Nathan's POV:
Nung sinagot nya ako ng Hindi nya alam ay umupo nalang ako sa tabi nya at ipinikit ang mga mata ko. Ewan ko pero Hindi ko nalang pinansin yung sinabi nya. Alam ko kasing nahihiya sya sa mga sinabi nya nung isang araw kaya Hindi ko na sya kukulitin pa.Btw, nandito kami ngayon sa sala at mga nakaupo lang habang nanunuod ng TV. Hindi kami papasok ngayon kasi puro board games lang ang lalaruin ngayon dun sa school.
"Pumasok kaya yung mga yun?" - biglang sabi ni Louie
"Tawagan mo kaya" - sabi ni Prince
"Bakit ako? Eh di nasungitan pa ako ni Abi. Alam mo naman yung babaeng yun, masyadong masungit at sadista! Ikaw nalang kaya! " - sabi ni Louie Kay Prince
"Ako? Eh pipilosopohin lang ako ni Princess eh!" - sabi naman ni Prince
"Ingay nyo. Ako na tatawag" - sabi ni Ken at tinawagan na nga nya si Lexie.....
Matapos ng ilang minuto ay ibinaba na nya ang cellphone at tumingin samin.
"Hindi daw sila pumasok" - sabi ni Ken
"Bakit daw?" - tanong ni Ethan
"Tinatamad sila atsaka wala naman daw gagawin sa school eh" - sagot ni Ken at napatango naman kami
"Puntahan kaya natin" - aya ni Louie
"Oo nga. Tara" - pag sang ayon ni Ethan at Prince
"Ikaw Ken? Sama ka?" - tanong ni Ethan Kay Ken
"Geh lang" - tipid na sabi ni Ken
"Ikaw Nathan?" - tanong naman sakin ni Ethan
Tumango lang ako sakanya kaya umalis na kami at pumunta sa bahay nila Max. Nang makarating kami dun ay pumasok na kami sa loob at nagulat nalang kami ng biglang may lumipad na daggers papunta samin. Agad namin iyong inilagan kaya sa pinto iyon tumama. Tumingin kami kila Max at nakita namin silang nakatingin samin ng masama.
"Yaah! Anong ginagawa nyo dito?" - tanong ni Lexie
"Pinuntahan kayo. Hindi naman kayo pumasok kagaya namin eh" - sagot ni Ken
Bigla namang tumayo si Max at umakyat sa kwarto nya. Lumapit kami dun sa apat at umupo sa may sofa.
"Bakit umakyat si Max sa kwarto nya?" - tanong ni Prince ngunit umiling lang sila Adrianna sakanya
Maya maya pa ay bumaba na ulit si Max at nakabusangot ang mukha nitong tumabi ito sakin.
"Anong nangyari sayo? Bakit nakabusangot yang mukha mo?" - tanong ni Abi
BINABASA MO ANG
THE FIVE BADGIRLS MEETS THE FIVE BADBOYS
Teen FictionWhat will happen if the five bad girls meets the five bad boys? What will happen if they cross each others path? Will they love each other or fight each other? Will they learn to love again or not? THE FIVE BADGIRLS MEETS THE FIVE BADBOYS