CHAPTER 14

2.9K 59 0
                                    

Maxine's POV:


Kasalukuyan kaming nandito sa dinning table nila na as in long table pa at hindi gaya ng karaniwang dinner table. Tanong ko lang may okasyon ba sa dami ba naman ng nakahanda sa mesa para akong nasa fiesta.

" Mom what was that ! " Tanong nitong hukluban na halatang gulat din sa dami ng nakahain sa mesa.

" Common sense anak malamang pag kain yan " Pilosopong sagot naman ni Mrs. Deguzman sa kanya, nag kamot na lang ng ulo si hukluban dahil sa sagot ng ina.

" I know its food but why it looks like a fiesta huh? look ang dami niyan mom... may bisita ba tayo bukod diyan sa panget na yan!"

Ibang klase rin talaga ang huklubang ito mang lait akala mo kung sinong gwapo mukhang bisugo naman.

" Stop calling her like that, she's still a girl so you need to respect her. At wala tayong bisita pinaluto ko lahat ng yan dahil siya ang bisita natin, may angal ka ba dun ha Ace?! " Alam kong kanina pa nag titimpi ang isang to, kating kati ng guluhin ako at pag trip-an ulit. At ano bang problema niya ganun ba niya kaayaw na mag tagal pa ko sa mansion nila.

" Tsk I don't wanna! Tsk hindi ako umaangal!"

" No your not, whether you like it or not you need to respect her as a lady or else I luck your credit cards, para hindi mo na magamit what do you think huh? Ace? "

" Argh ! Fine fine I respect her! happy? tsk your crazy mom " Naka simangot na lang nitong pag oo, kahit na ang totoo ay napipilitan lang naman ang ugok.

" Good lets eat " Aya ni Mrs. Deguzman at kumain na nga kami matapos akong ipag sandok ng mga maids nila, dahil nga sa long table ito mahirap kumuha ng mga nakahain doon lalo na kung malayo sayo.

" Just eat more iha wag kang mahiya, give her any foods that she want " Sambit ni Mrs. Deguzman at inutusan ang mga maid na bigyan ako ng pag-kain na ayun sa gusto ko nakakahiya namang tumanggi sa alok niya.

" Tsk yan mahihiya ang lakas lakas nga'ng kumain niyan " Bulong ng huklubang katabi ko yeah mag katabi kami dahil yun ang sabi ni Mrs. Deguzman, bali ang seating arrangement nga pala namin sa table ay si Mrs. Deguzman ang nasa dulo ng table kami naman ni Hukluban sa left side at si hannah naman ay nasa right side.

" Anak may sinasabi ka?" Tanong ni Mrs. Deguzman marahil narinig niya rin yung sinabi ni hukluban kani-kanina lang.

" Wala naman just eat " Walang ganang sabit niya.

" Oh okay "

Kumain lang naman kami ng tahimik dahil sa likas na favorite ko ang inihaing pagkain ay hindi na ako nahiyang kumain ng kumain. At isa pa wala naman akong magawa sa tuwing may ipinapalagay sa plate ko si Mrs. Deguzman, kaya mapipilitan akong ubusin ang lahat ng laman ng platong kaharap ko.

" Ang cute mo namang kumain iha mukhang ganado kang kumain hala sige kumain ka pa manang paki tulungan siyang abutin yung mga pagkain na nakahain, sige iha ipaabot mo lang ang mga gusto mong kainin ha" Tumango na lang ako at gaya ng utos niya ay iniabot naman sakin ni manang yung itinuro ko.

" Salamat po " Sambit ko kay manang ngumiti naman ito sakin.

" Walang anuman iha " Natuon naman ang atensyon ko kay hannah na nasa harapan ko lang ng bigla itong mag salita.

" Ate maxine you want some fruit salad mommy and I made it for you" Alok nito sakin na excited ipatikim sakin yung salad na ginawa nila na para sakin daw. Halos hindi ko na makita ang mga mata nito sa sobrang pag kakangiti.

The LEGENDARY DARK BUTTERFLY (COMPLETED But NOT ALREADY EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon