Chapter 37

582 25 2
                                    

Chapter 37: Its all a plan

Aine's POV

"Luke?" Tanong ni Grace. Nandito siya ngayon sa condo. Nagawa na ba nila?

"Nasan si Jade?" Tanong nito. Tinuro ko ang kwarto. Pumunta naman agad siya dun.

"Sa tingin mo ba nagawa na nila?" Tanong ni Ayah na kakalabas lang ng banyo.

"I dont know." Sagot ni Grace.

Nalilito ba kayo? Hahaha. Ganto kasi yun...

*Flashback*

"Bakit mo kami pinatawag, Jade?" Tanong ni Justin. Di pa rin kami nagpapansinan dalawa. Gusto ko siyang lapitan pero di ko kaya.

"I have a plan."  Sabi nito. Nagtaka naman kami. Ano kaya yun?

"Clyde, told me na nakipag-sabwatan sa kanya ang killer." Sabi ni Jade na kinataka namin. What is she talking about? Nakipag-sabwatan na ba sa kanya ang babaeng yun? Pano namin nalaman? Well, kutob lang naman. Malakas kutob ko sa kanya eh.

"Oo. Tama siya. Nakipag-sabwatan siya sakin. She want me to ruined Luke and Jade's relationship." Sabi ni Clyde na nakaupo sa silya.

"Di namin kayo maintindihan." Sabi ko.

"Nung una, gusto ko sanang makipag-sabwatan din----ARAY!" Sigaw ni Clyde ng batukan ito ni Luke. Natawa si Clyde. Selosong Luke.

"Joke lang. Ito na. Sinabihan niya ako na mag-sabwatan kami. Na kung gusto kong mapasakin si Jade ay gumawa ako ng hakbang. Para pag napasakin si Jade. Mapapasakanya ka, Luke. Bago ako um-oo ay pumasok na sa isip ko na gusto niya tayong sirain. Remember? Tayo ang gumagawa ng hakbang para malaman ang lahat. Kaya naisip ko na baka gusto niyang mag-away away tayo ng sa ganun ay di natin matuloy yun at mapatay na niya lahat ng walang sagabal. Kaya sinabi ko kay Jade." Paliwanag ni Clyde. Wow?

"As in?" Nagtatakang tanong ni Grace. Since nung nangyari sa likod ng school na away ay okay na naman. Di sila nagkakailangan.

"Anong plano?" Tanong ni Ken.

"Ganto. Diba, um-oo si Clyde sa deal with her? Magpapanggap tayong lahat." Sabi niya.

"Anong klaseng pagpapanggap?" Tanong ni Ayah.

"Kunwari daw ay ginawa ni Clyde ang plano nila. Tayo naman ay sasakay dun. Para bang, ang kakalabasan ay nag-away away tayo. Edi iisipin nung killer, nag-tagumpay siya. Nagawa niya ang plano niya." Sabi nito. Nakatunganga kami.

*End of Flashback*

So, yun nga. Kaya lahat ng yun ay plano lang. Simula sa pag-uusap ni Jade at Clyde sa condo. Yung sagutan nilang dalawa. Ako pa nga ang nag-picture nun at ako ang nag-send kay Luke. Pati si Luke ay nagkunwaring nagalit at nasaktan. Ayaw pa nga pumayag nun na sabihan si Jade ng masasakit na salita kasi di niya daw kaya. Psh.

-_-

Pati yung sa Zoo. Kailangan ay hanggang labas ay umaarte kami. Pano kung may mga nakamasid samin diba? Para di kami mahalata ay pinupuntahan ni Clyde ang killer para ay kunwari sinasabi niya ang mga nangyayari. Para ma-distract ito. In short?

Lahat ay isang plano.

"Tulaley ka?" Napakurap ako ng magsalita si Grace. Di kasama sa plano ang nangyari kay Grace ah. Nagulat din kami nun eh. Nag-alala din.

"Napakatalino talaga ni Jade." Sabi ko. Ngumiti siya.

"Sobra. Itong plano niya, magaling. Sigurado ako na napaikot niya ang killer. Nalinlang niya. Very good, Jade." Sabi nito. Napatingin kami sa pintuan. Sila Clyde, Ken at Justin pala.

"Guys, may balita ako." Sabi ni  Clyde. Bumaba na din si Jade at Luke.

"Ano yun? Masama o mabuting balita?" Tanong ni Ayah. Umupo muna sila Clyde.

"Magkakaroon ng Ball sa sunod na araw." Sabi niya. Ball? Psh. Di kami mahilig dun.

"Really?! Excited na ako!" Sigaw ni Grace. Except pala kay Grace.

-_-

"Oo. Pero may kutob ako na may plano ang babaeng yun." Sabi ni Ken.

"Teka nga! Naguguluhan ako. Pano kung di pala siya ang killer? Pano kung inosente lang siya?" Tanong ni Ayah. Ako, malakas talaga kutob ko na siya.

"Kaya nga dapat ay pumunta tayo dun. Para malaman natin ang totoo." Sabi ni Grace.

"Panong malalaman ang totoo?" Tanong ni Luke.

"May kutob ako na magiging madugo ang Ball na'to. Kailangan natin maging alerto. Kapag may namatay at nandyan siya. Hindi. Pag wala siya ng may namatay, oo." Sabi ni Grace.

"Eh diba dalawa sila? Yung isa may tattoo. Yung isa, wala. Tsaka isa lang ang suspect natin. Pano kung habang may namamatay ay nandyan siya? Yun pala yung isang killer ang pumapatay." Sabi ko. Napaisip din sila.

"Oo nga. Isa na lang ang pwede nating gawin." Sabi ni Ayah.

"Ano yun?" Tanong ni Ken.

"Sa araw ng Ball ay magkaka-partner. Dapat ay umaarte pa rin tayo. Kaya di kayo pwedeng maging partner, Luke at Jade. So, partner-partner na. Dapat hiwa-hiwalay tayo. Kailangan natin pagmasdan ang bawat kilos niya." Sabi nito. Napatango ako. Pwede na.

"Agree ako."

"Gorabells."

"Ge."

Di nagsalita ang boys pero alam namin na sang-ayon sila.

Ngayon na may panglaban na kami, patas na ang laban. Akala niya ganun kami kahina para di siya labanan. Nagkakamali siya, tinagurian kaming 2 sa pinakakinatatakutan na GANG sa school na yun. Ang Demon's King Gang at syempre ang Dark's Queen Gang.

Play carefully, Ms. Killer.



*****
Astig ba? Harhar. Naisip ko na'to nung una pa lang. Diko sinabi sa mga kaibigan ko kasi gusto ko na sila na mismo makaalam. Kung nalito kayo? Comment lang.

Class C-Section 12 (Slimmer University)Where stories live. Discover now