Princess's POV:
"Girls, bili tayong street foods dun sa park" - sabi ni Lexie
"Wala na sila dun. Pinaalis na" - sabi ko
"Talaga? Eh bakit nakita ko sila kahapon?" - sabi ni Max
Nagningning ang mga mata ko at dali daling tumayo.
"Waaaah!!! Tara! Punta na tayo!" - excited na sabi ko kaya napailing nalang sila
Tumayo na sila kaya lumabas na kami ng bahay.
Kaming lima lang ang magkakasama ngayon dahil sila Prince ay may pinuntahan. Hindi ko alam kung saan.
Napatigil kami sa paglalakad ng may humarang samin na mga lalaki. Sa pagkakabilang ko ay 20 silang lahat.
"Buti naman at nahanap agad namin kayo" - sabi nung isang lalaki
Teka. Kasama sila sa mga tauhan ni Cassandra, diba?
"Anong kailangan nyo?" - tanong ni Abi
"Pinapasama kayo samin ni Boss" - sagot nung isa
"Bakit?" - tanong ni Adrianna
"Wag na kayong magtanong. Mamaya nalang kapag mamamatay na kayo" - sabi pa ng isa bago nila kami hinawakan sa braso ng napakahigpit
Sinuntok ko sa sikmura ang lalaking humawak sakin. Nagalit ata sya kaya sinampal nya ako ng pagkalakas lakas.
Biglang nagdilim ang paningin ko dahil sa ginawa nya. Hinawi ko ang kamay nya sa braso ko at sinuntok ulit sya sa sikmura. This time, mas malakas na kaya umubo sya ng dugo.
Kinuha ko ang dagger ko at ibinato ko iyon sa lalaking sumampal sakin. Tumama iyon sa noo nya kaya napangisi ako.
Kinuha ko din ang baril ko at pinaglaruan iyon. Humakbang ako papalapit sa mga kalaban.
"Alam nyo, nag eenjoy akong makipaglaban sa mga taong walang kwenta at sa mga taong mahihina. Katulad nyo lang" - sabi ko habang umiikot sa likod nila
"Nag eenjoy din akong makipaglaban sa mga taong walang isip. Sa mga taong walang alam na nasa binggit na pala sila ng kamatayan. Katulad nito" - sabi ko at pinutok ang baril ko sa kaharap kong lalaki
"Mabait naman ako eh. Kaya lang, hindi palagi. Lalo na kung ang mga kalaban ko mismo ang nagpapalabas sa tunay na halimaw na nasa loob ko" - sabi ko at ipinutok muli ang aking baril sa dalawang lalaki
BINABASA MO ANG
THE FIVE BADGIRLS MEETS THE FIVE BADBOYS
Teen FictionWhat will happen if the five bad girls meets the five bad boys? What will happen if they cross each others path? Will they love each other or fight each other? Will they learn to love again or not? THE FIVE BADGIRLS MEETS THE FIVE BADBOYS