CHAPTER 12

3.2K 67 0
                                    

Ace's POV:

NANDITO kami ngayon nila migz sa likod kung saan kami parating umuupo at gaya ng dati sa araw-araw na papasok kami ay sigawan at papuri ang naririnig namin at wala ng bago pa doon dahil aminado akong gwapo ako at hindi sila.

Napatingin ako kay manang iyong babaeng amasonang naka away ko at ng mean girls.

Tahimik lang siya habang nakikinig ng music sa headset ng palagi niya'ng dala, ang sarap niya'ng pag trip-an araw-araw. Last time ini-luck ko siya sa cubicle nung nataunan ko siyang makitang pumasok don.

Ewan ko kung paano nakalabas yun dun at sumunod ay tinago namin yung bag niya lintek lang nahanap niya agad at anong reaksyon niya? wala at ang nakakainis pa hindi man lang siya nagalit.

Kahit saglit hindi namin siya tinitigilan dahil ang sabi ko nga sa kanya, siya ang susunod kong toy, nahinto ang pag-iisip ko tungkol dun sa babaeng yun ng dumating si Mrs. Padilla.

" Good morning class " Mrs. Padilla

" Good morning Mrs. Padilla " Sabay sabay naming bati sa kanya tyaka kami pina-upo.

" Class today ay may importante akong sasabihin sa inyo at gusto kong maki-operate ang dalawang taong aatasan kong mag report para maging representative ng ating class project at gusto kong maging maayus at madali ang lahat " Mrs. Padilla Tungkol saan naman kaya ang report na yun?. Kahit na oo taon taon na may ganitong okasyon.

" Class project for what Mrs. Padila " Tanong ni Myka na hanggang ngayon ay may bandages pa sa katawan. Hindi ko sila masisisi sa mga yun dahil kasalanan naman yata nila. Mga mean nga naman.

" Para sa campus battle ng bawat year level at kailangan ko ng 1 boy and 1 girl na mahusay sa pakikipag dibate hindi naman kayo mahihirapan dahil sa filipino ang subject ko at tagalog ang language na gagamitin, rules ay bawal mag english ng deretso alam kong sanay kayo na palaging english ang lenguwahe pwede naman kayong mag english pero dapat ay konti lang at ngayon nakapili na ako ng representatives "  Mahabang sambit ni Mrs. Padilla.

" About what po ba ang topic " Trixie iyong kaibigan ni manang ang nag tanong.

" About sa mga ipinag babawal na gamot o drugs kung paano ito maiiwasan o maihihinto at kung ano ang epekto nito sa mga kabataang tulad niyo. " Sagot ni Mrs. Padilla sa tanong nito hindi naman ako interesado pa dun.

" Nako sino kaya ang representative for sure si myka at si Ace nanaman yan " 

" Oo nga girl baka sila nga " 

" Yeah pretty sure " 

Alin lang sa mga naririnig ko sa klase,matalino naman kase itong si myka at mahusay mag isip warfreak nyga lang talaga kadalasang kaming dalawa ang laging pinag pa-partner kapag sa ganitong bagay.

" So ang representative ay napili ko na at sana ay ayos lang sa kanila " Saad ni Mrs. Padilla habang nakatingin sa aming lahat.

" Spill it! " Excited na saad ni myka halata sa kanya na talagang na e-excite na siya. na akala mo ay siya na talaga ang representative, dahil palagi namang siya ang kinukuha sa tuwing may dibate kada year level. Hindi na rin naman nakakapag taka ang bagay na yun.

" Stop wala ka talagang modong bata ka " Mrs. Padilla

" Tsk " Singhal ni myka at nanahimik na lang masyadong papansin.

" As I was saying ang dalawang napili ko ay sina Mr. Deguzman at Ms. Choi "

" WHAT ! " Sabay na sigaw namin ng manang na to.

The LEGENDARY DARK BUTTERFLY (COMPLETED But NOT ALREADY EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon