Update VII

15 0 0
                                    

Chapter 7

Jenine's POV

Kanina pa sya nakaharap sa salamin. Nakailang palit na rin sya ng damit. Nagdress na sya, nagpants, nagslacks at nag skirt na rin pero di pa rin sya makuntento. Sa huli, nagshorts na lang din sya at naghanging blouse. Nilugay na lamang nya ang wavy na buhok. She felt satisfied. Dati hindi sya makapagsuot ng mga ganito kasi may fats pa sya, pero ngayon, kering keri na niya. Napangiti sya. Hindi na siya nag-apply ng kung ano mang kolorete sa mukha, lip gloss lang at polbo, okay na siya. Sinuot na lang niya ang paborito niyang shades. She’s all set now. Napabuntung-hininga sya muli. Di talaga nya maiwasang kabahan. Nang magring ang phone nya, si Aiko ang tumatawag.

“Anong petsa na? Paimportante ka? Kanina ka pa namin hinihintay ah. Sabi ko na nga ba, dapat sinundo kita. Hmph. Hindi ka pa rin talaga nagbabago.” Mahabang litanya sa kanya ni Aiko

“Sorry naman. Nalate lang ako ng gising. Paalis na ako sa bahay actually.” Nakangiwing wika ni Jenine

“ANO? Paalis ka pa lang sa bahay niyo? Naku naman, kung hindi naman po nakakahiya sa inyo senyora, pwede po bang pakibilisan? Kung hindi lang naman nakakahiya.” Sarkastikong tugon nito

“Oo na. Eto na nga, pasakay na ako sa kotse. Bye na muna. Tama ba itong address na tinext mo? Ay teka, pa send pala ulit. Nabura ko.”

“Naku. Ewan ko sayo. Sige tetext ko na lang ulit. Be careful okay? Bye. Mag-iingat ka Jenine.”

Paalala sa kanya ni Aiko. Tinapos na rin nito ang tawag. Maya-maya pa ay sinend nito ang address ng pagpapraktisan nila para sa wedding entourage. Somewhere in Makati yun, napuntahan na niya yun kaya madali na sa kanya ang pagpunta roon.

“Inhale, Exhale. Inhale, Exhale. Jenine naman. Wag kang kabahan. You should relax. Ayan. Noooo. Kinakabahan pa rin ako.”

Tila nababaliw na si Jenine sa loob ng kotse nya. Nakared light kaya huminto siya. Nakita na nya na nag-green. Pinaandar na nya ang sasakyan ng hindi niya namalayang may nag-over take sa kaliwa niya.

Bigla siyang nagpreno pero huli na. Nasanggi na siya ng kotse. Mabuti na lamang at naka-seat belt sya kung hindi baka pinaglalamayan na sya ngayon. Naiiyak na siya sa sobrang kaba. Kung anu-ano kasi ang iniisip niya. Kung hindi pa siya kinatok ng nakabangga sa kanya ay hindi sya kikilos sa kinauupuan niya.

“Miss, I’m really sorry. Nagmamadali kasi ako. Are you hurt? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?” tuloy-tuloy na tanong sa kanya ng may edad na lalaki. Eto ata ang nakabangga sa kanya. Bago sya sumagot ay bumuntung hinga muna sya.

“No. I’m okay.” Bumaba na rin sya at kinuha ang gamit mula sa kotse

“I’m sorry miss. It’s my fault. Ako na lang ang sasagot sa damage ng sasakyan mo.” aning matanda

“Just do me a favor. Iiwan ko na lang muna itong kotse ko. Ikaw na ang bahalang magpa-tow okay. Eto ang calling card ko, tawagan mo na lang ako para sa babayaran ko. Nagmamadali talaga ako eh. Salamat po.” Tuloy-tuloy na naglakad si jenine na hindi na hinintay ang sagot ng kausap. Malilintikan na talaga sya kay Aiko. Isang sakayan na lang naman ang layo niya mula sa venue. Tumawag na siya ng taxi at agad na sumakay doon. Pagkasakay ay tinawagan niya agad si Nate.

Nate. Nabangga yung kotse ko. I mean kotse mo. Sorry.” Kinakabahang tawag niya kay Nate. Mahal na mahal nito ang kotse niya.

“What? Are you okay? Nasaan ka? Nagpacheck up ka ba? Sinong nakabangga sa’yo? Wala ka bang ibang nararamdaman?” sunud-sunod na tanong ni Nate

Born For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon