Chapter 13

748 27 1
                                    

Chapter 13: A demon?!

Aine's POV

"NO WAY!" Sigaw nilang lahat. Psh. Nakakabanas naman tong mga to. Lumabas si Jade at sumunod naman si Luke. Ano na bang status nila? Psh.

"Ang aarte niyo naman." Sabi ko. Sinamaan nila ako ng tingin.

"Bakit? Totoo naman ah." Sabi ko.

"Di kami maarte. Ayaw lang talaga naming makipagkaibigan sa kanila noh!" Sabi ni Ken.

"Aba! Sa tingin mo kami gusto?!" Sabi ni Ayah.

"Walang kwenta." Bulong ni Justin.

"Anong sabi mo?" May diin kong tanong.

Lumingon naman siya at nag smile pa. Tss.

-_-

"Sabi ko ang ganda mo." Sabi niya at kumindat. Aish!

"Uy! Bakit ka namumula dyan? Kinikilig ka ba? Effective na ba ang kagwapuhan ko sayo?" Pang aasar ni Justin.

Binato ko siya ng unan at tinarayan.

"ASA!" Sigaw ko. Tumawa naman siya.

"Anong nangyari?" Tanong ni Clyde na kakapasok lang.

"Wala." Sagot ni Grace na nakasimangot.

Lumapit si Clyde kay Grace at tinignan ito. Isa din ang dalawang to. Parang may namumuo.

"Anong problema? Bakit nakasimangot ka?" Tanong ni Clyde. Nanahimik na rin sila Ayah.

"Mahabang kwento." Sabi ni Grace.

"Ano nga?" Pangungulit ni Clyde. Kinuwento naman ni Grace yun at halatang galit na galit si Clyde.

"G*GO YUN AH!" Sigaw ni Clyde.

"Easy, bro." Sabi ni Ken.

"Tapos? Anong na mangyayari nyan?" Tanong ni Clyde.

"Aine have a plan but we dont like it." Nakasimangot na sabi ni Grace.

Wow! Ako na nga nagplano eh! Hmmp!

_///_

"Bakit? Magandang idea yun ah." Sabi niya na lalong kinasimangot ni Grace.

"Pati ikaw?" Nakasimangot na tanong ni Ayah.

"Bakit ba kayo nakasimangot? Pasalamat nga kayo nakaisip si Aine ng plano. Pwede ba? Kalimutan niyo muna ang GANG na yan. Walang masama kung magiging magkakaibigan kayo. Maganda nga yun eh. Kasi diba? Mawawala sa utak nung mga lintik na kaklase na natin na pumapatay kayo kahit hindi. Kasi magkakaibigan na kayo at nagbago na kayo. Pano nila masasabing pumapatay kayo diba?" Explanation ni Clyde.

Napabuntong hininga sila. Tama si Clyde. May utak pala to?

"Fine."

"Ge."

"Tsk. Oo na."

"Sige na nga."

Gusto kong matawa sa mga sagot nila. Halatang napilitan eh. Hahaha. Wait? Tumawa ako? Psh.

-_-

"Yun naman pala eh. Wag niyo ipakita na naaapektuhan kayo." Payo ni Clyde.

Tumango lang sila.

"Tara na, guys. May klase pa tayo." Sabi niya at hinila na si Grace palabas. Sumunod na lang kaming apat.

"Looks like nandito na ang mga mamamatay tao ah." Sabi ni Chloe na nagpainit ng ulo ko.

Susugurin ko na sana siya ng hilain ako ni Justin at hawakan ang kamay ko. Sobrang bilis ng nangyari kaya wala akong nagawa.

"Wag mo na lang patulan." Bulong niya. Diko alam pero nag init ang pisngi ko ng nilapit ang bibig niya sa tenga ko.

"O--okay." Sagot ko pa. Umupo na lang kami sa likod. Ito ang arrangement:

Ako _ Grace _ Jade _ Ayah
Justin _ Clyde _ Luke _ Ken

Nag decide kami nila Ayah na wag magtabi tabi para di nila bigyan ng malisya.

"Who's the class president in your room?" Tanong ng isang Teacher.

"Si Belle." Sagot ni Chloe.

"So, Belle. Ikaw muna ang manage ng classroom niyo hangga't wala pa kayong adviser." Sabi nung Teacher.

Wait? Wala kaming adviser? Nasan na si Maam. Castro?

"Wait. Pero nasan na po yung dati naming Teacher? Si Maam. Castro?" Tanong ni Belle.

Kumunot naman noo nung teacher.

"Wala pang nag-a-apply na maging adviser niyo. At walang Ms. Castro na teacher dito. Matagal na nga kaming naghahanap ng magihing adviser niyo pero walang gustong mag apply." Paliwanag niya na nakapagpakaba sakin. What is she talking about?

"So? Wala pa po pala kaming adviser simula nung first day?" Tanong ni Belle na halatang kinakabahan din. Umiling ang teacher.

"Diko ba nasabi? Alam ko nagpaakyat ako ng isang estudyante dito para sabihin yan. Nagulat nga ako na pumasok kayo. Akala ko kasi hindi kasi nga wala pa kayong teacher. Sige. Mauna na ako." Sabi nito at umalis na. Tahimik kaming lahat. Halatang natatakot ang iba. Ibig sabihin? Di totoo si Maam. Castro? Pano nangyari yun?

"I cant believe this." Rinig kong bulong ni Jade.

"Is this real?" Di makapaniwalang tanong ni Grace.

Pati ako napatahimik. Diko alam pero kinabahan nga ako. Feeling ko may nakatingin samin pero di namin siya nakikita.

"Si Maam. Castro? Sino siya?" Nagtatakang tanong ni Ayah.






"She's a demon."



*****
Hala. Patindi na ng patindi. Sino nga ba si Maam. Castro? A demon? Hmm. Alamin. Hahah.

Class C-Section 12 (Slimmer University)Where stories live. Discover now