Chapter 35

591 25 0
                                    

Chapter 35: Savior

Jade's POV

Nakahiga ako sa kama ko. Iniiyak ang lahat ng makakaya. Masakit? Oo. Pero naiintindihan ko siya. Sure ako na pag nalaman niya ang totoo ay magso-sorry din siya. I just have to be strong while waiting him to realize the truth.

"Please dont cry again." Napatingin ako sa pinto. Si Ayah pala.

"Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko sabay punas sa luha ko. Baka panghinaan sila ng loob pag nakita nila akong malungkot.

"Wag ka ng iiyak ulit." Sabi niya at nagpunas ng luha. Napangiti ako ng ma-realize ko na nagmamalasakit siya sakin.

"Di na. Promise." Sabi ko. Nginitian niya ako.

"Alam ko namang mare-realize yun ni Luke eh." Sabi niya. Tinignan ko siya at nginitian.

"Alam ko naman yun." Sabi ko.

"...di ko lang talaga maiwasang masaktan." Dugtong ko. Pinipigilan ko ang mga luhang gusto ng pumatak dahil nangako ako kay Ayah na di na ako iiyak. Hangga't kaya ko, gagawin ko.

"Alam ko naman nasasaktan ka. Nararamdaman ko. Di ko nga akalaing...magagawa niya yun. Masasabi niya yun." Sabi ni Ayah. Pinikit ko na lang ang mata ko.

"Masakit kasi, bukod sa mga salitang yun na dumurog puso ko, mas masakit pa rin yung pagdudahan niya ang pagmamahal ko para sa kanya." Sabi ko. Naluluha na ako.

"Pero hangga't kaya ko, titiisin ko. Nawala na siya sakin nun at di naging maganda ang ang nangyari sakin. I wont let him to leave me again. Kahit magmakaawa ako at lumuhod sa harap niya. Gagawin ko. Wag niya lang akong iwan. Di ko kakayanin." Sabi ko. Within that second ay tumulo na ang luha ko. I broke the promise.

"Im happy for you. Naging matured ka na mag-isip. Ibang iba ka sa dating Jade na padalos-dalos sa mga desisyon niya." Sabi niya. Pinilit kong ngumiti.

"Matatapos ng din ang lahat ng to. Sabi nga nila, its just a problem. Dont let it ruin your life." Sabi niya. Tumango ako ng niyakap siya.

"Thank you." Sambit ko. Kumalas na siya at nginitian ako.

"Your always welcome, Jade." Sabi niya.

---

"Teka! San tayo pupunta?" Tanong ko. Bigla bigla na lang nila akong hinihila. Nga pala. Nakalabas na din si Grace sa ospital. 2 days ago na din. At..2 days na din kaming di nagkikita nor nag uusap ni Luke.

"Basta! Sumama ka na lang!" Sabi ni Grace. See? Masigla na siya.

"Oo nga! Masaya to!" Sambit naman ni Aine. Nawala ang pagiging tahimik niya ah.

"Trust us." Sabi ni Ayah at sinakay ako sa kotse. Aba! San ba talaga kami pupunta?

"Excited na ako!" Masiglang sabi ni Grace. Nagtawanan naman sila. There too different now. Di na sila yung dating mga babae na nakasama ko. Yung mga maangas, siga at walabg inuurungan na babae. Masayahin na sila. Masisigla at marunong na silang ngumiti ng totoo.

"Mas excited ka pa sakin." Pang-aalaska ko. Nagtawanan na naman sila.

"Hmmp! Ikaw ah!" Sabi ni Grace at kunwari pang nagtatampo.

"Dito na tayo." Sabi ni Ayah. Nilingon ko ang labas. Halos tumalon ako sa tuwa ng makitang nasa Zoo kami.

"KYAAAAAHHH!! ZOO!!" Sigaw ko at nagtatakbo na. Last time na pumunta ako dito, 5 years ago. Matagal na din.

"Hahahaha! We know that you will be happy in this place. So, we decided to bring you here." Sabi ni Aine. Napangiti ako at niyakap sila.

"Thank you, guys. All of you make me happy. Very happy." Sabi ko.

*POKKKK!!*

"Aray naman!" Angal ko ng batukan nila ako. Masakit yun ah!

>___<

"Drama mo!" Sabay sabay nilang sabi kaya nagtawanan kami.

"Gusto lang namin na sumaya ka naman kahit ngayon lang. Kalimutan mo muna lahat ng problema. You've been our savior ever since. Ikaw ang laging nandyan para saluhin lahat ng problema. Instead na kami, ikaw. Panahon na rin naman para kami naman ngayon. Let us fix the problem about the school. Dont think about it again. Were here." Sabi ni Ayah na kinatulo ng luha ko. Agad ko yun pinunasan at ngumiti.

"Thank you. Thank for this. For everything. Thank you kasi nandito kayo para saluhin ako. Ever since i've been a savior for all of you. Ayokong may isa satin ang mapahamak. Ginagampanan ko lang ang pagiging LEADER niyo. Ng Dark's Queen Gang." Sabi ko. Sila naman ang ngumiti.

"Di kami nagkamali sa pagpili ng Leader namin." Sabi ni Grace at niyakap ako.

"GROUP HUG!" Sigaw ni Ayah maya niyakap nila akong lahat.

Ang swerte ko dahil may kaibigan ako na katulad nila. Akala nila ako ang savior nila pero hindi. Sila ang savior ko. Di ko malalagpasan lahat ng problema kung wala sila. Di ko alam kung ano ako kapag nawala sila sakin.

Kaya makikipagpatayan ako sa killer. Mamatay muna ako bago niya mapatay ang mga kaibigan ko. Ang mga taong minahal ko at minahal ako.


*****
Yung huling sinabi ni Jade ay para sa tatlo kong savior. Sa tatlong babae na laging nandyan para sakin. Sa tatlo kong magigiting na kaibigan.

Annyeong! Salamat sa mga nagbabasa, nagvo-vote at nagco-comment. Kamsahamnida!

~AbYenJesRyl

Class C-Section 12 (Slimmer University)Where stories live. Discover now