Teaser

10 0 0
                                    

Aiko's POV

Naluluha pa rin si Aiko dahil natupad na rin sa wakas ang isa sa mga hinihiling niya. Nagkabalikan na muli ang dalawang niyang bestfriend. Hindi birong hirap, pagod at luha ang naibuhos niya para lamang magtagpo muli ang landas ng dalawa. She felt happy and contented. Napansin niyang parang may tumitingin sa kanya. Pagkalingon niya ay nakita niya si Nate. Biglang siyang napasimangot. Ginawa niya pang eksaherada iyon at hindi man lang nagtangkang itago iyon sa lalaki.

“Anong ginagawa mo rito?” mataray na tanong niya sa lalaki

“Bakit? Pag-aari mo ba itong simbahan?” sabi nitong walang kakurap-kurap sa kanya

Humanga na sana siya sa lalaking ito dahil pinaraya nito si Jenine pero dahil sopla na naman siya rito ay sumama na naman ang dating nito sa kanya.

“I hope we don’t see each other again.” Nakataas na kilay na sabi niya rito

“You’re wrong about that sweetheart. Actually, I have plans for this year and you are everywhere in my plan.” Nate said cooly. Ikinataka niya iyon. Pero bago pa niya matanong kung anong ibig sabihin nito ay nagmartsa na naman ito palayo sa kanya.

“Hmph. Akala mo naman kung sinong pogi. Kutusan kita ng five times diyan eh.” Inis na inis na sabi ni Aiko sa sarili dahil hindi na naman siya nakaganti. Pero kinakabahan talaga siya sa huling tinuran ng lalaki.

“May binabalak kaya ang isang iyon?” nalilitong tanong ni Aiko. But in the end, sinet aside na naman niya iyon dahil isa siya sa pinakamasaya dahil natuloy ang wedding na iyon. She doesn’t want to entertain negativities. Nakangiti siyang lumakad papunta sa sasakyan niya habang tinitingnan pang muli ang simabahang nakasaksi sa pagmamahalan ni Terence at Jenine.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Born For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon