Chapter 18

657 21 1
                                    

Chapter 18: Hinala

Jade's POV

Nandito kami ngayon sa condo unit ko. Kaming apat na babae. Sabi kasi nila Luke may pupuntahan lang sila.

Hanggang ngayon, diko nakakalimutan ang nangyari sa tambayan nila Luke.

That mystery girl...
That spiritual book...

I dont know but it makes me feel nervous everytime im going there. Parang may kung sino ang nakamasid. Parang may gusto siyang iparating. Sabihin.

Apat na ang nalagas. Apat na buhay na. Hanggang ngayon, nasa amin pa rin ang sisi. Ni hindi na nga kami makapasok sa sobrang alala na baka may gawin silang masama.

"Nakakatakot na." Bulong ni Ayah na nakaupo sa tabi ko.

"Kinikilabutan ako sa patayang nangyayari." Bulong naman ni Grace.

"Sino ba ang pumapatay?" Bulong naman ni Aine.

"Sa tingin niyo ba, alam ng ibang estudyante ang nangyayari sa room natin?" Tanong ko sa kanila.

"I dont think so. Kasi kung alam nila yun, matatakot sila pero diko makita sa ekspresyon nila ang takot." Opinyon ni Aine.

"Kawawang mga estudyante. Mga walang alam." Nakailing na dugtong ni Ayah.

"Baka naman kasi sa room lang natin may patayan. At ayaw ng mga nakatataas na malaman ng ibang estudyante ito dahil alam nilang magsisialisan ito at bababa ang bilang ng nag aaral sa Slimmer University. Tanging ang school lang ang pinapahalagahan nila. Hindi ang mga estudyante. Hindi tayo." Malalim na sabi ni Grace.

"Pero diba dapat alam ng mga estudyante to? I mean diba may pumuntang pulis nun sa school. Hindi man lang ba sila nagtaka o na curious kung bakit may mga pulis o investigator ang pumunta nun? That's imposibble for me." Sabi naman ni Ayah.

"There's something wrong here." Sabi naman ni Aine.

"We need to find it out." Sabi ko dahilan para magtinginan sila sakin. Nag aantay ng kurugtong..

"Alamin natin ang mga nangyayari. Alamin natin kung bakit binagay niya ang spiritual book. Kung tao ba ang pumapatay...o sumpa." Sabi ko.

"Sumpa? Luma na yan. Tsaka di naman totoo yan eh. Pano naman magkakaroon ng sumpa diba?" Sabi ni Ayah.

"Kaya nga alamin natin para malaman natin ang totoo." Sabi ko. Tumango sila pero halata ang curiousity sa mukha ni Grace.

"Ano yung spiritual book? Anong binigay?" Tanong niya. Di pa pala nila alam. Kinuwento ko naman sa kanila ang nangyari nun sa tambayan nila Luke.

"Is that real?" Kinakabahang tanong ni Grace.

"Estudyanteng puro dugo? Walang mukha? Black lang ang nakikita? Mahaba ang buhok?" Nagtatakang tanong ni Ayah.

"Yes. Yun nga. Why?" Tanong ko.

"I already saw her. Pero may tatto siya sa may leeg." Sabi niya na kinagulat namin.

"What?! When?! Where!?" Sunod sunod na tanong namin.

"Nung nakipaglaban ka kila Luke without us. Nataranta kami dahil baka maulit yung dati na bugbog sarado ka kaya hinanap ka namin sa likod ng school. Dun sa may bodegahan. Naghiwa hiwalay kami. Napunta ako sa isang lumang room. Mabaho. Amoy..dugo. Nagulat ako nung nakita ko siya. Yung babaeng naka uniporme na puro dugo at walang mukha kundi black. Mahaba ang buhok tapos may tatto siya. Tinatanong niya kung gusto ko ba daw makita ang mukha niya. Palapit siya ng palapit sakin nun. Buti dumating ka, Jade. Nung time na balisa at namumutla ako. Nung tinawag moko. Yun yun. Nilingon ko siy pero nawala siya. Pati yung amoy ng lumang room." Kwento niya. Kinilabutan ako. Pero..

"Kung yung isa walang tatto, yung isa meron.." Putol kong at tinitigan sila. Iisa ang nasa utak namin.

"Dalawa sila." Sabay sabay naming banggit. Mas lalo akong kinabahan. All this time? Dalawa ang pumapatay? Kaya ba laging dalawang magkasabay ang namamatay?

"Yung letters." Banggit ni Grace na kinakunot ng noo namin.

"Diba pinabunot tayo ng letters? Yung iba big letters. Yung iba small. Si Ellayza, big letter 'A' ang nabunot niya. Si Jasper small letter 'a'." Sabi niya.

"Pano mo naman nalaman na parehas silang A?" Tanong ko.

"Nakita ko sa palad nila." Sagot niya.

"So? Anong gusto mong sabihin?" Tanong ni Ayah.

"Di kaya yung letters ang basihan kung sino ang dalawang susunod na mamamatay? Yung letters na binigay ni Ms. Salazar." Sabi niya. Napaisip din ako. Yung letters. Yung sulat sa palad nila. AISH!

"Anong letter ba kayo?" Tanong ko.

"Small letter 'k'." Sabi ni Ayah.

"Small letter 'n'." Sabi naman ni Aine.

"Small letter 'l'." Sabi ni Grace.

"Ikaw?" Tanong nila.

"Big letter 'M'." Sagot ko. Nagkatinginan kami.

"Magkakasunod sunod tayo." Sabay sabay na sabi namin.

Ohjusko! Ano na ba nangyayari?! Bakit ganto?! Sh*t!

*****
Nagkakaroon na sila ng hinala. Sa tingin niyo sino killer? Sumpa ba talaga o tao ang pumapatay? Comment..

Class C-Section 12 (Slimmer University)Where stories live. Discover now