Chapter 6

1K 33 3
                                    

Chapter 6: What was that?!

Ayah's POV

"Ayah, wala dito." Sabi ni Grace.

Kanina pa kami naghahanap kung nasan si Jade. Nandito na nga kami sa pinakatuktok ng building.

"Ang kulit kasi. Sinabing lumaban nga." Sabi ni Aine.

Tinignan ko siya. Laban?! Kanina pa niya pinagpipilitan yan. Alam ko namang di lalaban ng mag isa si Jade pero...

"Tara. Sa likod ng school." Sabi ko at bumaba papuntang parking.

"Sana naman walang nangyaring masama sa kanya." Bulong ni Grace.

Lagot sakin si Jade kapag nakita ko siyang nakikipaglaban dun at mapapatay ko ang mga ugok na lalaki na yun pag may kahit kunting sugat o gasgas si Jade.

"Tara na!" Sigaw ni Grace ng makarating na kami. Agad akong bumaba at nilibot ang mga mata ko.

"Bakit walang mga estudyante? Diba pag may laban dito, may mga estudyante." Sabi ni Grace.

Tama. Bakit nga ba wala. Alam kong mayabang ang grupo ni Luke at gusto nilang ipakita sa mga estudyante na natalo nila kami at malakas sila. Tss.

-_-

"Let's just find her." Seryosong sabi ni Aine kaya naghiwa-hiwalay kami.

Pumuntang kaliwa si Grace at sa kanan naman si Aine. Ako? Papasok ako sa abandonadong building. Di ako natatakot. Dito pa nga ako tumatambay pag wala ako sa mood.

"JADE!!" Sigaw ko.

Tahimik ang buong building. Walang ingay na maririnig kundi ang mga yapak ko. Nakarating ako sa isang kwarto. Madumi at...mabaho! Di ko alam kung anong amoy yun pero...F^CK! Ang baho!

"JADE!!" Sigaw ko. Nagulat ako ng sumara ang pinto. Buti na lang di ako pumasok.

Sh*t! Kinakabahan ako!

>~<

"Napadalaw ka."

Napatingin ako agad sa likod. Isang tao. Estudyante. Puro dugo ang uniporme at...walang mukha?! Black. At may tatto na triangle na may mata sa loob. Sa may leeg. Yan lang ang makikita sa mukha niya.

"S--sino ka?" Nauutal kong tanong.

Lumapit siya sakin kaya napaatras ako. Sh*t! Sino ba ang nilalang na ito? Sa buong buhay ko, ngayon lang ako natakot. Oo. Natatakot na ako.

"Gusto mong malaman kung sino ako?" Tanong nito.

Bakit ganun? Di ako makalaban. Sino ba siya? Bakit ganun na lag takot ko sa kanya?

"S---SINO KA SABI?!" Sigaw ko.

Kaya mo yan, Aleyah. Kaya mo yan.

"HAHAHAHAHAHAHA!!" Tawa nito at unti unting itinaas ang ulo niyang nakayuko kanina.

Kinakabahan ako sh*t!

"AYAH!"

Napalingon ako sa likod. Teka..lumingon ulit ako sa harap ko pero..wala na siya. Ano yun?

"Ayah!" Tawag ni Jade ng makalapit na siya

Oo. Si Jade nga. Kasama ang bagong transfer na lalaki.

"Uy! Okay ka lang ba? Ano nangyari sayo? Bakit namumutla ka? Sino kausap mo? Bakit ka sumisigaw? At bakit nga nanginginig?" Sunod sunod na tanong ni Jade pero diko siya pinansin.

Umagaw ng pansin ko ang kwarto na kanina ay sumara. Nakabukas na. At..di na mabaho. Wala na yung mabahong amoy.

"Ayah! Ano ba?! Okay ka lang?" Kinakabahang tanong ni Jade.

Nilingon ko siya at..niyakap. Oo. Niyakap ko nga. Ramdam kong nagulat siya.

"A---ayah." Tawag ni Jade.

Never pa akong naging ganto sa kanya maski sa dalawa. Hindi.

"O---okay lang a--ako." Nauutal kong sabi.

Baka mag alala sila at isipin nila na nababaliw na ako. At...ayokong isipin nila na natakot ako.

"Sure ka?" Tanong niya.

Humiwalay na ako at tinanguan siya. Wala naman siyang sugat. Pero...bakit kasama niya si Clyde?

"AYAH!! JADE!!"

Lumingon kami sa likod at nandun sila Grace at Aine. Papalapit sila.

Woooh! Kakalimutan ko nalang ang nangyari na yun. Siguro masyado lang lumawak ang imagination ko.

"Okay ka na ba, Jade?" Tanong ni Grace.

Si Aine naman, tahimik lang pero alam kong nag aalala siya kay Jade. Parehas talaga kami. Ayaw ipakita ang nararamdaman.

"Oo. Nga pala, si Clyde." Pakilala ni Jade kay Clyde.

Nilibot ko ag tingin ko. Tahimik na ulit pero di katulad kanina...wala na ang kaba ko.

"Hi. Alis na ako." Bati ni Aine at naglakad na palayo.

"Hello, Clyde! Nandito ka pala? Bakit napunta ka dito? At kasama mo si Jade?" Tanong ni Grace.

I look at her. Psh. Nagseselos.

"Ah. Kasi----

Di natuloy ni Clyde ang sasabihin niya ng mauna si Jade.

"Nagkita lang kami dito." Sabi niya at tumingin kay Clyde.

Psh. Nag date ata sila.

"Una na ako. Sumunod na kayo. Bye." Sabi ko at naglakad na rin.

I still can't move on. Diko makalimutan ang nagyari kanina. Psh. Its just an imagination. Yeah.

*****
Hehe. Kilala niyo naman po si Clyde diba po? Comment na lang po kayo kung may tanong pa po kayo. Thanks.

Class C-Section 12 (Slimmer University)Where stories live. Discover now