Update X

11 0 0
                                    

Chapter 10

Flashback

Jenine's POV

“Can we talk?” Mischa said indignantly but funny as it seems, pleadingly. Tila may pinakikiusap ang mata nito.

“Kung aawayin mo lang ako, wala ako sa mood. I don’t wanna be rude pero umalis ka na.” pinuntahan siya nito sa bahay nila. Silang dalawa lang ang nag-uusap. Umalis ang parents niya kaya siya lang ang naiwan. Kung aawayin siya nito, hindi niya talaga uurungan ito.

“I’m sorry.” Sabi ni Mischa. Straight through her eyes ang pagkabigkas ng mga salitang iyon.

 Literal siyang napanganga. Halata namang nainis ito sa inasal niya. Tinikom niya ang bibig niya.

“What’s the matter with you? May sakit ka ba?” nagtataka talaga siya sa babaeng ito

“Cut off that look in your face. It’s annoying.” Anitong inirapan pa siya. Hindi siya makapagsalita. Natatawa siyang ewan sa babaeng ito. Bumuntung-hininga ito.

“I behaved really bad nung rehearsal. I’m sorry.” Nagseryoso na ito at nakita niya talagang sincere ang babaeng ito. Infairness, sa isip isip nya. Hindi na siya nagdalawang-isip. Ngumiti siya.

“You’re forgiven. Let’s forget about the past.” Aniyang bukal sa loob. Parang gumaan ang loob niya dahil nawala siya ng kasamaan ng loob. May sasabihin pa sana siya ng muling magsalita ang babae.

“May hihilingin sana ako sa iyo. I know we’re not even friends but please listen first, will you?” she said with her eyes pleading like a puppy. Ang cute naman ng babaeng ito, aniya sa isip. Pwedeng pwedeng mag-artista, epektib. Tumango na lamang siya bilang pagsang-ayon.

“Layuan mo si Terence. Pero kung hindi siya lalayo sa’yo at ipipilit niya ang sarili niya sa’yo, please, tanggihan mo siya. Mahal ko siya, sobra. Pero ikaw pa rin ang mahal niya. Pero committed ka na di ba? Nabuhay ka na ng wala siya sa matagal na panahon, ako hindi ko kakayanin. He’s my life now. Everything revolves around him. I really don’t think I can live without him.” Lumuhod na ito sa harapan niya. Napaatras siya sa sobrang gulat.

“I’ll give everything I have just let me have him. Sa iyo na lahat ng pag-aari ko, stocks, jewelries, land and money. I just need him. Only him.” Tuluyan ng umiyak si Mischa.

Naawa siya kay Mischa. Aaminin niya nakuha nito ang simpatiya niya. Nagmamahal lang naman ito katulad nilang lahat. Naiipit lang talaga silang lahat ng sitwasyon. Inakay niya ito at itinayo. Nakapagdesisyon na siya.

“Tumayo ka na nga diyan. Baka may makakita pa sa atin, isipin inaapi kita. Umuwi ka na.” ani ni Jenine. Nagpaakay naman ito at inabot ang kamay niya para maitayo ang sarili.  Bagsak ang mukha ni Mischa. Hindi na nito napigilan lalo pang maiyak. Tumalikod na ito.

“Kapag pinaubaya ko ba siya sa iyo, mamahalin mo sya at aalagaan?” kagat-labing tanong ni Jenine. Marahas na lumingon si Mischa. Umiiyak na tumango.

“Mahalin mo siya ah?” lumuluha na rin si Jenine. Hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa ni Mischa. Niyakap siya nito ng mahigpit. Gumanti siya. Parang walang nangyaring alitan sa kanila. Sabagay, may common denominator sila. Pareho silang nagmamahal sa isang lalaki. Pero isa lang dapat ang makatuluyan ni Terence. Ayaw niyang malaman na sa huli, kahit ipaglaban niya ang lalaki, hindi pa rin ito mapupunta sa kanya. Kaya magpapaubaya na lamang siya. Magpapaubaya siya.

Born For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon