Chapter 20

622 26 11
                                    

Chapter 20: Kambal?

Luke's POV

"San kayo pupunta?" Tanong nila Ayah samin. Nagkatanginan naman kami.

"Sa...mall lang." Sagot ni Justin. Nakunot naman noo nila Ayah.

"Mall? Kelan pa kayo naging interested mag mall?" Tanong ni Grace.

"Ah...kahapon lang. Yah. Kahapon." Sabi ni Ken. Nagkatinginan ang apat na babae. Wag sana nila mahalata.

"Ahsige." Sabi ni Aine. Nakahinga kami ng maluwag.

Kung nagtataka kayo kung san kami pupunta? Katulad kahapon. Sa pinakalikod ng school. Babalikan namin yung matanda. Kailangan namin makakuha ng impormasyon sa kanya.

"Alis na kami." Sabi ni Clyde kaya lumabas na kami.

"Kasi naman tong si Justin eh! Nag aya pang pumunta sa condo nila! Yan tuloy! Muntik na!" Angal ni Ken.

"Gusto ko lang magpaalam kay Aine eh!" Depensa naman ni Justin.

"Hoy! Umamin ka nga! May gusto ka ba kay Aine?!" Sigaw naman netong si Clyde. Problema niya?

"Kung oo?!" Sigaw naman ni Justin.

"Wala lang. Tinanong nga kita eh." Malumanay na sagot ni Clyde. Mga siraulo.

-,-

"Tara na. Natatagalan tayo eh." Sabi ko at sumakay na agad sa kotse at pinaharurot.

Nakarating din naman agad. Sunod sunod kaming dumating. Agad kaming dumiretso sa pinakalikod ng school.

"Ang lamig naman." Reklamo ni Justin.

"Ang init init nga eh!" Sabi ni Ken.

"Pssst!"

Nagkatinginan kaming lahat. Nag uusap kami sa mga mata namin. Sino ang sumitsit?

"Pssst!"

Kinabahan na ako. Ganto rin ang nangyari nun sa tambayan. Sana naman wag ngayon.

"Pssst!"

Napaatras na ako. Palakas na ng palakas ang sitsit. Parang palapit ng palapit ang sumisitsit.

"Bakit kayo nandito?"

Muntik na kaming mapasigaw nang biglang lumitaw sa harap namin ang apat na babae

"B---bakit kayo nandito?" Tanong ni Justin sa kanila. Pano sila nakarating dito?

"Eh kayo? Bakit kayo nandito?" Tanong ni Grace. Nagkatinginan kami.

"I guess. Pare parehas tayo ng pinunta." Singit ni Jade. Nagtaka kami.

"Anong ibig mong sabihin, Ky?" Tanong ko.

"Pinunta niyo ba dito yung matandang babae?" Tanong ni Ayah.

"Teka! Pano niyo----

"Nauna pa kami sa inyo." Singit ni Aine.

"Teka pano?" Tanong ni Ken.

"Nakuwento samin ni Jade yung spiritual book. Alam namin Luke na ayaw mo muna ipaalam pero pinilit namin siya. Nagulat pa nga kami. Si Ayah, nakita na niya ang isa sa mga pumapatay." Sabi ni Grace.

Teka! Naguguluhan na ako!

"Spill it out." Sabi ko.

"Ganto kasi yun. Diba, Vin. Nakakita tayo ng isang babae na duguan ang uniporme at mahaba ang buhok? At...walang mukha? Nakita na din ni Ayah yun. Kaso yung babaeng nakita niya may tatto sa leeg. Illuminati yun. Ngayon. Meron kaming hinala. Maaaring ang dalawang magkaibang babae na nakita ni Ayah at natin, Vin ay ang pumapatay. Dalawa sila. Kaya dalawa din ang magkasabay na namamatay ng sabay. At nakabase kung sino ang dalawang susunod na mamatay sa....letters na pinabunot ni Ms. Salazar." Paliwanag ni Jade. Natulala ako. Maski sila Clyde. Nagsi sink in pa sa utak ko.

"Magkaibang tao ang nakita niyo Ayah, Luke at Jade." Sabi ni Aine.

"Nakita ko din ang nakit mo, Ayah." Biglang sabi ni Ken. Oo nga! Yung muntik na masagasaan.

"Kahapon, habang nagda drive ako. Muntik ko na mabangga ang isang babaeng puno ng dugo ang uniporme, mahaba ang buhok, walang mukha at may...tatto. Illuminati. Akala ko nagkasala na ako kasi nasagasaan siya pero hindi. Nagkamali ako. Bumaba ako ng kotse at wala siya. Tanging picture lang ang naiwan." Paliwanag niya at nilabas ang litrato at binigay kila Jade. Tinignan nila ito at...

"Ynna." Banggit ni Grace dahilan ng pagkakunot ng noo namin. Sinong YNNA?

"Anong sinasabi mo?" Tanong ni Clyde.

"Kamukha niya si Ynna." Sabi ni Grace.

"Ynna? Yung classmate natin? Yung pinsan ni Ellayza?" Tanong ni Ayah. Tumango si Grace.

"Imposible naman ata yun. Matagal na ang litratong yan. 30 years na ang nakakalipas." Sabi ni Aine.

"Pano mo nalaman?" Tanong ni Justin.

"Nakalagay sa spiritual book." Sagot niya na kinagulat ko.

"Binuksan niyo?" Tanong ko.

"Oo. Ito nakita namin." Sagot niya at binigay ang isang papel. Binasa namin yun.

'30 years ago, may kaguluhang nangyari sa eskwelahan namin. May nangyaring patayan. Nakaligtas kami ng kambal ko. Akala namin okay na kaso...di pala. Sinumpa ako pero imbis na sakin mapunta, napunta sa kanya. Namatay ako pero buhay siya. Hindi. Patay siya na binuhay ng demonyo. Papatayin niya lahat ng mapunta sa CLASS - C SECTION 12.'

"Kanino galing yan?" Tanong ni Ken.

"Diko alam. Walang nakalagay eh." Sagot ni Aine.

"Ang gulo. Pero may isang malinaw sa utak ko...








'Kambal sila.'



*****
Itutuloy...

Wooooh! Grabe ang intense! Kinakabahan din ako eh! Baka di niyo magustuhan! Huhu. Comment.

Class C-Section 12 (Slimmer University)Where stories live. Discover now