Chapter 2
Jenine's POV
Gabi ng graduation.
“Relax ka lang Jen. Wala namang mangyayari. Friends pa rin kayo kahit anong mangyari. Di ka naman umaasa sa kanya diba?! Osige na nga, umaasa ka kahit kaunti. Kaunti lang yun kaya kaunti lang din yung mararamdaman mo. At pag nabroken hearted ka, sisihin mo na lang si Aiko. Kasalanan nya yun.” Tila nababaliw na kausap ni Jenine ang sarili sa salamin.
“Oh, anak. Hindi ka pa nagsasawa sa mukha mo. Aba eh may crack na yang salamin natin ah. Awat na. Kumilos ka na dyan at baka malate ka pa sa graduation nyo.” Pang-aasar ng kanyang mama sa kanya.
“Mang, kung hindi na lang kaya ako umattend? Hindi naman gaanong importante siguro ito no. Palagay mo mang?” tanong ni Jenine sa kanyang mama
“Palagay ko, eh kailangan mo ng tumayo diyan. Wag ka ng maginarte anak. Di bagay. Kung di ka aattend eh ako na lang ang aakyat sa stage. Sige ka matipuhan pa ako ni Mayor bahala ka. Alam ko naming di pa rin nawawala ang aking alindog.” Confident na sabi ng kanyang nanay
“Nabawasan na ata yung alindog na sinasabi mo mang.” Natatawang ganti niya
“Dyaskeng bata to ah, imbes na kampihan ako eh nilalait pa ako ah. Halika na nga.”
Natatawang sumunod sya sa kanyang nanay at napansing gumaan ang kanyang pakiramdam sa simpleng pag-uusap nila ng kanyang nanay. The best talaga ang nanay nya.
“OA naman sa pagmamadali tong si Mama. Ang kaunti pa lang namin.” Nakabunsangot na bulong ni Jenine
“Hey.”anang isang boses na kilalang kilala ni Jenine
“Eto pala yung letter ko. Binago ko yan actually after kong mabasa yung letter na binigay mo kahapon.” Nakangiting tugon nito.
“Ngayon mo na basahin yan as in now na. Gusto ko makita kung anong magiging reaksyon mo.” Patuloy ni Terence
“Ha? Bakit ngayon na? Pwede namang mamaya ah. Bakit mo ba ako pinangungunahan? Hindi naman kita pinakailamanan nung binasa mo yung sulat. Wag mo na rin akong pakailamanan. Fair yun diba?” Kinakabahang sagot ni Jenine.
“Ano ba namang trip ng lalaking ito? Hindi ba niya naisip na maaaring ngumawa ako dito? Sayang ung make-up at 100% percent sure na may gift akong kurot sa nanay ko mamaya. Naku naman talaga.” Naiiyak na bulong ni Jenine sa sarili
Nagulat na lang sya ng bigla syang kinurot ni Terence sa pisngi. “Ang cute mo talaga, Jenine. Buksan mo na yan please. Promise matutuwa ka sa laman nyan.” Pagpapacute na sabi niya
Nag-aatubiling binuksan ni Jenine ang sulat at binasa ang sulat . Napansin na lang niyang lumuluha siya. Tumingin sya kay Terence. Kanina pa pala nakatingin sa kanya ang lalaki. Nakapagtatakang ang tingin ng lalaki sa kanya ay puno ng pagmamahal.
“Ano bang tinitingin-tingin mo diyan? “ sumisinghot na saad ni Jenine
“Hindi mo nabasa yung sulat?” kinakabahang tanong niTerence
“Nabasa. Nakalagay doon na mahal mo ako.” Napatigil si Jenine sabay tingin muli sa papel.
“Mahal mo ako? Di nga? Wala ng bawian ‘to.” Nalolokang tanong nya
“Hindi mo naman ata nabasa yung buong sulat.” Natatawang saad ni Terence
“Maraming nakalagay diyan pero ang suma total, eh mahal kita. Sorry ah. Nasasaktan kita. Medyo torpe kasi ako pagdating sa’yo. May mga bagay akong gustong gawin pero baka layuan mo ako. Nakontento na ako sa pagiging magkaibigan natin. Kung nagkaroon lang sana ako ng tapang noon, eh di matagal ko na sanang naramdaman tong kaligayahan na ito. Ikaw lang pala ang makakapagbigay nito. Halika nga. Payakap. Habang wala pang mga Mommy natin.” Madamdaming saad nito.