Chapter 6
Jenine's POV
“Did you cry?” tanong ni Nate. Nasa kuwarto niya na siya. Sa kabilang kuwarto matutulog si Nate. Humupa na rin ang nararamdaman niya. Yun nga lang, halata pa rin sa mata niya
“No.” iling ni Jenine
“Jenine, would you like to explain about what happened earlier? Bakit pinaniwala mo si Aiko na anak natin si Lucy.”
Nagdadalawang-isip siya kung sasabihin ba sa lalaki ang lahat. Sa huli, naduwag siya.
“It’s just a prank. Lagi naman kaming ganun ni Aiko.”
“Okay. Magpahinga ka na.” hinalikan na siya ni Nate sa labi. Pagkalabas ng lalaki ay napag-iisip niya na mas gusto niya ang halik na iginagawad sa noo niya pag natutulog siya. Halik na ang gumagawa lamang ay ang lalaking una niyang minahal. Terence.
Aiko's POV
Hindi maampat ang luha ni Aiko habang kaharap si Terence. Kagagaling lang niya sa bahay nila Jenine. Napag-alaman niyang ikakasal na ito at nakita na rin niya ang pakakasalan ni Jenine. Wala siyang maipintas sa lalaki. He’s too way perfect.
“I’m sorry, Terence. I’ve miscalculate everything. She’s getting married.” Umiiyak na sabi ni Aiko
Kasalanan niya ang lahat. Kung hindi sana niya hinadlangan ang binata noon, hindi sana masasaktan ang dalawa ngayon. Nakikita niya ang sakit sa mata ni Terence, though he’s trying his best to conceal it, for her sake. For her sake, napakaself less pa rin ng lalaking ito. Napakasarap batukan. Naguguilty siya. Naalala niya ang nangyari 7 years ago.
Flashback
Umiiyak na tinawagan siya ni Tita Kleng. Nag-aalala na raw ang huli kay Jenine. Hindi na raw ito naglalalabas sa kuwarto, laging nakakulong at hindi kumakain. Nabroken hearted kasi ito kamakailan lang. di niya maiwasang maguilty dahil siya ang nagpalapit sa dalawa. Pero kapwa nila desisiyon ang nangyari, wala na siyang saklaw dito. Nanghinayang siya. Theirs was almost a fairy tale.
Pagkadating sa bahay nila Jenine, sinalubong sya ni Tita Kleng.
“Aiko, nag-aalala na talaga ako sa kaibigan mo. ayokong nakikita siyang ganun. Kung pwede lang sana akuin ko na lang ang nararamdaman niya.” umiiyak na bungad ni Tita Kleng sa kanya
“Shhh, Tita. Kelangan nating magpakatatag. Hindi niya tayo dapat makitang mahina, okay? Kakausapin ko lang siya.”
Pinababa ni Tita Kleng sa sala si JEnine. Halatang bagot na bagot ito at napipilitan lang. pinagsawalang-bahala niya yun.
“Hoy babae ka. Ano ng balak mo? San ka mag-aaral? Nag-apply ka na ba? Itutuloy mo ba yung UPLB mo? Kilos kilos na girl.” Concerned na tanong niya sa kaibigan.
“Hindi pa ako nakakaisip. Tinatamad ako.” Sagot nito sa kanya. Napakasarap talagang iuntog ng babaeng ito sa pader ng matauhan. Sinagot niya ito na gigil na gigil.
“Eh pano ka naman makakapag-isip eh wala kang inatupag kundi magmukmok.”
“Wala kang pakialam. Hindi ka naman nasaktan. Ako. Wala kang alam sa nararamdaman ko ngayon.” Ani nitong puno ng sakit. At sumbat. Hindi nito sinadya na haluan ng sumbat ang huling sinabi nito. Pero natatamaan siya. Nasasaktan siya para sa kaibigan. Isa siya sa dapat sisihin sa nangyayari dito ngayon.