CHAPTER 95:

2K 36 1
                                    

  

Ace's POV: 


 "...BILANG LOLO NYA AY ANG PUMAPATAY NA SA KANYA HABANG NANANATILING LUMALABAN." Dugtong ko sa nauna kong sinabi.

 Hindi ko matanggap na magagawa nyang mag desisyon ng ganon kadali, hindi ko matanggap na mag dedesisyon sya ng hindi ko man lang alam. 

 Ang bigat bigat sa loob ko ang narinig kong usapan nila, lumalaban pa ang babaeng mahal ko ramdam ko yon, alam kong nananatili syang matatag at nilalagpasan ang lahat ng ito. 

 "PAPAANO MONG NAATIM NA SABIHIN YAN, HABANG NAKIKITANG LUMALABAN PA SYA! PAPAANO." Hindi mapigilang sigaw ko, hindi ko na kilala pa kung sino ang kaharap ko. Tanging galit lang ang nangingibabaw sa loob loob ko.  

  Ni hindi ko mahanap ang sagot kung bakit basta basta nya na lang binitawan ang desisyong tanggalin ang nag sisilbing pag asa kong magigising pa si Maxine, bakit kailangang mag desisyon sila agad bagay na hindi ko maintindihan. 

 Ayokong isipin na nawawalan na sila ng pag-asang magigising pa si Maxine, pero hindi kumbinsi non ang isip ko. Sa halip ay matindi ang paniniwala kong magigising sya, ramdam ko yon. 

Sa dalawang buwan na narito ako at binabantayan sya, nararamdaman kong pilit syang lumalaban. Pero bakit.. Bakit napaka hirap tanggapin na kung sino pa ang higit na malapit sa kanya ay basta basta na lang mag dedesisyong tapusin ang pag hihirap nya. 

Gusto kong intindihin pero mas nananaig ang galit sa puso ko, galit para sa plano nilang basta na lang bunutin ang life support na nag sisilbing pag asa ko. 

 "NOONA!!!." Sigaw na nang galing mula sa loob ng ICU kung saan naroon si Maxine, mabilis na lumingon ako at agad na tumakbo papunta sa kanya. 

Kasabay ng sakit at luha ay nagulat ako sa nasaksihan. 

 "Wifey!!.." Agad na hinawakan ko ang kamay nya ng makita ko ang mabilis na panginginig ng katawan nya. Agad na pumasok si Doc. De Gala at inasikaso ang Vital sign ni Maxine, maging ang mga nurse ay tinignan kung ano ang nangyayari.

 "What happen to her, please tell me that she's still okay. Please doc." Lumuluhang pag mamakaawa ko.

 "Ace anak. Please kailangan syang matignan, bitawan mo muna si Maxine. Please anak." Pag dalo sakin ni Mommy at pilit akong pinapalayo sa tabi ni Maxine. 

 "No mom, I wanna stay here, anong nangyayari sa kanya. Please mom, tell me is she okay." Sunod sunod na tanong ko, nakita kong si Maxwell ay nasa gilid at pilit na pinapakalma ni Kath. Panay din ang hagulhol nito, dahil sa nasaksihang nangyayari sa nakakatandang kapatid. Doon ay mas lalo akong nanlumo ng mas lumala pa ang panginginig ng buong katawan nya. 

 "Wifey.. Please hold on, please don't give up. Please I don't wanna Lose you, mom what happen please let me know." Pag mamakaawa ko pang muli. 

Doon ay mas hinigpitan ko ang hawak sa kanang kamay nya at panay ang halik doon, panay din ang pag papaalis sakin ng mga nurse pero sinabihan ito ng Chairman na hayaan na lang ako.

Lalong nangatal ang kaba sa dibdib ko, kasabay ng sakit at pangambang nararamdaman ko ay ang sunod sunod na luhang kumakawala sa mga mata ko.Ayokong isipin na mawawala na sya sakin, dahil lalong hindi ko makakayanan ng mag isa ko na lang harapin lahat. 

Halos manlambot ang katawan ko, nang hindi man lang tumitigil ang pag dedelihiryo ng katawan nya nananatili lang itong tuloy tuloy sa pangangatog na para bang kinukumbulsyon.Halos pag sakluban ako ng kaba at takot na nangingibabaw sa loob loob ko, natatakot na baka hindi sya lumaban.Gusto kong isipin na napapagod na rin ako pero mas lamang ang pag asang gusto ko pa syang lumaban at makita rin akong lumalaban. 

The LEGENDARY DARK BUTTERFLY (COMPLETED But NOT ALREADY EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon