Maxine's POV
"Goodmorning Pilipinas! Rise and shine, mga sleeping beauties!" - sigaw na bati samin ni Princess kaya bumangon kami at ngumiti sakanya
"Goodmorning Pilipinas, Beast!" - sabay sabay na bati din namin Kay Princess
"Tumayo na kayo dyan! Magbrebreakfast pa tayo sa baba" - sabi nya kaya tumayo na kaming lahat at naligo.
Nagbihis ako ng shorts at t shirt na kulay white. Itinali ko ang buhok ko atsaka naglagay ng powder sa mukha. Isinuot ko ang tsinelas ko at lumabas na kami. Kasabay ng paglabas namin ang paglabas din nila Nathan. Binati namin ang isa't isa at bumaba na. Pumunta kami sa isang kainan dito sa resort at umorder.
Nung dumating na ang order namin ay agad naming kinain iyon. Naglakad lakad lang kami sa beach ng matapos kaming kumain.
"Princess, napatawad mo na ba si Prince?" - biglang tanong ni Ethan Kay Princess kaya napatingin sya sakanya
Saglit syang natigilan at maya maya pa ay isang matamis na ngiti ang lumabas sa labi nya at unti unti syang tumango.
"Talaga?!" - gulat na tanong ni Prince kaya tumango lang ulit si Princess
Nagulat sya ng bigla syang yakapin ng mahigpit ni Prince. Hindi fin naman nagtagal ay napangiti ulit sya at niyakap pabalik si Prince.
"Sweet naman. Bati na sila" - sabi ko
"Naiinggit ka?" - tanong ni Nathan kaya hinampas ko sya at sinamaan sya ng tingin ng tumawa lang sya
"I'm not, you jerk!" - singhal ko sakanya
"Hoy! Tigil nyo na yan! Nilalanggam na kami dito!" - sabi ni Louie kaya natatawang bumitaw sila sa isa't isa
"So, saan na tayo ngayon? Iniwan tayo nila Ate at Kuya eh" - sabi ni Abi
"Swimming na tayo!" - suggest ni Adrianna na sinang ayunan naming lahat.
Tinanggal ko ang t shirt at short ko only to display my black two piece bikini. Ganun din naman ang ginawa nila Adrianna kaya sabay sabay kaming lima na tumakbo papunta sa dagat. Tumigil kami sa paglangoy ng mapansing Hindi nakasunod sila Nathan. Tumingin kami sa pwesto nila at nakita silang nakatayo dun at parang mga tanga na nakanganga.
"Anong tinatayo tayo nyo dyan?!" - sigaw ni Princess dahil medyo malayo ang pagitan namin sakanila
Nabalik silang lima sa ulirat at tinanggal ang t shirt nila atsaka pumunta na din dito. Nagswimming lang kami ng nagswimming hanggang sa mapagdesisyunan naming umahon.
May biglang lumapit na mga babae kila Nathan kaya napatingin kami nila Adrianna sakanila.
"Hi sweetie! My name is Amanda. Mind if I get your number?" - malanding tanong ng babae Kay Nathan
BINABASA MO ANG
THE FIVE BADGIRLS MEETS THE FIVE BADBOYS
Roman pour AdolescentsWhat will happen if the five bad girls meets the five bad boys? What will happen if they cross each others path? Will they love each other or fight each other? Will they learn to love again or not? THE FIVE BADGIRLS MEETS THE FIVE BADBOYS