Update IV

21 0 0
                                    

Chapter 4

Hanggang ngayon ay di pa rin niya lubos na maisip na ang ama niya ay walang iba kundi si Jeremy Apostol. Isa sa pinakasikat na painter sa Pilipinas. Masyado daw itong eccentric, ika nga ng nanay niya. Parang may sariling mundo. Pero hindi pa rin iyon naging hadlang upang mahalin nito ang tatay niya. Nagpasya lang na umalis ang nanay niya dahil sa huling usapan nila ng tatay niya.

Flashback

Mama Kleng's POV

“What if I ask a commitment? Yung tipong alam ko kung sino ba ako sa buhay mo. Kung girlfriend mo ba ako o playmate lang. Maibibigay mo ba yun?” Ani ni Celestine o para sa mga kaibigan niya, Kleng

“Celestine, napag-usapan na natin to dati diba? Everything’s perfect. Let’s not ruin it. We should let it stay as it is.” Matigas na anyong sabi ni Jeremy

“Ganoon ba? So hindi ko na pala kelangang makipag-break sa’yo? Hindi naman pala tayo. I guess we should stop here. I’m asking for more from what you can offer. Who knows, there would be some guy out there who will take me.”

“Wala tayong problema Celestine. Wag ka ng gumawa ng pagtatalunan natin. Nasa isip mo lang yan.”

“Hindi ako ang problema dito. Ikaw. Hindi mo na kasing magawang buksan ang puso mo dahil minsan ka ng iniwanan. Sapat na ba yung dahilan para di ka sumubok ulit? Ano pa bang kelangan kong patunayan? Nahihirapan na ako. I know I deserve so much better than this. Goodbye, Jeremy.” Galit na tumalikod si Kleng

Ang pinakamasakit pa sa lahat, hindi man lang siya hinabol o tinawag man lang. the moment she realized that he would never come to her, just like as she prayed, her heart broke.

Umalis na si Kleng sa  Makati at nagtungo sa Paranaque. Doon siya sinimulang palakihin ng nanay niya.

 End of Flashback

Jenine's POV

“Do you want to meet him?” ang boses ni Mama Kleng ang nagpukaw kay Jenine pabalik sa reyalidad

“Paano ka? Antagal mo akong tinago tapos papakita mo rin ako sa kanya. Paano kapag di niya ako tinanggap? Masasaktan na naman ako.”

“That’s the risk you ought to take. Kung saan mabubuo ang pagkatao mo, doon ako. Para tigilan mo na yang kabaliwang ginagawa mo sa braso mo. Anak, ikaw na lang ang meron ako. Please, wag mo namang iiwanan ang Mama.”

“Yes, Mang. I want to move on. Fully.” Naluluhang tugon niya. Sawa na siya sa pagiging rebelde. Hindi naman tala ito ang gusto niya. Ayaw na niyang salungatin ang lahat.

5 years later

Jenine's POV

“Mang, nandadaya na naman kayo ni Daddy.” Nakasimangot si Jenine habang tinitingnan ang magulang niya nakikipag-unahan sa kabilang side ng pool.

5 years ago ay nagkabalikan ang magulang niya. Nalaman nila na matagal na silang pinapahanap ni Jeremy Apostol. Kung sinu-sino na ang inupahan nitong detective para makita sila pero sadyang di naisip ng ama niya na nasa malapit lang sila. Noon niya lang nakitang sobrang masaya ang nanay niya. Ang tatay niya lang pala ang kulang. Masaya siya na kumpleto na ang pamilya niya at nadagdagan pa. Sa sobrang pagmamahalan ng mga magulang niya ay nakabuo pa ito ng bunso niyang kapatid, si Lucy. Maraming nagdududa at nag-iisip na sila ang mag-ina dahil mas hawig sila ng bata. Napaglihian lang talaga siya ng nanay niya at araw-araw ata na  ginawa ng Diyos ay may napupuna sa kanya.

Born For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon