Chapter 25

589 22 2
                                    

Chapter 25: Advice from her

Grace's POV

Tumakbo ako ng tumakbo. Ayokong huminto. Ayokong lumingon. Alam kong tama ako. May karapatan akong magalit diba? Tama lang na magalit ako sa kanya kasi siya ang dahilan kaya di ako mapansin ni Clyde!

"Grachelle?" Napatingin ako sa tumawag sakin. Siya? Diba siya yung kaibigan ni Ellayza? Siya si Ysa?

"Anong ginagawa mo dito?" Walang emosyon kong sabi.

"Sorry. Di ko naman intensyon na guluhin ka. Nakita lang kita na tumatakbo at umiiyak kaya sinundan kita. Sorry." Sabi niya. Di ko lang siya pinansin. Umupo ako sa ilalim ng puno at umiyak. Ang sakit sakit!

"Kung masakit na, itigil mo na." Makahulugan niyang sabi. Diko alam kung san niya nakuha yan.

"Di lang siya ang lalaki sa mundo. Marami pang iba dyan. Mas higit sa kanya. At yung kayang suklian ag pagmamahal mo." Sabi niya ulit kaya napatingin ako sa kanya. Pano niya nasasabi yan?

"Di ganun kadali ang mga sinasabi mo. Madali lang yan para sayo kasi di naman ikaw ako. Di mo naman nararamdaman ang nararamdaman ko." Sabi ko at yumuko ulit dahil naiyak na naman ako.

"Pero naisip mo ba na di lang ikaw ang nasasaktan? Di lang ikaw ang nahihirapan? Masyado ka kasing makasarili. Sarili mo lang ang iniisip mo." Sabi nito na kinainis ko. Tumayo ako at inambahan siya ng suntok. Agad siyang napaupo at ininda ang sakit.

"WALA KANG ALAM! DI MO ALAM ANG NANGYARI! WALA KANG KARAPATANG SABIHIN YAN! GAGAWIN KO KUNG ANO ANG SA TINGIN KO AY TAMA!" Bulyaw ko. Tumayo naman siya at hinarap ako.

"AT ANG SAKTAN ANG SARILI MONG KAIBIGAN ANG TAMA PARA SAYO?! ANONG KLASE KANG KAIBIGAN?! KAYA MONG SIRAIN ANG PAGKAKAIBIGAN NIYO NG DAHIL SA ISANG LALAKI?!" Sigaw niya na nakapagpatahimik sakin. Tinamaan ako sa sinabi niya.

"Napaka-swerte mo dahil may kaibigan ka pa. Kaibigan na inaalala ang nararamdan mo. Kaibigan na nasasaktan pag nasasaktan ka. Kaibigan na di ka iiwan. Kaibigan na laging nasa tabi mo pag kailangan mo siya at...kaibigan na totoo." Sabi niya at tumulo na ang luha niya. Si Ellayza ba ang tinutukoy niya? Napayuko na lang ako. Na-guilty ako.

"Alam kong nasasaktan ka pero diba, nasasaktan din siya? Dahil iniisip niya na siya ang dahilan kung bakit nasasaktan at umiiyak ka which is hindi totoo. Bakit? Kasi di niya ginusto to. Di niya sinabiha si Clyde na magkagusto sa kanya para masaktan ka. Kaya di mo dapat siya sinisisi. Dahil walang may kasalanan. Minahal lang siya. At ikaw? Marami pang magmamahal sayo. Wag kang mag-focus sa kanya. Mas lalo mo lang sinasaktan sarili mo...at ang mga kaibigan mo." Sabi niya pa. Natahimik na ako. Walang salita ang lumalabas sa bibig ko. Tinatamaan ako sa mga sinasabi niya.

"Kaya kung ako sayo, itama mo na yan. Wag mong antayin na mahuli ang lahat. Sirain niyo ang plano niya. Wag niyong hayaang magtagumpay siya." Sabi niya na kinataka ko. Magtagumpay? Plano? Nino?

"Anong sinasabi mo?" Tanong ko. Tinignan niya lang ako saka ngumiti.

"Maaaring ito na ang huli nating pagkikita. Pero atleast nagawa ko ang dapat kong gawin. Nabalaan kita...kayo. Alam kong di kayo ang pumapatay. Alam kong siya ang  pumapatay. May plano siya, Grachelle. At kailangan niyong sirain yun sa pamamagitan ng pagiging matatag niyo. Ituloy niyo ang imbestigasyo niyo. Wag kayong magpapatalo sa damdamin niyo. Alam kong kaya niyo. Kayo lang ag makakatalo sa kanya. Kayo lang." Sabi niya at biglang kumidlat kaya napatingin ako taas. Ng ibalik ko tingin ko kay Ysa...wala na siya. Nasan na siya?

Naguguluhan ako samga sinasabi ni Ysa. Sinong siya? Anong plano niya? At kami lang ang makakatalo sa kanya? Teka? Pano? Di nga namin alam kung sino siya? Kung anong pakay niya? Bakit kailangan niya kaming isa isahin? AISH! Naguguluhan ako. Pero yung sinabi ni Ysa, pwede naming maging clue yun. Atleast ngayon alam ko na may plano siya. Pwes, di ako papayag na magawa niya yun. Tama si Ysa. Dapat itama ko na ang mali bago pa mahuli ang lahat. Bagi pa magawa nung killer na yun ag pina-plano niya. Bago niya pa kami mapatay lahat.

Gagawin ko lahat ng makakaya ko. Kung nasan man ngayon si Ysa, she's a strong person. I salute her.




*****
Hanla. Bye bye na ba kay Ysa? Hmm. Sino nga ba si Ysa? Pano niya nalaman ang plano nang killer? Let's see. Comments pleaseee.

Class C-Section 12 (Slimmer University)Where stories live. Discover now