Chapter 19

621 25 1
                                    

Chapter 19: Picture

Clyde's POV

"Nasan na ba sila Justin?" Tanong ko kay Luke na nakaupo din. Nandito kami sa isang cafe. Inaantay yung dalawa. May mission kami at malalaman niyo rin mamaya.

"Di ko din alam. Tsk. As always. Lagi na lang silang nale late." Sabi ni Luke.

Bigla namang may pumarad sa may harap. Kotse ni Ken yun. Nandito na sila. Aga nila ah.

-_-

"Bakit ang tagal niyo?" Seryosong tanong ni Luke.

"Ito kasi eh! Muntik na makabangga!" Sabi ni Justin at tinuro si Ken. Teka? Muntik nang makabangga?

"Buti di nakailag ka?" Tanong ni Luke.

"Actually, nabangga ko siya." Sabi niya na kinagulat namin.

"ANO?!" Sigaw naming sabay ni Luke.

"Oo. Pero nung bumaba ako, wala naman ni isang patak ng dugo ang nandun. Tanging ito lang." Sabi ni Ken at pinakita ang isang lumang litrato.

"Burado ang mukha?" Nagtataka kong tanong. Tumango lang siya. Pano namin malalaman kung sino yan eh burado?

"Parang pamilyar." Rinig kong bulong ni Luke.

"Para silang kambal noh? Kaso yung isa may tatto sa leeg. Illuminati nga lang." Sabi ni Justin na tuwang tuwa pa. Tangena neto!

=_=

"Yung i.d lace nila oh! Parehas satin." Sabi ni Ken. Tinignan kk ng maigi at...oo nga noh? Sa Slimmers University din sila? Pero...

"Pano nangyari yun? Eh diba kelan lang tinayo ag eskwelahan natin?" Tanong ko.

"Oo nga noh? Pero parehas kasi eh." Sabi ni Justin.

"Pero isa lang ibig sabihin niyan.." Sabi ni Luke.

"Matagal nang nakatayo ang eskwelahan na yun." Sabi ni Luke.

"Tara." Sabi ni Luke. Di kami nakatanggi kasi pinaandar niya agad ang kotse niya kaya sumunod kami at..sa school? Ano gagawin namin dito?

"Hep! Hep! Ano gagawin natin dito, Luke?" Tanong ni Justin.

"Aalamin natin kung sino ang dalawang babae na nasa litrato." Sabi niya at pumasok na. Dire diretso lang siya pero...

"Saan to? Ngayon ko lang nalaman ang lugar na'to." Sabi ko. Sa likod pinakalikod ng school to. Di yung dati ah. May bodega yun eh. Ito kasi wala. Talagang mga puno lang.

"Kelan pa nagkaroon ng gantong lugar dito?" Nagtatakang tanong ni Ken.

"Teka, may kubo dun oh!" Sabi ni Justin habang nakaturo sa isang kubo. Meron nga.

"Sino kayo?" Nagulat kami ng lumitaw ang isang matandang babae na puno ng tatto sa katawan.

"Ah. Ale, may itatanong po kami sa inyo. Mga estudyante po kami ng S.U." Sabi ni Luke at lumapit sa matanda pero umaatras ito.

"Ah. Lola, di ka po namin sasaktan. May itatanong lang po kami." Sabi ko naman pero umaatras ito.

"Wag kayong lalapit! Mga demonyo kayo!" Sigaw nito na kinakunot ng noo namin.

"Lola----

"Mga kampon niya kayo! Lumayo kayo!" Sigaw niya pa. Wala na kaming nagawa kundi ang umalis sa lugar na yun. Nakakapagtaka. Bakit ganun na lang kumilos yung matandang babae? Bakit takot na takot siya at kami? Kampon?

"Ang gulo nung matandang babae." Sabi ni Justin.

"Oo nga. Ang weird niya pa." Sabi naman ni Ken.

"Hoy! Manahimik nga kayong dalawa!" Saway ni Luke sa dalawa. Kanina pa siya tahimik. Siguro parehas kami ng iniisip.

"Sa tingin niyo ba alam ng mga pulis ang lugar na'to?" Tanong ni Justin. Walang sumagot.

"Grabe! Ang intense ng mga nangyayari!" Sigaw ni Ken.

*TING!*

Napatingin ako sa phone ko ng may nag text. Si Grace pala.

-----
FROM GRACE:

     Nasan kayo?
-----

"Anong sabi?" Tanong ni Ken.

"Tinatanong kung nasan tayo." Sagot ko.

"Sasabihin ba natin?" Tanong ni Justin.

"No. Not now." Sagot agad ni Luke.

"Bakit?" Tanong ko.

"Mapapahamak sila. Mas magandang di muna nila alam. Saka na natin sabihin pag...pag alam na natin lahat." Sabi niya.

"Pero diba dapat alam nila para naman aware sila?" Tanong ni Justin.

"Nandito naman tayo. Tayo ang poprotekta sa kanila. Sa ngayon, wag muna. Sasabihin natin sa kanila pero di muna ngayon." Paiwanag ni Luke.

"Sige. Pero kailangan natin mag ingat. Alam niyo naman na matatalino ang mga yun." Sabi ko.

"Tama siya. Baka unting galawa natin, mahalata na nila. Naging gangster pa naman ang mga yun. Matatapang pa. Baka gumawa sila ng wala tayo." Sabi ni Ken.

"We need to keep an eye to them." Sabi ni Luke.

Mahihirapan akong magtago ng ganto. Sa sitwasyon na'to. Takot at kaba ang nararamdaman ko. Tama si Luke. Di pa nila pwede malaman ang tungkol dito. Kailangan muna namin sila bantayan at protektahan. Gagawin namin to para malaman na ang lahat. Lahat ng sikreto.



*****
Itutuloy...

Intense ba? Harhar! Sa tingin niyo ano ang magiging papel sa buhay ng mga hida ang matandang babae? Comment..

Class C-Section 12 (Slimmer University)Where stories live. Discover now