C52 - Favor

6.2K 259 5
                                    

Maxine's POV

Nandito ako ngayon sa may faculty room dahil may kukunin akong mga papers ng estudyante dito. Nang makuha ko na ang kailangan ko ay lumabas na ako at pumunta sa SC office.

Habang naglalakad ako sa hallway ay nakita ko sa malayo si Nathan na nakasandal lang sa pader. Lumapit ako sakanya kaya napatingin sya sakin.

"Bakit ka nandito? Diba kasama mo kanina sila Adrianna?" - tanong ko

"Eh... Kasi sabi nila, maiwan daw ako dito para samahan ka" - sagot nya

"Ahh... Pwede ka naman ng umuwi. Kaya ko na toh. Kita kita nalang tayo sa gangster palace" - sabi ko

"Sige na. Mauuna na ako. Madami pa akong aayusin eh. Ingat ka sa pag uwi. Bye" - dagdag kong sabi at nagsimula na ulit akong maglakad

Pero Hindi pa ako nakakatatlong habang ng hilahin nya ang braso ko at hinarap ako sakanya

"Sasamahan na kita. Sayang naman yung pagpapaiwan ko dito kung Hindi din naman pala kita sasamahan" - sabi nya at nagsimula ng maglakad at iwan ako ditong nakatayo

Tignan mo toh! Sasamahan daw ako pero iniwan ako dito! Tsk! Ang gulo talaga nung lalaking yun.

Tumakbo ako papalapit sakanya dahil medyo malayo na sya sakin. Ang bilis nyang maglakad. Nakalayo agad.

"Sasamahan daw ako pero iniwan akong nakatayo dun. Iba ba ang meaning sayo ng salitang "sasamahan?" - sabi ko

I heard him chuckle kaya napairap nalang ako. Ewan ko ba dito. Wala namang nakakatawa pero tumatawa sya. Sabihin nyo nga sakin. Nababaliw na ba tong kasama ko? Kasi kung oo, edi iiwan ko na toh dahil baka mamaya, mahawaan pa ako nito.

"Hindi ako baliw. Sadyang nakakatawa ka lang" - sabi nya na para bang nabasa nya ang nasa isip ko

Hala! Mind reader ba sya?

"Hindi ako mind reader. Sadyang madali ka lang basahin" - sabi nya

"Hindi ako libro para basahin mo!" - sabi ko

He chuckled again. I look at him and give him a deadly glare.

"Kung nakakamatay lang ang tingin, malamang kanina pa ako nakahandusay dito" - sabi nya

THE FIVE BADGIRLS MEETS THE FIVE BADBOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon