Adrianna's POV:
Ano ba dapat ang maramdaman ko? Dapat ba akong kiligin dahil habang kumakanta si Ethan kanina ay nakatingin sya sakin? Dapat ba akong malungkot kasi alam Kong nasasaktan si Princess dahil kila Prince at Julia? O dapat ba akong mainis dahil kanina pa ako kinakantyawan nitong mga kaibigan ko na kesyo daw kinikilig daw ako kanina nung kumakanta si Ethan. Well, sila Abi, Louie, Lexie at Ken lang naman ang nang aasar sakin dahil si Maxine at Nathan, ayun! Sumasayaw na. Iwan daw ba kami dito. Si Princess naman, wala. Nakatulala lang. Minsan kapag nahihimasmasan sya, tumitingin sya kila Prince at Julia tapos pagkatapos nun, iiwas sya ng tingin at matutulala na ulit. Hindi ko naman pwedeng sabihin na "Huy Princess! Mukha kang tanga dyan! Umayos ka nga!" Hindi ko naman pwedeng sabihin yun. Naiintindihan ko naman sya eh. Alam kong nasasaktan sya dahil dun sa dalawa pero ang pinagtataka ko, ilang araw palang simula ng maging sila pero bakit ganyan na kung masaktan sya. Alam kong yan din ang naiisip ng mga kaibigan ko sa tuwing nakikita nila si Princess. Alam ko din naman na gusto ni Princess si Prince eh. Wala naman akong pwedeng magawa dun.
Monologue pa more!" - biglang sabi ni Ethan kaya tiningnan ko sya ng masama
Tinaas nya ang dalawa na para bang sumusuko.
"Shut up before I kill you" - banta ko sakanya kaya tumahimik na sya
Princess's POV:
Hays..... Paano ba maaalis tong sakit na toh? Paano? Sabihin nyo nga sakin! Para Hindi na ako nahihirapan ngayon.
"Princess. Let's dance?" - alok ni Carl sakin
"I'm sorry Carl pero wala ako sa mood eh" - sabi ko
"Ganun ba? Oh sige. Alis muna ako saglit ah" - sabi nya
"Saan ka pupunta?" - tanong ko
"Sa mga pagkain. Gutom pa ako eh" - sabi nya kaya natawa ako
"Hindi ka talaga nagbago eh noh? Matakaw ka pa din. Hahaha" - natatawang sabi ko
"Hahaha. Osige na. Punta muna ako dun" - sabi nya at umalis na
Sana Hindi muna umalis sila Ethan at Adrianna para Hindi ako maiwan dito kasama sila Prince at Julia.
"Sayaw lang kami ha" - paalam ni Adrianna at umalis na din
Ano ba yan! Kakasabi ko lang eh! Hmp! Para tuloy akong panira ng moment nitong dalawang toh. Nagulat nalang ako ng bigla akong kausapin ni Julia.
"Princess. Alam mo ba? Sobrang fan na fan mo ko. Ang ganda ganda mo kasi eh" - masayang sabi nya
BINABASA MO ANG
THE FIVE BADGIRLS MEETS THE FIVE BADBOYS
Teen FictionWhat will happen if the five bad girls meets the five bad boys? What will happen if they cross each others path? Will they love each other or fight each other? Will they learn to love again or not? THE FIVE BADGIRLS MEETS THE FIVE BADBOYS