Chapter 15

663 33 3
                                    

Chapter 15: Sikretong Bodega

Ayah's POV

"Ang tagal nila Jade ah." Sabi ni Grace.

Oo nga naman. Kanina pa kami nagaantay dito pero ni anino nilang dalaw, di namin nakita.

"Baka naman may inaayos lang." Cool na sabi ni Aine. Medyo umokay na siya. Di na suplada at cold.

"Ano namang aayusin nila?" Slow na tanong ni Justin.

Di naman sumagot si Aine. Snobbers pa rin siya.

"Luke?" Napatingin kami kay Grace ng tawagin niya si Luke na naglalakad papunta samin. Namamaga ang mata niya. Halatang kakagaling lang sa pag iyak. Pero bakit?

"King, okay ka lang ba?" Tanong ni Justin pero imbis na sumagot si Luke ay dinaanan niya lang ito. Problema niya?

"King----

"SHUT UP!!" Sigaw niya na kinagulat namin. Napaatras kaming lahat. Ano ba talagang nangyari?

"Sorry. Una na ako." Sabi niya at sumakay na sa kotse niya. Luh. Nasan na si Jade?

"May problema siya." Sabi ni Ken. Alam ko sa kanilang tatlo mas close si Ken at Luke kaya siguro nasasabi niya yan.

"Nasan na si Jade?" Tanong ni Grace.

Walang sumagot dahil wala namang nakakaalam. Pero sa tingin ko naman alam ko kung nasan siya.

"Guys, may pupuntahan lang ako." Paalam ko at sumakay sa kotse ko. Narinig ko pang sinigaw nila pangalan ko pero diko na nilingon.

Mabigat ang pakiramdam ko. Alam kong meron. Pinsan niya ako. Alam ko kung may dinadamdam siya. At ang lugar lang na'to ang pinupuntahan niya pag may sama ng loob siya.

Nakarating na rin ako at bumaba na. Sa Sikretong Bodega...

Hindi naman talaga ito basta bastang bodega. Kay Lola to. Papatayuan na sana ng bahay to kaso...namatay si Lola.

"Sa tingin ko alam ko na ang problema niya." Bulong ko at naglakad.

Nakita ko rin agad siya. Nakahiga sa gitna. At umiiyak siya. Naririnig ko ang mga hikbi niya mula dito. Nilapitan ko siya. Humiga din ako.

"Problem?" Tanong ko.

Ni din niya ako nilingon. Puro hikbi lang siya. Hanggang ngayon pa rin ba? Di pa rin ba niya sinisira ang planong yun?

"Bakit ganun na lang kahirap para sakin ang magpatawad? Masama ba ako? Demonyo ba ako? Bakit kay Lola, kahit anong gawin na masama sa kanya ng ibang tao. Napapatawad niya. Ayah, bakit di ko magawa?" Tanong niya at humagulgol. This time napaupo na siya. Niyakap ko na lang siya para di niya maramdamang nag iisa siya.

"Ayah, sinusubukan ko! Sinusubukan kong kalimutan lahat! Pero diko magawa! Bakit?! Bakitttt?!" Sigaw niya. Naiiyak na din ako sa nangyayari sa kanya.

"Jade, di mo naman kailangang kalimutan agad. Ang kailangan mo lang naman ay ACCEPTANCE. Tanggapin mo na...wala na sila. Jade, may hangganan ang buhay ng isang tao. Lahat natatapos. Walang permanente sa mundo. Jade, di pa huli. Bumangon ka. Alam kong matapang ka. Alam kong kaya mo. Ngayon ka pa ba hihina? Ngayon ka pa ba bababa? Nandun ka na e. Masaya ka na. Dahil dyan sa galit at puot sa puso mo. Nawawala lahat. Jade, kinakain ka na ng galit at puot na yan! Wag mong hayaan na tuluyan kang kainin niyan! Alam kong hindi madali ang magpatawad. Di naman kasi minamadali yan e. May takdang araw para dyan. Just go with the flow, Jade. Magugulat ka na lang isang araw na...napatawad mo na siya. Napalaya mo na ang galit at puot sa puso mo. At sa panahong yun, kaya mo nang maging masaya...yung totoo. At walabg kasalanan si Luke sa nangyari. Apo lang naman siya eh. Ni di nga niya alam na namata Lola natin dahil sa Lolo niya. He is innocent, Jade." Sabi ko.

Di siya nagsalita. Pero tumigil na siya sa pagiyak. Aaminin ko na, tinamaan din ako sa mga sinabi ko. Lola ko din yun eh. Masakit din sakin. Sobra. Pero diko hinayaang kainin ako ng galit at puot sa puso ko. Nagbago ako. Pumayag ako sa deal na sinasabi ni Aine para magbagong buhay. Kasi pagod na din ako. Pagod na akong itago ag nararamdaman ko. Diko magawang maging masaya dahil may pumipigil sakin. Laging may hadlang. Pero nung pinakawalan ko ang galit at puot na yun. Nawala yung hadlang. Naging masaya ako. At totoo na ang kasiyahang yun.

"JADE?! AYAH?!" Napatingin kami dun at nakita si Justin na pawis na pawis.

"Ano nangyari?" Tanong ko. Tumayo na din kami. Medyo di na mabigat pakiramdam ko.

"Si Luke.." Sabi niya. Naramdaman ko ang hawak ni Jade sa braso ko. Oo. Alam ko ag tungkol sa nakaraan nila. Kung pano sila naging mortal na magkaaway.

"May dalawa na namang namatay at nagkataon na pumasok si Luke. Sinisi siya. Binugbog pa nga siya eh. Pero di lumaban si Luke. Nasa ospital siya ngayon." Pagkasabi niya nun ay pagbagsak ni Jade.

"JADE!! SH*T! DALHIN NA NATIN SIYA SA OSPITAL!" Sigaw ko. Binuhat siya agad ni Justi at sinakay sa kotse.

Bakit di siya lumaban? Dahil ba sa problema? Grabeng problema naman to!


*****
Ohmymamwa! Ano na nangyari kay Jade at Luke? Hmm.. Guess what. Pero bago yun, gusto ko sanang mag comment naman kayo. Wag silent reader. Para alam naman namin kung itutuloy pa ba o hindi na. Thankssss.

Class C-Section 12 (Slimmer University)Where stories live. Discover now