Chapter 11
Jenine's POV
Kinabukasan, suot na niya ang gown niya na susuotin niya para sa kasal ni Terence at Mischa. Papunta na siya sa simbahan. Si Nate ang magdadrive sa kanya papunta roon.
“Wag mo munang paandarin ang car.” Panimula ni Jenine. Sumunod naman ang lalaki.
“I’m calling off our wedding. Sorry, Nate.” Hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa. No it’s not easy but there would be no other way. No matter what her decision is, Nate will still be hurt. Sabi nga sa kanta, “There’s no easy way to break a heart.”.
“I understand. At saka hindi ko naman talaga gusto ang kulay beige. Doon pa lang matagal ko ng sinuko lahat. Kasi kung gusto mo talagang makasal sa akin, you would want it to be perfect. Pero ganyan talaga sa buhay, you can really never have it all. Gawin mo ang tama, okay? Mahal kita, kaya I want you to be happy. Ayokong malulungkot ka. Do what your heart tells you. Tatawagan mo ba siya at ititigil ang kasal?” kunwaring tanong ni Nate pero alam niya na naghihintay ito ng seryosong sagot. After all the pain that she has caused him, he deserves to know the truth.
“No.” umiling pa si Jenine. Nais pa sanang magtanong nito pero hindi na nito naituloy iyon dahil sinabi na niyang paandarin ang sasakyan. Baka malate pa siya. Nakakahiya sa mga bisita. Kimi lamang na ngumiti ito pinatakbo na ang sasakyan.
Bago siya bumaba sa sasakyan ay may huli pang sinabi si Nate.
“I’m hurt but I’ll be fine. I’ll get over somehow. Just make a promise. Make yourself happy. Para naman masabi ko sa sarili ko na hindi ka talaga para sa akin. Na mas liligaya sa iba. Promise me, please?” nagmamakaawang tanong ni Nate. Tumulo ang luha niya dahil doon.
Hindi niya kayang magbigkas man lang ng salita. Tumango na lang siya. Ang sama ng tingin niya sa sarili niya. This man should not deserve that kind of treatment. He doesn’t deserve me. Isinara na niya ang pinto sabay punas sa mata niya. Mabuti na lang at waterproof ang ginamit niyang makeup. Tinawag na siya ng coordinator. Pinapaassemble na sila at nariyan na ang bride. Sobra ang kaba sa dibdib niya.
Habang naglalakad papunta sa may piano area ay nadaanan niya si Aiko. Hindi man lang ito ngumiti sa kanya. Halatang hirap na hirap ito sa kakapigil umiyak. Maging siya pinipigilan iyon. Pero kailangan niyang pagbutihan. Ayaw niyang mapahiya sa harap ni Terence. Paakyat na siya ng may humawak sa kamay niya. Si Terence iyon.
“Are you sure you really wanna do this?” tiim bagang na tanong ni Terence
Alam niya ang tinutukoy nito pero nagmamaang-maangan na lamang siya.
“Ang alin? Yung pagkanta? Wag ka mag-alala gagalingan ko naman.” Aniyang binigyan pa ito ng pekeng ngiti. Hinila na niya ang kamay niya sa pagkakahawak ni Terence ngunit ayaw siyang pakwalan nito. Kailangan pa niyang tapatan pa ang lakas nito. Sa huli, pinili na lamang nitong bitiwan siya. Tumalikod na siya. Sumenyas na ang coordinator na naghuhudyat ng pagpunta nila sa kanya-kanyang puwesto dahil maglalakad na sa aisle si Mischa. Sinulyapan niya si Mischa. Napakaganda nito. Bagay na bagay rito ang wedding gown nito. Bumagay sa katawan nito ang tabas ng gown nito. Hindi na niya inisip pang mainsecure dahil alam naman niyang nakahihigit ito sa kanya. Ng tumunog na ang unang parte ng kakantahin niya. lumunok muna siya bago niya binitiwan ang mga salita.
Ikaw ang bigay ng maykapal.
Sagot sa aking dasal
Nakarating na sa harap si Mischa. Tapos na rin ang kanta niya. Umusal pa si Mischa sa kanya ng mga katagang, “thank you.”. Sinserong ngiti lamang ang ibinalik niya rito.