Chapter 38

586 22 1
                                    

Chapter 38: Part I (Ball Night)

Jade's POV

"Vin?!" Sigaw ko nang kinuha niya ang damit ko. Naka-robe lang ako. Busit to.

"Wag ka na kasi magbihis. Ganyan ka na lang." Pangungulit nito. Aba. Manyak talaga to.

"Ewan ko sayo! Akin na kasi yan at nilalamig na ako!" Sigaw ko.

"Ako na lang magbihis sayo." Sabi niya. Aba! Nakuuuu!

"Luke Vincent!!" Sigaw ko kaya binigay na niya.

"Sorry na po." Sabi nito. Tinarayan ko siya bago ako nagpunta ng banyo para magbihis.

Harujusko! Kelan pa naging manyakis si Luke?! Bakit di ko alam?!

"Kalma, Jade. Kalma." Sabi ko sa sarili ko. Napasabunot ako sa buhok ko.

"ARGH!" Singhal ko. Maya maya ay lumabas na ako.

"Hi, Ky!" Sinamaan ko ng tingin si Luke. Manigas ka dyan!

"Uy! Galit ka ba?" Tanong niya.

"OO!" Sagot ko. Nagtaka siya.

"Bakit?" Tanong niya. Sinamaan ko ulit siya ng tingin.

"Wala." Sabi ko. Bigla bigla kasi ngumingiti. Nawala tuloy galit ko.

(_ _')

"Sorry na, Kyla. Niloloko lang naman kita ah. Sa tingin mo ba gagawin ko talaga yun?" Tanong niya.

"Malay ko." Sagot ko.

"50-50 lang." Sabi niya kaya binatukan ko. Todo aray naman siya.

"Joke lang, Ky.  Hindi ko nga gagawin yun. Gagawin ko yun pag kasal na tayo." Sabi niya. Namula ako sa sinabi niya. Hanubayan!

>////<

Kasal agad? Nagmamadali naman to!

"Oh? Bakit ang pula mo? Nangangamatis ka, Ky. Kinikilig ka ba?" Tanong niya. Iniwas ko ang tingin.

"Di ah! Asa ka!" Depensa ko. Naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko. Back hug talaga. Pero shets! Boltaheng kuryente na naman!

"Umamin ka na kasi na kinikilig ka. Kasi ako, sobra." Sabi niya in a husky voice kaya mas lalo akong namula. Ohshete!

"Oo na." Pag-amin ko. Di na ako mapakali. Hinarap niya ako at nilapit ang mukha niya sakin.

"Good. Di ko hahayaan na mawala ang pagkakilig mo sakin. Your only mine, Ky. Only mine." Sabi niya then our lips meet.

"I love you, Ky." Sabi niya na kinangiti ko. He never fails to make me smile.

"I love you too, Vin." Sabi ko rin. Ngumiti din siya.

---

"Ang bagal mo naman, Jade!" Reklamo ni Clyde. Aba! Kapal neto.

"Eto na nga eh! Napaka-gentleman mo rin kasi eh noh?" Mark the sarcatic.

"Sino ba pumili ng gown? Diba ikaw? Tapos magrereklamo ka." Sabi niya kaya binatukan ko.

"Gusto mo bang tapusin ko na ang buhay mo?" Nanlaki ang mata ko ng marinig ang boses na yun pero napangiti din. Hehe. Lagot ka, Clyde!

^____^

"He-he. Sorry. Ito na nga eh." Sabi ni Clyde at inalalayan ako bigla.

Bago umalis si Luke ay hinalikan niya ako sa pisngi.

"Hay naku! Tara na, Jade." Sabi ni Clyde kaya tawa ako ng tawa.

Nakarating na din kami sa school at marami nang tao.

"Anong section po?" Tanong nung guard. Nagtaka ako. Bakit kailangan ng section?

"Class C Section 12." Sagot ni Clyde. Halatang nagulat ang guard pero pinapasok na kami. Pero tinawag niya kami ulit.

"Bakit po?" Tanong ko. Bumuntong hininga muna ito.

"Mag iingat kayo." Sabi nito at bumalik sa ginagawa niya. Nagkatinginan kami ni Clyde.

"Ah. Mam, Sir? Dito po ang Ball ng Class C Section 12." Sabi nang babae.

"What?" Tanong ko. Naiiba kami? Bakit? Di nasabi ni Clyde to.

"Hiniwalay po ng admin's ang Ball ng Class C Section 12 sa ibang section." Paliwanag nung babae. What the hell?

"Jade? Clyde?" Napatingin kami sa gilid. Its her. Smirk.

"Ikaw pala." Sabi ko. Nginitian niya ako. Lumapit siya samin.

"Come. Sabi nila, hiniwalay ang Ball natin sa iba." Sabi niya.

"Oo nga eh. Bakit kaya?" Tanong ko.

"Tara na sa loob." Alok ni Clyde. Pagkapasok ay nakita ko agad sila Luke, Grace, Ayah at Ken. Nginitian nila ako. Humiwalay din agad siya sa amin.

"Napakainosente niya." Sabi ni Clyde na kinatingin ko.

"Yeah. Super." Sabi ko din.

"Di mo aakalain na siya pala ang killer." Sabi ni Clyde. Napangiti ako at tumango.

"Hello, Ladies and Gentleman! Welcome!" Sabi ni Rhea. Siya ba ang speaker? Ang ingay ng boses niya.

-_-

"Mukhang kumpleto ang Section natin ah." Sabi ni Ynna.

"At mukhang nandito din ang mga...nevermind. Hahaha!" Sabi ni Chloe. Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Clyde. Masyado silang pasikat huh?

"Before we start, gusto namin sabihin na...MAGTATAGALOG LANG KAMI!! WOOOOOH!" Napatakip ako sa tenga ko ng sumigaw si Rhea. Nagsigawan din ang mga lalaki. Pito na lang ang babae samin at sampung lalaki. Yes, 17 na lang kami. 10 na ang namatay.

"Inaanyayahan namin ang lahat na magsayaw sa dance floor." Sabi ni Chloe ng tumugtog ang kanta. Ang lame ng Ball na'to.

-_-


*****
Hahahah. Sa tingin niyo ba ay sino ang killer? Kung matatalino kayo ay malalaman niyo ngayon pa lang. Harhar.

Comment pls.

Class C-Section 12 (Slimmer University)Where stories live. Discover now