Chapter 5 - *The Pain behind Anger*

187 8 5
                                    

EUREKA'S POV

Natapos nang mabilis ang klase sa umaga at yung pepe at abnormal kong katabi ay parang tanga lang, nakakainis talaga siya swear. Pinabayaan ko nalang, hindi naman kami close ano? Pagkatapos ng klase ay umalis nanaman bigla, para lang tanga, ang hangin dre! di man lang talaga ako nakilala? napakapresko lang talaga. Like duh?

  

I hate BOYS. Manloloko lahat.

My phone beep.

"Hello"

( Hi babe, kailan date natin? naudlot last time eh)

"Busy pa ako eh, text nalang kita, bye."

(Wai--tot-toot-tot)

 

 

Kainis na itong Klein na ito, tawag ng tawag at napapadalas na talaga, kainis. May nagtext nanaman sa phone ko. (alangan naman sa notebook ko ) Badtrip.

 

From: Zaire

Call me. Now.

   

Kung makautos, sige na nga for the sake of the plan. Makakatikim rin kayo ng sarili niyong dumi, mga baboy. I smirked at the thought.

"Yes" walang emosyon kong sabi

 

(Wala ka sa mood bunso? hindi ka nagtext)

"So?busy eh" like duh?

 

(Ah ganyan kana pala ngayon? teka , ang ingay diyan ah! hindi ka ba makahanap ng matinong lugar para magkausap tayo ng maigi? isip bata.)

Gasgas talaga ng ugali nito, magpakasaya kalang ngayon, "Ah sorry Babe ha" spell E W W W W W W

(Wag kang magsorry kundi maghanap ka ng lugar diyan, kabweset, ay oo nga pala, wala na akong load. Load mo ako)

 

Kapal talaga ng apog nito kainis, mas pipiliin ko pa ang abnormal kong seatmate kesa sa bull***t na ito!!! Nanghingi pa ng load at ako pang pinapagalitan. Nangiginig na ako sa galit , a fist formed and I clench my teeth. Naaalala ko nanaman ang mga kagagohan na ginawa nila sakin noon. I suddenly wanna kill them all. Magsaya ka habang meron kapang oras.

  

"Babe? hindi kita marinig, oyy--oy---Bab---tot-tot-tot-tooot-" Haha para paraan lang mga pare. Binabaan ko nga, kunyari walang signal haha Pinatay ko na phone ko. Alam kong hindi pa sila nauhulog sa akin ng tuluyan, just wait for me to make a move. Sabi nga nila, kung sino ang hinahabol ay yung taong walang pakialam. Magpapahabol muna ako then I'll make my moves, slowly but it'll surely break their hearts.

Pupunta na akong Cafeteria para bumili ng pagkain pero hindi ako run kakain dahil mag-isa lang ako. Alam ko na naman pagkatapos ng away namin ni Teozel ay hindi yun mamamansin, bruha talaga, siya pang nanglait siya pa ang galit pero hindi naman ako galit eh, kahit ganun kami, mahal ko yun parang kapatid pero sanay na ako, kaya nga kapag nag-aaway kami ni Teozel ay pinapasama ko si George sa kanya dahil alam kong isip bata yun.

When A Revenger Falls in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon