Chapter 43

641 19 0
                                    

Chapter 43: Goodbye

Luke's POV

Di ko kayang makita siya na umiiyak. Na nasasaktan. Na nalulungkot. Kaya pinili ko na ako na lang ang mamatay. Kaya kong ibuwis ang buhay ko para sa kanya. Makita ko siyang masaya, okay na ako.

Siya ang buhay ko at kaya kong gawin lahat para sa kanya. Di ko alam kung ano ako pag wala siya.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mong yan? May pagkakataon ka pang umatras." Sabi ng demonyo. Nilingon ko si Jade. Umiiyak siya. Masakit.

"No, Vin." Sabi niya. Nginitian ko na lang siya at humarap ulit. Di ko kayang makita siyang nangungulila sa Ate niya. Nawalan na siya ng isa. Di ko hahayaan na mawalan pa siya ng isa.

"Wala sa bukabolaryo ko ang umatras at sumuko." Matapang na sabi ko sa demonyo.

"Masyadong kang pabayani." Sabi nung demonyo. Sinamaan ko siya ng tingin at ngumisi.

"Akala ko ba kukunin mo na ako? Bakit ang dami mong daldal?" Pang aasar ko. Tumawa ito. Akmang kukunin niya na ako ng..

"Magkakamatayan muna tayo bago mo siya makuha samin." Napadilat ako at laking gulat ko nang nandito silang lahat. Si Aling Susan, sila Jade.

"HAHAHAHA! Nagbibiro ba kayo? Kayang kaya ko kayong patayin lahat!" Sigaw nito. Nagulat kami ng unti unti itong naging halimaw. May sungay. Nakakatakot.

"Yun ang di ko hahayaan na mangyari." Sabi ni Ynna at ngumisi.

Mabilis ang pangyayari, ang alam ko na lang ay nilabanan ng ritual ni Aling Susan ang demonyo. Nilabanan nila ito. Tumakbo ako at hinila ko si Jade. Kailangan niyang makalayo dito. May sugat pa siya. Di niya na kakayanin pang lumaban.

"Vin, puntahan natin sila Ate dun." Sabi niya. Umiling ako.

"Hindi, Kyla. Hindi pwede. Kailangan mo nang makalayo dito. Umalis ka na." Sabi ko pero umiling siya.

"No! Hindi! Lalaban din ako, Vin." Sabi niya. Hinawakan ko siya sa braso.

"Hindi ba? Sinabi ko na di ko hahayaan na saktan ka ng kahit sino? Na lalaban ako para sayo?" Sabi ko.

"At diba sinabi mo rin na lalaban TAYONG DALAWA?" Sabi niya. Napabuntong hininga ako.

"I just want to protect you. Please, Kyla. Di ko alam ang gagawin kapag..kapag may nangyari di maganda sayo. Kaya please lang. Umalis ka na." Sabi ko.

"No. I want to protect you too. Pati sila Ate. Pano ko gagawin yun kung ayaw mong lumaban? Vin, trust me. Di ko hahayaan na saktan ako." Sabi niya.

"AHHHH!!" Napatakbo siya kaya sumunod ako. Nilapitan ko agad si Clyde na nakahilata. May sugat sa balikat.

"Kaya ko pa, Luke." Sabi ni Clyde. Diniinan ko ang hawak sa sugat niya kaya napa-aray siya.

"Dyan ka lang." Sabi ko at pinuntahan yung iba. Nakita kong nilalabanan ng rituals ni Aling Susan ang demonyo. Sila Ken sinusubukan pang lumaban pero nanghihina na. Sila Grace nakahilata na. Si Ayah na lang ang nakatayo pa. Si Aine, sugatan na.

"Ahh!" Sigaw ko at inambahan ng suntok ang demonyo. Alam kong walang kwenta yun pero gusto kong tumulong. Kahit ito lang.

"Inutil ka!" Sigaw nito sinaksak ako ng kutsilyo sa tagiliran. Ininda ko agad ang sakit. Tangna! Pero hindi mo ako mapapatay sa ganyan lang.

"Luke, salo!" Napatingin ako sa likod. Sinalo ko ang kutsilyong binato ni Ken. Lumapit ako sa demonyo at hiniwaan ang tatto niya sa leeg.

"AHHHHH!! MASYADO KANG PAKEALAMERO!" Sigaw nito. Tinulak niya ako. Sa lakas nun ay tumama ako sa pader.

"VIN!" Sigaw ni Jade at lalapit na sana pero pinigilan ko.

"DYAN KA LANG! WAG KA LALAPIT! PLEASE, KY! WAG!" Sigaw ko.

Papalapit na sakin ang demonyo at kung mamatay man ako ay ayokong idamay si Jade. Nakahilata na lahat. Maski si Ynna.

"Pinapadali mo ang buhay mo." Sabi ng demonyo. Nginisihan ko siya.

"Talaga ba? Bakit? Papatayin mo na ako? Tss. Excited ka masyado." Sabi ko. Tumawa ito ng malakas.

"Papatayin? OO. Kaya excited na talaga ako! Kasi naman! Magkakaroon na ako ng bagong alagad ko!" Sabi niya. Ngumisi ako.

"At sa tingin mo, papayag ako na maging alagad mo? Tch. Mamamatay ako pero di sa kamay mo." May diin kong sabi. Pumalakpak ito.

"Magaling! Magaling! Magaling! Ang tapang mo naman! Sa sobrang tapang mo, gusto na kitang kunin!" Sigaw niya. Nginisihan ko ulit siya.

"Kunin mo na. Bakit di mo pa gawin?" Pang aasar ko. Kumuha siya ng kutsilyo.

"WAAAAAGGGG!!"

"VIIINNNNNNN!!"

Diko na alam ang nangyari. Ang alam ko lang ay...hinayaan ko siyang patayin ako.

Huli kong narinig ay ang mga sigawan at iyakan nila.


*****
Bye, Luke na ba? Huhu. No!!!!! Huhuu!!

Commentsss.

Class C-Section 12 (Slimmer University)Where stories live. Discover now