Chapter 3
Jenine's POV
Magkikita sila ni Terence sa bahay nila Aiko. Excited na siya. Para siyang naliwanagan sa buhay dahil sa nangyari kagabi. “Oh, It’s good to be in love.”
“Antagal mo ah. Kelan ka kaya susunod sa takdang oras ng meeting time?” pagtataray ni Aiko sa kanya
“Eto naman, parang nag-ayos lang. Pagbigyan mo na ako.” Nakangiting sagot ni Jenine
“Whatever. Kanina pa naghihintay si Terence sa kubo. May pag-uusapan daw kayo. Pumunta ka na doon.” Naglakad na si Jenine at nagtungo sa kubo.
“Kanina ka pa?” nakangiting bungad ni Jenine kay Terence
“No. Kararating ko lang rin. May pag-uusapan pala tayo.”
“Ano yun?” kinakabahang tanong ni Jenine kay Terence. Seryosong-seryoso ang mukha ng lalaki. “Lord, wag naman sana. Wag po please” piping dasal niya
“I think… it’s better if we stay as friends. I realized na hindi pa pala ako handa sa isang relasyon. Di ko pa pala kayang magcommit. Lahat ng sinabi ko sa’yo totoo yun. Di ko lang kaya panindigan, sa ngayon. I am sorry. Hindi ko gustong saktan ka.”
“Umalis ka na.”
“Pero..”
“Umalis ka na sabi. Ayoko ng makita ang pagmumukha mo. Kung yan ang gusto mo. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa iyo. Umalis ka na.” Sigaw ni Jenine
“Jen-ine..”
“Out.” Blangkong sagot niya
Laglag ang balikat na lumabas si Terence. Pagkasara ng pinto, tuluyan ng bumagsak ang luhang pinipigil ni Jenine.
“Jenine, shhhh. Si Aiko to. Andito lang ako okay?”
“Aiko. Ansakit. Bakit kelangang ganon ang mangyari? Maayos naman kami kagabi. Hindi pa ako handa. Masayang-masaya pa kami tapos ganun na lang. Ayaw na daw niya. Hindi pa raw siya handa. Bakit kelangang paasahin niya ako. Ako pala yung tanga. Umasa ako ng sobra.” Humihikbing sabi niya. Nagtagal pa sila ni Aiko ng 4 na oras sa kubo dahil sa walang ampat niyang pag-iyak. Nang mahismasmasan si Jenine ay umuwi na siya sa bahay nila.
“Sure ka bang uuwi ka?” tanong ni Aiko
Tango lamang ang sagot ni Jenine
Nagsimula na siyang maglakad palayo. Ganito pala ang pakiramdam. Para siyang zombie. Naglalakad pero manhid. Hindi pala totoo na walang nararamdaman ang zombie. May nararamdaman siya. Masakit. Sobrang sakit.
Nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kita mo nga naman, pati langit nakikisimpatiya sakin. How ironic. Hindi niya alam kung gaano siya katagal naglakad. Namalayan na lang niya na nasa harap siya ng gate ng bahay nila. Nanghihinang umupo siya at di nagtangkang pumasok. Yumukyok lang siya at umiyak. Hindi naman halata kasi nga umuulan. Yun lang ang huli niyang natandaan dahil biglang nagdilim ang lahat sa kanya.
“Maayos na ba yung pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong ng Mama niya
“Asan ba ako?” nanghihinang tanong ni Jenine
“Hala Doc, may amnesia rin ata ang anak ko. Nabagok kasi ang ulo niya, baka napalakas. Anong gagawin ko Doc?” natatarantang tanong ng Mama niya