Adrianna's POV:
Totoo ba ang sinabi ni Ethan? Na gusto nya daw ako?
Pero bakit? Paano? Kelan?
Napabuntong hininga nalang ako bago ako tumayo at nagpunta sa banyo.
Dahil nagulat ako sa sinabi nya sakin kagabi, Hindi ako naka sagot. Wala akong naisagot sa tanong nya.
Pagkatapos Kong maligo ay nagbihis na ako atsaka bumaba na.
Ngayon na ang flight namin papuntang states. May time pa naman kaming magkasama sama dahil mamayang 6:30 pa ang alis namin.
Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam sila Max, Nathan, Abi at Louie na aalis daw muna sila.
Kaya ngayon, kaming anim nalang ang nandito.
Nagpaalam si Princess at Prince na pupunta daw muna sila dun sa may pool area.
Nagdadasal ako na sana wag umalis sila Lexie at Ken dahil ayokong maiwan dito kasama si Ethan dahil wala pa akong sagot sa tanong nya.
"Punta lang kami sa rooftop ah" - paalam ni Lexie atsaka sila umalis
Ano ba yan! Kakasabi ko lang na sana wag silang umalis eh! Hay nako! Ano ng gagawin ko?! Lord, help me please!
"Adrianna, Hindi mo ako sinagot kagabi. Kaya ngayon, tatanungin ulit kita" - sabi ni Ethan
Waaaaaah!!!
"Can I court you, Adrianna?" - tanong nya
Readers!!!! Tulungan nyo ako!! Anong isasagot ko? Oo o Hindi?!
"Ahm.... Ano... Kasi... Ano" - paputol putol na sabi ko
"Kasi ano?" - tanong nya
"Ah eh....... Sige na nga. Pwede ka ng manligaw" - sabi ko
"Talaga?!" - hindi makapaniwalang sabi nya
Tumango naman ako kaya niyakap nya ako bigla.
"Thank you dahil pinayagan mo ako" - masayang sabi nya kaya niyakap ko nalang din sya pabalik
Lexie's POV:
"Lexie Ann Mercado" - bigkas ni Ken sa buong pangalan ko
"Bakit mo naman binanggit ang buong pangalan ko? Napapangitan ka ba?" - tanong ko
"Hindi naman. May naisip lang ako" - sabi nya
"Ano naman yun?" - tanong ko
"Iniisip ko lang kung bagay sa pangalan mo ang apelyido ko" - sabi nya
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya. Bakit naman nya naisip yun?
"Bakit mo naman naisip yun?" - gulat na tanong ko
BINABASA MO ANG
THE FIVE BADGIRLS MEETS THE FIVE BADBOYS
Novela JuvenilWhat will happen if the five bad girls meets the five bad boys? What will happen if they cross each others path? Will they love each other or fight each other? Will they learn to love again or not? THE FIVE BADGIRLS MEETS THE FIVE BADBOYS