Update XII (Finale)

15 0 0
                                    

Chapter 12

Jenine's POV

“Ayan, mukha na tuloy akong busabos ngayon. Wala pa naman akong dalang panyo kahit tissue man lang. Alam ko namang napakaiyakin ko, bakit ko pa kasi laging nakakalimutan magdala ng pamunas. Ampangit-pangit ko na siguro.” Umiiyak na kausap ni Jenine sa sarili

“No. You’re still beautiful.” Anang boses sa likod ni Jenine

“Isa pa yan. Nababaliw na ata ako kasi naririnig ko ang boses ni Terence. Nasa simbahan iyon eh. Magpapakasal na iyon kay Mischa. Sobrang pagkamiss ko sa kanya, naghahallucinate na ako.” Dagdag pa ni Jenine sabay singhot ng malakas. Nanlalabo na talaga ang paningin niya dahil sa luha at pilit niya ring pinipigalan ang pagtulo ng sipon. Gross, sa isip-isip niya. Nang may biglang yumakap sa likod niya. Kinabahan siya. Inunahan na niya agad kung sino mang masamang loob ang magtatangka sa kanya.

“Manong, wala ka ng makukuha sa akin. Wala akong alahas, pera o atm card. Damit ko lang yung mapapakinabangan mo pero wag naman manong. Nakakahiya na nga ang itsura ko magbuburles pa ako? Maawa ka naman, Manong. Yung puso ko, try niyong ibenta sa junk shop. Baka may halaga pa po. Wag niyo lang po akong saktan. I’ve experienced so much hurt for today manong. Pwede po bang ipagpaliban nyo naman muna. Kahit bukas, babalik ako ng may pera.” Kinakabahang paliwanag ni Jenine. Halos magkandabulul-bulol siya sa pagpapaliwanag sa yumakap sa likod niya.

“Hindi ka pa rin nagbabago.” Tumatawang sagot ng yumayakap sa kanya.

Natigilan siya. Kilala niya ang boses na iyon. Bigla siyang napaluha. Noon niya lang napansing hindi na siya natatakot sa presensiya ng yumayakap sa kanya. She felt safe. Doon niya lang nakumpirma kung sino ang yumakap sa kanya. Hinawakan pa niya ang kamay nito at umiyak. Humigpit pa lalo ang yakap sa kanya. Maya-maya pa ay pinaharap na siya nito. Doon niya nakumpirma ang hula niya, na tama ang bulong ng puso niya.

“T-terence.” Lumuluha ng yumakap si Jenine

“Ikaw ba talaga yan? Hindi ba ako nananaginip? Hindi ka ba kinasal? Teka. Hindi ba ikakasal ka? Bakit nandito ka? Baka naman may naiwan lang pala ako doon at iaabot mo lang. Pagkaganon, pwede namang iba na lang yung magbigay. Bakit ikaw pa?  Tiyak niyan, aasa na naman ako.” Marami pa sanang sasabihin si Jenine ng maramdaman niyang may lumapat sa labi niya. Napalaki ang mata niya. Bumilis ang tibok ng puso niya. After realization hit her, she closed her widen eyes to savor the kiss.

Terence is kissing her. It felt so good. She felt so loved. Sa simpleng pagdampi na iyon, parang nasasabi na nito na mahal na mahal siya ng lalaki. She will forever remember this special kiss. Ikukwento niya iyon sa magiging anak niya at magiging apo niya. Ikukwento niya na sa simpleng halik na iyon, binuhay na nito ang puso niya.

“You’re really here.” Nakangiting sambit ni Jenine

“I’m here, baby.” Ani ni Terence habang pinunasan ang pisngi niya sa mga luhang lumandas dito.

“I’ll be forever here. Hindi ko mapapangakong hindi ka na iiyak sa piling ko. Pero asahan mo, hindi ako gagawa ng ikakasama ng loob mo. Alam kong may pagka-isa’t kalahating tanga, bobo, inutil, manhid at sira-ulo ako pero isa lang ang sinisiguro ko, ikaw lang ang mamahalin ko. Hindi na ako magpapakaduwag. I will be your strength. Basta, let’s make justice for forever.”

Sobrang hindi makapaniwala si Jenine sa nangyayari. Hindi na ikakasal si Terence. Naalala niya ang mga panahong hindi sinasadyang nasasaktan niya ito.

“I’m sorry, Terence. Alam kong nasaktan kita these past few weeks. Doon sa mga attempts mong aminin lahat. Believe me, tuwing nasasaktan ka, doble ang balik noon sa akin. I never wanted to hurt you. Because I love you. You’re the only man I ever loved. And it will forever stay that way.” Niyakap muli ni Jenine ang lalaki.

Born For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon