CHAPTER 72:

2.1K 42 0
                                    


 Trixie's POV:


 Okay na ang lahat sa pagitan nila Ace at Maxine. Bumalik na sila sa dati at napag pasyahang baguhin ang lahat. Naging mas sweet pa sila kaysa nitong una, dahil tuluyan na silang nag kapatawaran. Naiintindihan ni Maxine ang mga paliwanag ni Ace.

 Yon din kase ang naisip nyang dahilan, pero mas nilamon sya ng kalungkutan. Walang araw kung ligawan ni Ace Si Maxine, na sya namang kinatuwa namin. Ang bagsak na katawan ni Maxine ay bumabalik na kahit papaano, sobra kaseng pag aalaga ang ginawa ni Ace, para lang bumalik sa dati ang pangangatawan ni Maxine.

 Masaya ako para sa kanilang dalawa. Ni hindi nila hinayaang tuluyan silang masira ng isang kasinungalingan, si Claire ay hindi na namin nakita pa. Mukhang nag tago na at nahiya sa kahihiyang ginawa nya. Laking pasasalamat nya na lang at hindi namin sya nakita, dahil kung hindi ay makikita nya ang magiging kapalit ng lahat ng ginawa nya. Nag gulat ako ng naka ayus si Maxine na pababa ng hagdan. Mukhang may lakad nanaman sila ni Ace, good thing na ikinatutuwa namin. Walang araw na wala silang date. 

Maging sa University nga ay nag lalaban ang dalawa. Maka kuha lang ng mataas na marka. Ganon sila kasaya ngayon. 

"San punta mo?." Tanong ko, habang nag ne-nail polish ng kuko. 

 "Date." Tipid nyang sagot. Oo nga't hindi na sya gaya ng dati. Bumalik naman ang pagiging matipid nyang mag salita.

  "Ah. Hindi na kayo nag sawa ha." Natatawang tanong ko.

 "Hindi naman. Ito kase ang gusto nya, okay lang naman para sakin." Siryosong sagot nya sakin. Tyaka kinuha ang susi nya, hindi naman kase nag papasundo ang isang yan. "Hindi ka nanaman ba mag papasundo?." Isang tango ang nakuha ko mulasa kanya.

 "May bibilhin lang muna ako, at siguro ay mag papasundo na lang ako pag balik ko dito." Akala ko ay hindi sya mag papasundo. Tumango na lang naman ako at tyaka ko itinuliy ang ginagawa ko.

 Nag paalam na naman sya kaya naman naiwan akong mag isa sa bahay. Yong tatlo kase ay natutulog pa si Maxwell naman ay nasa Mansion ng mga Clemente. Himala at sinundo ng matandang huklubang yon.

 Nag handa na ako ng makakain nila, dahil ako naman ang palaging gumagawa non. Habang nag lalagay ako ng plato ay hindi sinasadyang mabagsak ko yon. At saktong sa mismong kinauupuan ni Maxine ko sana ilalagay yon, dahil sinabi nya namang uuwi sya dito at dito rin mag papasundo. Halos kinabahan ako at pinag pawisan ng sobra. 

Para may kakaibang mangyayari. Mabilis na kumuha si Manang Matilda ng Dustpan at tambo. Tyaka yon winalis. 

  "Okay ka lang ba iha?." Anang matanda.

 "Opo manang. Parang kinabahan lang ako."

 "Wala lang iyon, siguro ay gutom ka lamang kung kaya ay kinakabahan ka. Mas mabuti sigurong kumain kana, at gigisingin ko lang muna sila." Naka ngiting sambit ni Manang at nag paalam na gigisingin sina Kath. Tumango na lang naman ako. Pero bakit parang hindi maalis ang kabang nararamdaman ko. Kahit pa kalmahin ko ang sarili ko ay hindi maalis non ang labang patuloy na nararamdaman ko. 

 "Oh. Bakit parang naka kita ka ng multo at namumulta ka dyan." Tanong ni Vince ng maka upo ito sa upuang para sa kanya.

 "Kinakabahan ako hindi ko alam kung saan ito nang gagaling." 

 "Gutom lang yan halika, kumain kana." Aya nya at pinag silbihan ako. Pero kahit na anong gawin ko ay hindi parin maalis ang kabang nararamdaman ko, sa halip ay nadaragdagan pa ito. Sana ay wala lang ito.

The LEGENDARY DARK BUTTERFLY (COMPLETED But NOT ALREADY EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon