Chapter 32

573 18 0
                                    

Chapter 32: Accident

Grace's POV

"Sure ka ba na magpapaiwan ka?" Tanong ni Ayah na kanina pa paulit ulit.

"Yeah. Sige na. Sabihin mo na lang na may pinagawa pa sakin kaya di ako makasabay sa inyo." Sabi ko. Nag-aalanganin siyang umalis pero sa huli ay sumuko din at umalis.

"I need to know more about this school." Bulong ko sa sarili ko. Yes. Kailangan kong gumalaw mag-isa. Marami nang problema si Jade. Alam ko yun at nararamdaman ko yun. I need to do this on my own.

"San kaya ako makakahanap ng impormasyon about this school?" Bulong ko sa sarili ko. Dapat pala nag-plano muna ako bago ako gumalaw. Hayst! Tanga ko naman.

"At the library." Nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko. Paglingon ko ay si Justin pala. Ohsh*t! Kinabahan naman ako!

"Bakit ka nandito? Sinundan mo ba ako?" Tanong ko. Di niya ako sinagot. Instead, naglakad na siya at sa pagkakaalam ko ay papuntang library yun.

"Uy! Teka!" Sabi ko at hinabol siya. Bakit parang iba siya? He's not the jolly one anymore.

"Wala na yung librarian." Sabi ko. Tinignan ko siya at parang may hinahanap. Ano bang alam niya? Kung makapagsalita siya parang may alam talaga siya. Meron nga ba?

"Follow me." Utos niya at naglakad. Sumunod naman ako. Habang naglalakad ay nahagip ng mata ko ang isang estudyante. Huminto ako para suriin ito.

"Ah? Ms?" Tanong ko. Nagulat ako ng tumayo ito at tutukan ako ng kutsilyo sa leeg. Wait? I know her. She's Belle. Our Class President. Pero, bakit? Siya ba ang killer?

"B--belle." Banggit ko. Di ako gumagalaw dahil unting mali lang ay didiretso ang patalim sa leeg ko.

"Papatayin kita!" Sigaw niya. Di ako makaramdam ng galit sa sinabi niya. Takot, kaba at sakit ang naramdaman ko. Bakit?

"B--belle? Pag-usapan natin to. You dont have to do this." Paliwanag ko. Lalo akong kinabahan ng diniinan niya ang patalim. Ramdam ko ang init ng likido na tumutulo mula dito.

"Pag--pag di kita pinatay...kami ang papatayin niya." Sabi niya na kinataka ko. Napag-utusan siya? Nino? Ng killer? Wait?

"I--ikaw na ang susunod?" Tanong ko. Bigla naman siyang umiyak pero nanatili ang patalim na nakatutok sakin.

"My mom needs me! Di ako pwedeng mamatay! Nangako ako kay mommy na di ko siya iiwan! Di ko yun magagawa pag mamamatay na ako!" Sigaw niya. Nakaramdam ako ng awa. Walang tao ang gustong mamatay.

"Do you think your mom will be happy if she will know that you killed an innocent person for you to live? Papatay ka ng iba para sa pangarap  mo para sa magulang mo. Bakit? Ikaw lang ba ang may pangarap? Kahit sila Ysa na patay na, may pangarap pero ano? Pinatay sila ng killer. Kapag ako pinatay mo? I'll consider you as a killer." Sabi ko. Tumulo ang luha niya. Pare-parehas lang kaming lahat na may mga pangarap. At hindi ako papayag na di ko makamit yun dahil lang sa mamamatay na ako. I will not let anyone hurt me nor kill me.

"Bahala na! Basta papatayin kita!" Sigaw niya at ididiin na sana ang patalim pero sinipa ko siya dahilan para mapaupo siya. Naramdaman ko ang hapdi sa leeg ko pero di ko na lang pinansin.

Tumayo siya at aatakihin ako pero sinunggaban ko siya ng isang malakas na suntok.

All this time, i've never been this wild. Wild to hurt other, who's innocent. Kung lalaban siya para sa pangarap niya, ganun din ako.

"Tiffany!" Sigaw niya. Biglang may lumabas na babae at sinaksak ako sa likuran. Napadapa ako. Kahit masakit ay tumayo ako. Higit pa dito ang nararanasan ko dati.

Nang aatakihin na nila ako ay napapikig na lang ako. Marami na ang nawalang dugo sakin. Nanghihina na ako. Ilang minuto din akong nakapikit pero wala akong naramdaman ni kuko nila. Dumilat ako at napaatras ng makita ko ang katawan nilang nakahandusay na.

"Are you----F^CK! Ang daming dugo na ang nawala sayo. Tara na." Sambit ni Justin. Siya ba ang pumatay kila Belle?

"No, im not. Di ko kayang pumatay." Nagulat ako ng magsalita siya. At yun ang sagot sa tanong ko.

"Sino?" Tanong ko. Di siya sumagot at inalalayan na lang ako.

"Silang dalawa ang letter C." Sambit niya. Sa huling pagkakataon ay nakita ko pang nginitian ako ni Belle. Naramdaman ko ang luha na pumataka sa mata ko. Alam kong inutusan siya. Sinabi niya yun. Papatayin ko kung sino man yun. Gagawin niya pang kriminal si Belle at Tiffany.

She is a demon.


*****
Condolence Belle and Tiffany. Sumalangit nawa ang inyong kaluluwa. Charrrr. Hahahahah.

Comment po.

Class C-Section 12 (Slimmer University)Where stories live. Discover now