Chapter 9
Jenine's POV
Sumasakit na ang ulo ni Jenine sa kakaiisip kung anong tamang gawin sa sitwasyon niya. Iniisip niya si Nate. Ito na ang pinakahuling taong gugustuhin niyang saktan, pero sa kasamaang palad, nasasaktan niya ito. Naputol lamang ang pag-iisip niya ng marinig ang tinig ng kanyang ina.
“Nate doesn’t deserve that. Actually, he doesn’t deserve you. He’s way better off without you pero ewan ko ba sa lalaking iyon kung bakit sa’yo pa rin nababaliw.” Galit ang tinig ng Mama Kleng. Hindi niya ito masisi. Napamahal na si Nate dito at parang anak na ang turing niya sa lalaki.
“Ayokong pangunahan ka sa desisyon mo pero si Nate ang pinakamagpapahalaga sa’yo kasunod namin ng ama mo. Nakikita namin kung gaano ka niya kamahal. Wag kang bulag, anak. At higit sa lahat, wag kang manhid.” Tumalikod na ang kanyang ina. Halatang pati ito ay nasaktan sa nangyari kay Nate. Kung alam lang nila, hindi naman niya sinasadya yun. Hindi naman niya gusto yun. Hindi naman niya kailangang pumili sa pagitan ng dalawa. Kahit mahal niya si Terence, si Nate ang pipiliin niya dahil alam niya sa sarili niya, na hindi man siya lubusang liligaya kay Nate, hinding-hindi nito ipaparanas ang sakit ng pag-iwan ni Terence noon.
Gabi ng get together nilang magkaklase.
She’s wearing a black fitted yet conservative dress. Hindi nga dapat siya aattend. Nahihiya siya kay Nate. Hindi man ito tahasang tumatanggi, alam niya na may pagdududa ito sa kanya. Nalulungkot siya na tila ba hindi na maaring ibalik ang lahat sa kanila dati. Halos isang oras na silang nasa party. Nakainom na rin ang iba niyang kaklase. Napailing na lamang siya. Nagpasya siyang lumabas at magpahangin. Pumunta siya sa may balkonahe. Ilang minuto na rin siyang nakatulala sa kawalan ng magising ang diwa niya sa tinig na iyon. Biglang kumabog ang dibdib niya. Hindi na niya kailangang tingnan kung sino yun. Iisang tao lang naman ang nagpaparamdam sa kanya ng ganoon.
“Everything’s set but it doesn’t feel right.” Napatingin lang siya kay Terence. Ayaw niyang magsalita. Baka maiyak pa siya rito. Ang oa naman niya. Kinausap lang siya ng tao. Pinili na lamang niya wag kumibo.
“Sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin sa akin. Let’s have closure. Parehas na tayong nahihirapan, Jenine. Ayokong makita kang ganyan. Kaya, speak now. Please tell everything, lahat ng hinanakit mo sa akin.” Maang siyang napatingin kay Terence. Pero parang may sariling isip ang bibig niya.
“I hate you. I hate you for leaving me. I hate you for making me believe in happy endings. I hate you because I’ve almost killed myself because of you. I hate you because I really don’t know who I am because of you. And most of all, I hate you because I don’t believe in love anymore.”
“Iniwanan mo ako kung saan sobrang masaya na ako. Hindi man lang ako handa. I didn’t see the signs. Sinubukan kong baguhin ang sarili ko para pagdating ng araw manghihinayang ka dahil pinakawalan mo ako. I hate you for making me feel that way.” Humahagulgol na si Jenine at pinagsusuntok si Terence sa dibdib.
“Hindi ko gustong iwanan ka noon.” Garalgal na ang boses ni Terence
“Pero ginawa mo.” umiiyak na tugon ni Jenine
“Kailangan ko kasing gawin yun para sa kapakanan mo. Mahirap sa akin ang iwan ka kasi alam ng Panginoon, kung gaano kita kamahal. But you have to grow as a person. Hindi mo magagawa yan ng nasa tabi mo ako. Wala kang ibang iisipin kundi kung paano mapabuti ang relasyon natin. Kilala kita. Uunahin mo ako higit sa iyo. Baka nakagawa rin tayo noon ng hindi nararapat. Ayokong agawin ang kinabukasan mo. Kaya kahit masakit, iniwanan kita. Ikaw kasi yung kinabukasan ko. I want you to grow as a person and have the best future, even if that means I’m not part of it.” Umiiyak na rin si Terence