Chapter fourteen

1K 59 2
                                    

Pagkabihis ko ng swimsuit ko ay binabalak ko ng kaswal na magpaalam sa tatlong babaeng kasama ko ngayon. Ayoko namang magmadaling umalis dahil baka mamaya, makahalata ang mga ito sa kung anong iniisip ko sa kanila. Dahil sa totoo lang, kanina pa ako nawiwirduhan sa kanila! As in nawiwirduhan na talaga!

Isipin mo nga naman kasi.. Who in their right mind would ask me if I'm human? Ha? Wala di ba? Walang matinong tao ang magtatanong niyon..

Unless..

Nakakita na sila ng ibang nilalang na hindi tao... like multo? Aswang? Manananggal? Tiktik? Tikbalang? Zombie?

Which is imposible di ba? I don't believe in those kinds of things..

They are just nothing but myths made to scare little kids to stop doing naughty things. Walang ganon. Wala! As in wala talaga!

At doon ako nawiwirduhan.. bakit ganoon ang takbo ng utak nila? That leads me to two reasons..

Dalawa lang.. marahil ay may saltik ang mga ito o baka naka-drugs ang tatlong ito ngayon. Nababalita naman sa bansa ang involvement ng illegal drugs sa mga college students na mayayaman di ba? At parts of drug addiction ang hallucinations and paranoia.

Marahil ay isang kakaibang hayup ang tingin ng tatlong ito sa akin ngayon at hindi tao. Maybe they wanted to kill me right now? Like some animal na nakakatay at naluluto?

I shuddered at the thought.

"Are you cold?" Ang nag-aalalang tanong ni Sapphire sa akin ng mapansin ang panginginig ko. Mabilis akong umiling.

Wag kang mag-papa-uto sa concern na nakikita mo sa mukha niya, Tana! Tandaan mo, ang mga addict ay magaling magmanipula! If you fall for their act, baka wala pang isang oras, biktima ka na ng isang karumal dumal na krimen sa eskwelahang ito! At tandaan mo.. tatlo sila.. mag-isa ka lang sa loob ng kwartong ito kaya mag-isip kang mabuti!

"Uhm, a-ayos lang ako. Mawawala din 'to pag lumusong na ako sa tubig."

"Are you sure? You can borrow my jacket for now. Sandali, I'll just get—."

"No!"

Halos masabunutan ko ang sarili ko ng sabay sabay na tumitig sa akin ang nagtatakang tingin ng mga ito.

Kaswal lang sabi ko Tana di ba? Ha? Kaswal lang?

"A-ang ibig kong sabihin... mag-aabala ka pa kaya wag na lang."

Hindi pa rin naaalis ang pagtataka sa mukha ng mga ito. At halos dasalan ko na ang lahat ng santo na sana hindi makahalata ang mga ito na kanina ko pa sila pinaghihinalaan!

"O...kay...?"

Tumango ako. "Uhm, pano ba yan. Una na ako ha?" Tumalikod ako saka tinungo ang pinto at dire-diretsong lumabas.

"Yow! Tana!"

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sigaw na iyon. Kunot noong bumaling ako sa aking likuran. It was Stefano. Nakangisi ito habang naglalakad palapit sa kinaroroonan ko. Nakasuot lang ito ng swimming trunks.

Awtomatikong sumimangot ako.

Bakit ba napaka-prominente ng ganda ng hubog ng katawan nito kahit seventeen years old pa lang ang kumag? Hindi naman ito kasali sa kahit na anong sports club ng school kaya paanong daig pa nito ang katawan ng sikat na linebacker sa football team nila?

Maybe he's taking care of his body by going to the gym?

I cocked my head to the side. Nah... Wala sa personality nito ang magpunta sa gym para lamang mag-exercise. Masyado itong tamad eh.

Petrove Series: Owning the Ice Cold WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon