Maxine's POV:
"Hoy! Magsigising na nga kayo! Mga tulog mantika kayo ah!" - sigaw ni Princess habang nakapameywang sa harap namin
Bumangon na yung tatlo pero ako ay nanatiling nakahiga. Tinakluban ko ng unan ang mukha ko at natulog ulit. Naramdaman ko naman na dinaganan nila ako kaya napaupo ako.
"Ugh! Get the fvck out of my bed!" - inis na sabi ko
Argh! Ayaw na ayaw ko pa naman na may ibang humihiga sa kama ko. Kahit sila Adrianna, Hindi ko pinapayagan humiga.
"Hindi kami aalis sa kamang toh hangga't Hindi ka bumabangon!" - sabi ni Princess
"Get out or be killed?" - seryosong pagbabanta ko sakanila
Tumayo naman sila agad kaya tumayo na din ako at pumunta sa banyo.....
Nang matapos na akong maligo ay nagbihis na ako. Nagsuot lang ako ng fitted ripped jeans, crop top na kulay blue at rubber shoes na kulay white. Sinuklay ko ang buhok ko at naglagay ng powder at lip gloss sa mukha. Kinuha ko yung camera ko at isinabit iyon sa leeg ko.
Lumabas na kami ng kwarto at bumaba. Nakita namin sa loob ng van sila Nathan. Sumakay na din kami at nagsimula ng mag gala. Maglilibot nalang kami ngayon dahil kahapon lang naman yung community service namin.
Nakasimangot lang ako buong byahe. Nakakabadtrip sila Adrianna eh! Ang aga aga mambulabog! Sabi nga nila, maglako ka na sa lasing wag lang sa bagong gising! Argh!
"Bakit nakasimangot tong si Max?" - tanong ni Ken ng makita nya ang mukha ko
"Binulabog kasi namin sya kanina. Sinira namin yung beauty rest nya kaya nagkaganyan. Alam nyo naman yan, ayaw magpagising ng maaga kung wala namang gagawin sa buong araw" - sabi ni Abi
"Tsk! Manong. Pwede bang ako nalang yung magdrive?" - tanong ko Kay Manong
May driver kami ngayon kaya lahat kami ay nakaupo lang sa likod.
"Teka Max. Papatakbuhin mo yan ng mabilis diba? Kung oo, ipapaalala ko lang sayo na Hindi ito sports car" - sabi ni Adrianna
"Whatever" - sabi ko nalang at inis na sumandal at tumingin sa bintana
Ilang sandali lang ay nakarating na agad kami sa aming destinasyon. Bumaba na kami at halos mapa awang nalang ang bibig ko dahil sa nakita ko.
Ang ganda. Sobra.
Alam nyo ba kung ano ang nasa harap namin ngayon?
Walang iba kundi ang Taal Volcano na napapalibutan pa ng mga fogs. Kinunan ko iyon ng litrato at nauna ng maglakad para picturan ang magandang tanawin na ito.
BINABASA MO ANG
THE FIVE BADGIRLS MEETS THE FIVE BADBOYS
Teen FictionWhat will happen if the five bad girls meets the five bad boys? What will happen if they cross each others path? Will they love each other or fight each other? Will they learn to love again or not? THE FIVE BADGIRLS MEETS THE FIVE BADBOYS