Adrianna's POV:
Hi readers! Nandito na ang dyosa! Kaya maghanda kayo dahil ikakalat ko ang kagandahan ko! Hahaha!Btw, nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagliligpit ng kalat.
Habang naglilinis ako, nakita ko yung necklace na binigay ni Jiro sakin. Yung ex ko na manloloko.
G*go yun eh! Etong ganda ko? May nagkamali pang manloko? Aba! Abuse yun eh! Abuse sa kagandahan ko! Hahaha!
So yun na nga, kinuha ko yun at nilagay muna sa study table ko.
Ipapatapon ko nalang yun Kay Manang tapos yung mga pictures naman namin, itatapon ko nalang dun sa may malapit sa park.
Nang matapos akong maglinis, kinuha ko na yung necklace at iba pang accessories na binigay nya sakin tulad ng bracelet at ring.
Kinuha ko yung isang medium size na box tapos nilagay ko lahat ng pictures namin dun.
Lumabas na ako ng kwarto ko at saktong pababa na si Manang Lery.
Tinawag ko sya at inabot sakanya yung mga accessories at sinabing itapon yun. Tumango naman sya at bumaba na.
Bababa na din sana ako ng maalala ko si Max.
Pinuntahan ko sya sa kwarto nya at nakita syang nakasandal sa headboard ng kama nya habang nagcecellphone.
Napansin nya atang nandito ako kaya tumingin siya sakin at tinaasan ako ng kilay.
"Ahm Max. Itatapon ko na kasi tong mga pictures namin ni Jiro, eh baka gusto mo nang isabay yung sayo" - sabi ko
Tumayo sya at kinuha ang isa ding medium size na box sa tabi ng study table nya.
"Sabay na nating itapon" - nakangiting sabi nya kaya ngumiti din ako
Bumaba na kami at nakita yung tatlo na nanonood ng TV.
"Tapon lang namin toh" - sabay na sabi namin ni Max bago lumabas
Naglakad nalang kami dahil malapit lang naman yung park sa bahay namin eh.
Nang makarating na kami sa tapunan ng basura, itinapon na namin dun yung box at napagdesisyunan na pumunta muna sa park para bumili ng ice cream.
Bumili ako ng strawberry ice cream at chocolate ice cream naman ang Kay Max.
Nang makabili na kami ay naglakad na ulit kami pauwi.
Habang naglalakad kami pauwi ay may bumusina samin kaya napatingin kami doon. Ibinaba nya ang bintana ng kotse nya kaya nakita namin kung sino sya.
"Oh! Bat naglalakad kayo? Naghihirap na ba kayo?" - tanong ni Ethan
Oo. Si Ethan. May nakita rin kaming apat na sasakyan sa likod nya. Sila Nathan, Louie, Prince at Ken siguro yun.
"Isang Mendez at Padilla, maghihirap? Imposibleng mangyari yang sinasabi mo. Baka nakakalimutan mo na Rank 1 sila Maxine at Rank 3 naman kami" - sabi ko
BINABASA MO ANG
THE FIVE BADGIRLS MEETS THE FIVE BADBOYS
Teen FictionWhat will happen if the five bad girls meets the five bad boys? What will happen if they cross each others path? Will they love each other or fight each other? Will they learn to love again or not? THE FIVE BADGIRLS MEETS THE FIVE BADBOYS