Chapter 41

579 20 3
                                    

Chapter 41: Lost Memories

Jade's POV

Madilim..

Pero bigla akong napunta sa Park?

"YCCA!!" Napatingin ako sa mga taong nagsisigawan. Familiar ang mga mukha nila. Nabaling ang tingin ko sa isang batang babae na nasagasaan. Sumakit ang ulo ko. Parang ako ang nasagasaan.

Nag-iba ang paligid. Naging...teka? Bahay ni Lola to ah. Bakit ako nandito?

"Sige na naman, Georgina. Kupkupin mo na ang batang to." Sabi ng isang babae na..kamukha ko siya. Napatingin ako sa sofa. Teka? Yan yung batang nasagasaan ah.

"Sheila naman. Bakit mo pinapakupkop ang sarili mong anak?" Tanong ni Lola. Bata pa siya dito.

"Nanganganib ang buhay niya samin." Sabi nung babae na Sheila ang pangalan.

"Ano? Bakit?" Tanong ni Lola.

"Yung ka-business partner ni Clinton. Pinagbabantaan niya ang buhay namin. Ng mga anak ko. Kailangan ko siyang ilayo." Sabi nung babae. Teka nga? Anak niya yan? Pinalabas niya na patay na ang batang yan para di na habulin pa?

"Nasan na sila Ynna at Yssa?" Tanong ni Lola. Natigilan ako. Kilala niya si Ynna?

"Iiwan ko sila sa Tita nila. Georgina, di ko kakayanin pag may nangyaring masama sa kanila. Sila ang buhay ko. Di bale na kami ang mamatay, wag lang sila. Wag lang ang mga anak ko. Sige na, Georgina. Tulungan mo ako." Sabi nung babae. Diko namalayan na tumulo na ang mga luha ko. Bakit parang gusto ko siyang yakapin at sabihing wag?

"Sige. Mag-iingat ka ha. Wag kang mag-alala. Aalagaan at papalakihin ko nang maayos si Ycca. At mamahalin." Sabi ni Lola. Teka nga! Sino ba ang batang yan?

"Wag mo kaming babanggitin sa kanya. Pangalanan mo siya na Kyla Jade." Sabi nung babae. Tuloy tuloy ang mga luhang pumatak sa mata ko. Ang batang babae na yan...

"AHHHHHH!!" Nagising ako sa isang malakas na sigaw. Nakatali ako. Kami. Nasan ba ako?

"Kyla." Napatingin ako kay Luke. Nakatali din siya. Ano bang nagyari? Diko maintindihan! Sino ang batang babae sa panaginip ko?! Sino si YCCA?!

"HAHAHAHA!! PAGBABAYARAN NIYO ANG GINAWA NIYO KAY YCCA! PINATAY NIYO ANG KAMBAL KO!" Sigaw nito. Ngayon ko lang napansin na, magkamukha kami. Kamukha niya yung babae sa panaginip ko.

"Shaynna, maniwala ka. Di namin pinatay si Shaycca. Maniwala ka, please." Sabi ni Ayah. Nanlaki ang mata ko ng makitang marami siya sugat.

"AYAH!! SH*T!" Sigaw ko. Napatingin sakin si Ynna. Imbis na matakot ako ay napaluha ako. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Sino ba talaga siya? Bakit hindi ako makaramdam ng takot sa kanya? Bakit parang gusto ko siyang yakapin at sabihing tama na?

"MANAHIMIK KA!" Sigaw ni Ynna. Napaluha ako. Diko alam kung anong nangyayari sakin.

"Ate." Sabi ko. Di ko alam kung san nanggaling ag salitang yun. Bigla na lang lumabas sa bibig ko.

"WAG MO AKONG TAWAGING ATE DAHIL HINDI KITA KAPATID!" Sigaw niya. Bakit ganun? Parang nasaktan ako? Sumakit ang ulo ko. Ohshit!

"Hindi totoo yan." Napatingin naman ako kay Aine. Ganun din siya gaya ni Ayah. Pero anong sinasabi niya?

"Anong sinasabi mo?!" Sigaw ni Ynna.

"Di namatay si Ycca." Sabi ni Aine. Tumawa naman si Ynna. Nagsimula na akong kabahan.

"TALAGA?! GAGAWIN MO PA AKONG TANGA!? KITANG KITA KO NA NILIBING SIYA!" Sigaw ni Ynna. Bakit dati wala siyang mukha? Ngayon, meron na?

"Pero nakita mo ba mismo na siya ang nasa loob ng kabaong? Hindi diba?" Sabi naman ni Grace. Bakit wala akong alam? Anong sinasabi nila?

"ANONG IBIG NIYONG SABIHIN!?" Sigaw ni Ynna.

"Buhay siya. Buhay si Ycca." Sabi ni Ayah. Naalala ko ang panaginip ko. Hindi. Hindi maaari. Hindi pwede! Ako ba? Ako ba ang tinutukoy nila? Gulong gulo na ako. Di ko kilala kung sino ba talaga ako?!

"Di siya namatay. Pinalabas lang na patay na siya para hindi na siya hunting-in ng mga ka-business partner ng Papa mo. Binigay siya kay Lola. Kay Lola Georgina. Siya ang nagpalaki kay Ycca. Inalagaan at minahal niya ito." Sabi ni Aine. Nanlaki ang mata ko. S--si Lola? Yan ba yung sa panaginip ko? Pati si Ynna ay di makapagsalita.

"Pero..nagka-amnesia siya. Nakalimutan niya kayo. Ikaw. Si Shayssa. Pati pangalan niya." Sabi naman ni Grace. Nangingilid na ang luha ko.

"Pinangalanan siya ni Lola na...Kyla Jade." Sabi ni Ayah. Agad na tumulo ang luha ko. Totoo ba ang sinasabi niya? Ako? Ako si Ycca? Si Shaycca? Kaya ba parang kulang ako? Kaya parang may kulang sakin? Kasi nawalan ako ng mga memorya?

"No. No. No! Hindi totoo yan! Nililinlang niyo lang ako! Hindi ko kapatid ang babaeng yan!" Sigaw ni Ynna. Lumapit siya sakin. Tinutukan niya ako ng kutsilyo sa leeg. Nag-panic agad sila Luke.

"Kung ikaw nga ang kapatid ko. Ano ang kinakanta ni Mommy satin nung bata pa tayo." Tanong niya. Biglang sumakit ang ulo ko. Parang binibiyak.

"Tulog na mga babbies ko." Sabi ni Mommy.

"Mommy, sing us a song please." Sabi ni Ate Yssa.

"Oo nga, Mommy." Sabi ni Ate Ynna.

"Little Star, Mommy!" Sabi ko. Ngintian kami ni Mommy.

"Twinkle, twinkle little star..how i wonder what you are.." Nakatulog na ako agad. This is our favorite song. Lagi namin pinapakanta kay Mommy yan.

"Twinkle, twinkle little star..how i wonder what you are.." Kanta ko ng umiiyak. Biglang pumasok lahat ng mga nawawalang memorya sakin noon. Lahat ng mga memorya na matagal kong di naalala. Ngayon alam ko na. Naaalala ko na. Ang babaeng kaharap ko. Ang babaeng tinatawag kong killer. Ang babaeng kinamumuhian ko. Ang babaeng pumatay ng napakaraming tao...

Siya si Shaynna Dela Torre..siya ang Ate Ynna ko.

*****
Ilan na langgggg!! Haha. Comment.

Class C-Section 12 (Slimmer University)Where stories live. Discover now