C42 - Sakit at Pagod

6.6K 289 5
                                    

Princess's POV:

Naglalakad ako ngayon sa hallway papuntang classroom. Nang makarating na ako ay agad akong umupo sa upuan ko pero nung uupo na sana ako kaya lang may nakita akong box. Binuksan ko iyon at puno ng candy ang loob. Binasa ko ang letter at ang nakalagay dun ay

Dear Princess,

Favorite mo daw yang mga candies na nakalagay sa box. Kaya binilhan kita. Sana magustuhan mo.

- Prince

Nilukot ko ang papel at itinapon iyon. Lumapit ako kila Max at binigay sakanila yung box

"Sainyo na yan" - sabi ko

Tinignan nila ang loob at tumingin sakin pagkatapos

"Favorite candies mo toh diba?" - sabi ni Adrianna

"Ayoko na nyan" - sabi ko at tumingin sandali Kay Prince bago bumalik sa upuan ko

Pero ng makadaan ako sa pwesto ni Prince ay tumigil ako at nagsalita

"Stop giving some shits" - sabi ko at bumalik na sa upuan ko

Nagsimula ng maglesson ang teacher namin at nakikinig lang ako. Biglang may nambato sakin ng papel kaya pinulot ko iyon at binasa

Hoy Princess! Wag mo ngang ibigay samin ang dapat sayo! Ibabalik ko tong box na toh sayo mamaya! Pag Hindi mo toh tinanggap, patay ka sakin!

- Adrianna

Pagkatapos Kong basahin ang nakasulat sa papel ay lumingon ako Kay Adrianna at sinamaan sya ng tingin.

Nagsulat ako sa papel ng "I don't care" tapos binato ko yun sakanya. Bullseye! Sapol sa ulo! Buti nga sakanya!

Nung magbreak time na ay binigay nga ulit sakin ni Adrianna yung box. Pumunta na kami sa canteen at humanap ng upuan. Umalis sandali si Prince para umorder.....

Hindi nagtagal ay dumating na din sya kaya kumain na kami. Bumalik na kami sa classroom ng matapos na kaming kumain. Walang nangyari sa buong maghapon namin sa school. Discuss, break, discuss hanggang sa mag uwian na.

"Punta tayo sa singing music" - aya ni Ethan kaya tumango kami at pumunta na sa bar

Pinark namin ang mga sasakyan namin at pumasok na sa loob. Humanap kami ng pwesto at ng makahanap na kami ay umupo na kami dun.

"Nandito pala kayo!" - sabi ni Manager Luke ng makita nya kami

"Wala kaya kami dito! Picture lang namin toh!" - sabi ni Lexie

"Ewan ko sayo Lexie. By the way, kakanta ba kayo?" - tanong ni Manager

THE FIVE BADGIRLS MEETS THE FIVE BADBOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon