CHAPTER 94:

2K 38 0
                                    


Samantha's POV: 


 WALANG araw na hindi ko nakikitang umiiyak si Ace mula sa loob ng ICU, halos dyan na rin sya mag palipas ng gabi. Mabantayan lang ang natutulog parin na si Maxine, isang buwan na ang nakakalipas. Pero nananatili paring natutulog si Maxine, halos mawalan na ng pag asa ang kapatid nyang si Kathleen na magigising pa ang kapatid.

 Pero alam ko, magigising si Maxine. Hindi sya basta bastang sumusuko, malakas sya at kaya nyang patunayan yon. Alam kong magigising pa sya, hindi pa huli ang lahat.

 "Kailangan na nating umuwi." Bulong ni Enzo ng makalapit sakin, hindi ko sya pinag tuonan ng pansin sa halip at mas tinitigan ko pa ang kapatid kong pilit na pinapalakas ang loob, wag lang maramdaman ni Maxine na mahina sya.

 Narito ako sa labas ng ICU at mahigit kalahating oras ng tinititigan ang kapatid ko, gustuhin ko mang lumapit at icomfort sya ay hindi ko magawa. Kasalanan ko ang lahat ng ito, kung una pa lang ay sinabi ko na sana ay hindi nangyari ang lahat ng ito. Kung una pa lang sinabi kong sya at si Queen ay iisa hindi sana aya mahihirapan ng ganito. Ako ang dapat na sisisihin sa lahat ng ito, nag padala ako sa galit ko kay Maxine.

 Nag padala ako sa selos kung kaya nilamon ako nito at hindi sinabi ang totoo. Ako ang higit na dapat sisihin, at hindi si Ace. Hindi ang kapatid ko. Mabilis na kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, kasabay non ang maliliit na hikbing dulot nito. 

 "Stop crying, everything will be alright." Pag papatahan sakin ni Enzo, pero hindi yon sapat para mapatigil ang luhang nag uunahan sa pag agos. Ang sakut sakit sa pakiramdam na makita mong masaktan ng husto ang sarili mong kapatid, ang sakit makita kung papaano nyang sisihin ang sarili. 

Kung papaano nyang saktan ang sarili nya, walang araw ko syang nakikitang nahihirapan at umiiyak. 

Dahil lang sa karamutang hindi ko ibinigay sa kanya, karamutang pilit kong ipinagkait. Katotohanang dapat sana ay noon ko pa sinabi. Hindi ko inakalang aabot ang pag lilihim ko sa ganito, bakit kinakailangang sya pa ang mahirapan. Bakit kailangan dalawang tao ang mag dusa sa kasakiman ko.  

  Ni kausapin si Ace ay hindi namin magawa, sa twing kakausapin namin sya ay hindi nya kami pinapansin sa halip ay kay Maxine nya itinutuon ang lahat ng atenayon nya.

Nakita ko ang lahat ng pag hihirap ni Ace, sa bawat araw na nag daan unti unti syang pinapatay ng paninisi nya sa sarili. Wala syang ibang sinisi kundi ang sarili nya, walang imik ni hindi sya kumakain. Kumakain lang sya kapag narito sa Hospital at binabantayan si Maxine.

Hindi ako sanay na nakikitang nahihirapan ng ganito ang kapatid ko, lalo pa kapag nalaman nya ang binabalak nilang gawin kay Maxine. Sinubukan kong mag apila pero wala akong nagawa sa naging desisyon ng Chairman.

Wala akong magawa.

"Wala akong nagawa para sa kanila.."
Humahagulhol kong sambit, naramdaman ko na lang ang mahigpit na pag yakap ni Enzo sakin. Doon ako tuluyang nanghina at nilamon ng matinding pag durusa at sakit.

"Ni hindi ko man lang nagawang pigilan sila, kasalanan ko ang lahat ng ito. Wala akong nagawa." Hampas ko sa dibdib ng aking asawa. Patuloy na sinisisi ang sarili.

"Bakit kailangang dalawang tao ang mag dusa, bakit kailangang makita ko sila sa ganitong sitwasyon. Wala akong nagawa para iligtas sya, wala akong nagawa." Muli ay paninisi ko sa sarili, dahil pinanood ko lang kung papaanong saktan ni Ace si Maxine noon, at ako ay nakikipag laban lang sa ibang mga kagrupo. Sarili ko ang sinisisi ko, alam ko ang ginagawa ng lolo Ranz pero hindi ako nag salita, napaka laki ng kasalanan ko sa kanilang lahat lalo na kina Ace at Maxine.

"Hindi ko kayang nakikita si Ace na nasasaktan, hindi ko kaya Hon. Hindi ko kaya.." Muling sambit ko tyaka yunakap sa kanya.

"Shhs. Hon. Wala kang kasalanan, pareho lang tayong naaawa sa nangyayari, ni hindi ko rin sila nagawang protektahan. Gayong pareho silang importante para sakin. Wala kang kasalanan." Pag aalo nito sakin, sa halip na makumbinsi ako ay hindi non nabago ang nararamdaman ko. Wala akong ibang inisip kundi ang kawalang kwenta kong kapatid, sarili kong kapatid hinayaan kong lamunin ng galit nya ang puso nya dahilan para kamuntikan nyang mapatay si Maxine. Kasalanan ko kung bakut nauwi sa ganitong sitwasyon si Maxine, hinayaan kong saktan sya at pahirapan ng paulit ulit.

Lalo akong napaluha ng isipin ang nais nilang gawin kay Maxine, hindi sinasadyang marinig ko ang usapan ng Chairman at nila Mommy. Ni hindi ko akalaing maaatim nilang gawin yon kay Maxine, lalo pat nananatili syang lumalaban. Ni hindi ko sila maintindihan. Ni hindi nila alam ang mga ginagawa nilang desisyon, lubhang masasaktan si Ace kapag nalaman nya ang binabalak ng pamilya namin at nang pamilya ni Maxine ang gagawin sa kanya.

Hindi ako pumayag pero hindi ako nanalo sa nauna na nilang pag papasya, buo ang loob na binitawan ng Chairman ang huli nyang sinabi.

Paano nyang naaatim na gawin yon sa sarili nyang apo, bakit kailangang mag desisyon sya agad agad.

***

The LEGENDARY DARK BUTTERFLY (COMPLETED But NOT ALREADY EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon