CHAPTER 13

3.2K 62 0
                                    

Maxine's POV:

NANDITO na kami ngayon sa bahay na ata nila, mayaman pala ang isang to laki kase ng mansion nila na sakto lang naman ang laki at halatang mayaman talaga ang nakatira dito dahil na rin sa mahal ang mga materyales na ginamit dito.


* BEEP !! BEEP !!! *


Busina nya para pag buksan kami ng guard para makapasok na rin kami maya maya pa'y bumukas na yon ng kusa, high-tech, pumasok na naman kami at ipinark  ko yung motor ko at yung kotse nya tyaka sya nag simulang mag lakad na sinundan ko lang naman. Naka pamulsa pa ang loko.

"Good afternoon Sir Ace , Maam." Bati ng mga maids sa amin matapos kaming pag buksan sa front door ng mansion ng hinayupak na ito, pansin ko lang bakit ang dami nilang maids.

Pag pasok sa loob ay napansin ko agad ang mga paintings na naka lagay ng maayus sa dingding at mga antique na kagamitan sa buong bahay nila, siguro ay mahilig sa mga paintings at antique na bagay ang mga magulang nya.

"Oh baby aga mo yata and who is she?." Habang abala ako sa pag tingin sa mga painting's at mga antiques na naka displayed sa salas nila natuon ang atensyon ko sa babaeng nag salita mula sa hagdan, masasabi kong ang ganda nya na mas lalo pang umangat ang ganda nito dahil sa floral dress na soot nito na syang nakapag paangat sa puti at kinis ng balat nito. Siguro sya na yung mommy ni hukluban pero hindi halata sa itsura nito dahil mukha pa syang walang anak.

Napangisi ako ng maalala ko ang sinabi ng mommy nya, sa laki nyang yan "baby " pa ang tawag sa kanya hindi ko maiwasang hindi matawa sa isiping yun tumingin naman sakin itong patpatin na ito sinamaan ako ng tingin marahil napansin nya akong nakangisi.

"Tsk mom don't call me like that in front of her, she's my classmate." Hukluban , nag blush naman ito huh tinatablan pala sya ng hiya. Hindi ko mai-magine na bine-baby pa sya sa laki nyang yan.

"Haha look at you son, your blushing how cute you are in that look." Mrs. Deguzman said, while smiling.

"Stop mom where here because were partners sa lintik na class project namin sa school." Tsk ganyan ba talaga nya kaayaw na maging partner ako puwes ako hindi ko rin gustong makapartner sya. Kapal ng apog ng lalaking to.

"Oh great." Sambit ni Mrs. Deguzman na natutuwa sa sinabi ng patpating ito.

"No, hindi okay yun." Naiiritang sambit nya ganyan ba talaga sya makipag usap sa mommy nya napaka walang modo.

Napatingin naman sakin yung mommy nya. Sobra ang pag kaka ngiti nya, kakaiba ang inaasta nya. Grabe para syang isip bata.

"Ah iha ano nga pa lang name mo, pasensya kana nga pala sa anak kong yan ha. Napaka sungit talaga niyan." Nakangiting tanong nito sa akin na halata mong masaya syang makilala ako ang bait lang ng mommy nya kabaligtaran ng impaktong halimaw na ito.

"Ah good afternoon po Im Maxine Choi po, okay lang po, yan naman po yata ang ugali niya." Sagot ko sa kanya ng may pag galang.

"Oh ang cute naman ng name mo by the way im Princess Deguzman just call me tita masyadong nakakatanda ang maam eh, at isa pa wag mong pansinin yan si Ace okay just cooperate with him. Mabait naman ang isang yan kahit papaano." umango lang naman ako bilang sagot.

"Oh sige na gawin nyo na yang class project nyo mukhang importante yan, padalhan ko na rin kayo ng miryenda sa taas." Mrs.Deguzman said.

"By the way Nice meeting you Maxine." Pahabol pa ni Mrs. Deguzman

The LEGENDARY DARK BUTTERFLY (COMPLETED But NOT ALREADY EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon