alam niyang hindi na maari iyon kasi pag-aari na si Terence ng iba. At hinding-hindi ito magiging kanya. Ayaw niya itong tanggapin pero tadhana na rin siguro ang nagpapasya sa kanila.

Aiko's POV

“Hello, Lucy. tulog pa ba ang mommy mo?” ngiti ni Aiko kay Lucy. Eto lang kasi ang naabutan niya sa garden. Ang ganda talaga ng batang ito. Kamukha ni Jenine. Marahan pa niyang hinaplos ang bahagya ring kulot nitong buhok.

“No. She’s there, Tita Aiko.” Anang bata sabay turo sa kaliwang bahagi ng mansion. Andoon ang mini orchard na pinapamahalaan ni Tita Kleng. Nakita niya rin ito doon. Nakaapron pa ito at may hamak na gunting. Napangiti siya kay Lucy.

“I mean your Mommy Jenine.”

“She’s not my mom. She’s my sister.” Humagikgik pa ito. Tila tawang-tawa ito sa huli niyang sinabi.

Kumabog ang dibdib niya. nakakita siya ng pag-asa para sa dalawa niyang kaibigan.

“What’s your whole name then?” panunubok niya ulit ditto. Baka nagkakamali lamang siya ng dinig

“My name is Lucy Re’ Apostol. My father is Jeremy Apostol. My mother is Celestine Apostol. My only sister is Jenine Apostol.” Bibong wika nito. Akmang sasagot sya ng pahintuin sya nito.

“Ooops. I know what you’re going to say. Nate Cordevas is my Didi. It’s just a call sign between the two of us because he’s like my second father. And he’s also Ate Jenine’s fiancé.” Anitong walang pigil sa pagsalita.

May pagkaclairvoyant ata ang isang ito dahil nahulaan na nito ang itatanong niya. At hanep mag-english ang isang ito. Hindi man lang nag-stutter. Pero napakasaya niya dahil sa nalaman. Magtutuos sila ngayon ni jenine.

“Thank you Lucy. I’ll just come inside. I have to see your sister.” Niyakap pa niya ang bata dahil sa nag-uumapaw na kaligayahan niya

Hindi na siya nahirapang hanapin ang kaibigan dahil nasa sala na ito. Namamaga ang mata. Halatang umiyak ito. Natutuwa na siya sa mga pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.

“So, kamusta naman ang brain mo according sa check up mo kahapon? Nauntog ka na ba at ititigil mo na ang pagpapanggap na anak mo si Lucy?” wala ng paliguy-ligoy na sita niya ditto. Hindi agad ito nakahumang.

“At bakit namamaga ang mata mo? Umiyak ka ba? Bakit? Mahal mo pa rin ba si Terence?”  walang patid niyang tanong

“So I’m right.” Namutla sya ng mapagtanto kung sino ang nagsalita. Walang iba yun kundi si Nate. Nasa tabi nito si Tita Kleng at Tito Jeremy.

“I should have known better. Ginagamit mo lang pala ako para palabasin na masaya ka na sa buhay mo. Pero ikakasal na siya diba? Well, I have news for you darling. You can use me for whatever reason you might have, but the marriage is still on.” Blankong mukhang sinabi nito kay Jenine. He looked hurt but he knows how to mask it very fast. Guilty naman ang anyo ni Jenine. Umalis na rin ang binata. Narinig na lamang nila ang pagharurot ng kotse nito palayo sa kanila. Nanghihinang napaupo si Jenine sa sofa. Matalim siyang tiningnan nito. She equaled her look.

“I’m sorry.” Labag sa loob niyang sabi.

Hindi ko naman akalain na andoon siya sa likod.” Paismid pa niyang wika

“It’s okay.” Nagulat siya sa sinabi ni Jenine

“What do you mean okay? Tama naman lahat ng sinabi ko kanina diba.” Sandaling tumahimik si Jenine. Maya maya pa ay nagsalita na ito.

“Yes. I made you all believed that Lucy is my daughter. Ginawa ko lang yun dahil ayokong isipin niyo na hindi ako makaget-over. Ikakasal pa lang kami ni Nate. At sa lahat ng sinabi ko, yun lang ang kasinungalingan.” She said defiantly. Ayaw niyang maniwala. Nabigyan na siya ng pag-asa. Panghahawakan na niya ang katiting na yun para itama lahat.

“Aalis na muna ako. It seems that you are not in the mood. May gathering pala tayo. Next week na yun. Lahat lang tayong magkaklase ang naroon. Susunduin kita dito. Bye.” Hindi na siya sinagot ni Jenine. Tahimik lang siya nitong hinatid hanggang sa  kotse niya. Ngiti lang din ang ipinaalam nito sa kanya. Pero sapat na yun para malaman niyang hindi galit ang kaibigan sa kanya. 

Born For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon