Abigail's POV:
Nandito ako ngayon sa sala at kasama ko tong si Louie."Maine!" - tawag nya sakin
Tinignan ko sya ng masama. Kanina pa kasi nya ako tinatawag sa pangalan na yun eh.
"Ano ba?! Bakit ba ang kulit kulit mo?! Atsaka wag mo nga akong matawag tawag na Maine, okay?!" - inis na sabi ko
"Eh bakit ba ayaw mong tawagin kitang Maine?" - tanong nya
"Wala!" - sigaw ko
Tahimik lang ako hanggang sa mag tanong sya.
"Bakit wala kang boyfriend?" - tanong nya
"Wala pa kasi akong nahahanap na lalaki na magmamahal sakin" - sagot ko
"Eh ikaw? Bakit wala kang girlfriend?" - tanong ko naman
"Katulad din ng dahilan mo" - sagot nya kaya napatango tango nalang ako
"Punta tayong park" - aya nya
"Hmm... Sige. Pero saglit lang ha. May pag uusapan pa tayo" - sabi ko kaya tumango sya at umalis na kami....
Nang makarating kami sa park, umupo kami sa isa sa mga bench dito.
"Abigail?" - tawag nya sakin kaya tumingin ako sakanya
"Bakit ang sungit mo?" - tanong nya
"Hmmm... Hindi ko alam. Siguro dahil, hobby ko ang magsungit" - sagot ko
"Eh ikaw? Bakit ang kulit mo?" - tanong ko naman sakanya
"Hobby din" - sabi nya kaya napatawa ako
"Alam mo, ang ganda mo kapag tumatawa ka. Lalo na kapag ngumingiti ka" - sabi nya
Naramdaman ko naman na namula ako.
"Wait. Are you blushing?" - natatawa ng sabi nya kaya umiwas ako ng tingin
"A-ano? A-ako? Nagblublush? H-hindi ah!" - pagtatanggi ko
"Ano kayang mangyayari kung maging magkakaibigan tayo?" - tanong nya na ikinagulat ko
Pero paano nga kung maging magkakaibigan kami?
Nakakasawa na kasing makipag away sa mga kumag na yun eh. Hahaha.
Ano kayang feeling kung maging kaibigan namin sila?
"Ano bang feeling kapag kaibigan nyo yung isang tao?" - tanong ko
"Parang prinsesa" - sagot nya
Kumunot ang noo ko dahil Hindi ko maintindihan ang sinabi nya.
Parang prinsesa?
"Parang prinsesa?" - takang sabi ko
"Oo. Parang prinsesa. Lagi kang proprotektahan at lagi kang babantayan" - sabi nya
"Ahhh okay" - sabi ko nalang
Tahimik lang kami hanggang sa may batang lumapit samin.
0--------------0
OMG!!!!!
Ang cute nung bata!
"Kuya Louie" - sabi nung bata at niyakap si Louie
Niyakap nya din naman ito.
"Sinong kasama mo dito, Dein" - tanong ni Louie Kay Dein daw
"Si yaya. Kuya, punta ka naman sa bahay" - sabi nya
"Sige sige. Pupunta ako. Oh! Hinahanap ka na nang yaya mo. Punta ka na don" - sabi ni Louie kaya tumakbo na paalis si Dein
"Mabait ka naman pala eh. Sa bata nga lang" - natatawa ng sabi ko kaya napatawa din sya
"Mabait naman talaga ako eh. Trip ko lang mang inis ng tao" - sabi nya
"Tsk! Tara na nga! Baka hinahanap na tayo ng mga yun" - sabi ko at nauna ng maglakad
Habang naglalakad kami, nay nakita akong babae at lalaki na magka holding hands.
Tumigil ako sa paglalakad at pinanuod sila. Nakita ko naman na tumigil din sa paglalakad si Louie at tumingin sa akin bago tumingin din sa tinitingnan ko.
"Inggit ka?" - Louie
"Oo eh. Kailan ko kaya mamahanap yung taong magmamahal sakin? Sana dumating na sya" - sabi ko at naglakad na ulit
Kailan kaya?
BINABASA MO ANG
THE FIVE BADGIRLS MEETS THE FIVE BADBOYS
Teen FictionWhat will happen if the five bad girls meets the five bad boys? What will happen if they cross each others path? Will they love each other or fight each other? Will they learn to love again or not? THE FIVE BADGIRLS MEETS THE FIVE BADBOYS