Update V

25 0 0
                                    

Chapter 5

Jenine's POV

Nasa kotse na sila ni Nate. Nauna silang umuwi at nagpaiwan ang parents niya. Marami pa kasing kelangang asikasuhin si Nate sa office nito. Kung tutuusin hindi na naman nito kailangang magtrabaho na parang kalabaw. Marami na itong ipon at marami na ring investments. Pero nahihiya ito sa Daddy niya. Inampon lang kasi si Nate ng Daddy niya. Wala na kasi itong pamilya. Tinuring itong isang tunay na anak ng Daddy niya. Kaya malaki talaga ang tinatanaw nitong utang na loob sa Daddy niya. Maraming beses na itong pinagsabihan ng Daddy niya na kalimutan na lahat yun dahil bukal sa loob nito ang pagkupkop kay Nate dahil likas dito ang pagiging mabait.

Naalala niya tuloy yung unang araw na nagkita sila ni Nate. Nakilala niya ito noong araw na puntahan nila ni Mama Kleng ang daddy niya. Naunang nag-usap ang parents niya. Naiwan lamang siya sala, nang may biglang lumapit sa kanya.

Flashback

“You carry your Dad’s aura. Very snobbish.” Ani ng nagsalita

Napatingin siya sa gawing kaliwa niya. Nakatayo doon ang matangkad na lalaki. Nakangiti ito sa kanya. Moreno ito pero mas makinis pa ata ang balat nito kesa sa kanya. At sinabihan siya nitong snob. Kapal naman nito, aniya. Di naman sila close. Inirapan niya ito. Tumawa ito ng malakas na lalong ikinainis niya.

“Excuse me, ako ba ang tinatawanan mo?” mataray na tanong ni Jenine

“Ikaw nga.” All smile na sagot pa rin nito

Ang walanghiya. Di man lang itinanggi. Nanggigil na siya sa lalaking ito.

“I’m not talking to strangers.” Nasabi na lamang niya sa kawalan ng masabi

“Well, to begin with, I am Nathaniel Cordevas. Your dad’s protégé. I’m 20 years old, pogi, may trabaho, available at walang sabit.”

“I don’t care kung wala kang sabit. Mas mukha kang may sayad actually.” Nakangiti ng sambit ni Jenine

“Jenine!” sigaw ni Mama Kleng

“Ikaw talaga, hindi mo na pinalampas yang binatang yan sa katarayan mo.” Naninitang saway ni Mama Kleng

Hindi na niya pinansin ito. Napatingin siya sa magkaholding hands na kamay ng Mama niya at daddy niya. Napatili siya ng malakas.

“OMG. Don’t tell me Mang, lalove life ka na. Well, you deserve it naman eh. I’m so happy for you.” Kinikilig si Jenine

Namula ang mama niya. At tinangka nitong alisin ang kamay mula sa pagkakahawak sa daddy niya, ngunit mahigpit na hinawakan ng daddy niya ang kamay nito.

“I will never ever let you go again.” Madamdaming pahayag ng daddy niya

Para siyang kinuryente sa kilig para sa Mama niya. Nayakap niya tuloy ang katabi niya. Tumigil lang siya sa pagyapos ng mapansin niyang tumahimik ang lahat. Nakamata na lang ang parents niya sa kanya. Nang makita niya kung sino ang nayakap niya, naloko na. Si Nate pala yun. Ngiting-ngiti ang loko. Pabalibag niya itong binatawan. Tumikhim siya.

“Wala lang. Na-excite lang ako masyado.” Defensive na sagot niya. Inirapan niya pa ang binata.

“Tama na yan, Jenine. Nauna mo pang niyakap yang si pogi kesa sa Daddy mo.”

Born For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon