Chapter nineteen

1K 65 6
                                    

Masayang masaya ako dahil nakapasa ako sa swimming test! Akalain mo yun? May magandang dulot din pala ang pagtitiis ko sa ilalim ng supervision ng lalaking yelo na iyon during swimming practice nila?

Hindi ko na naman mapigilang magtatatalon sa tuwa. Natigil lang ako ng isang braso ang umakbay sa akin. Tatanggalin ko na sana iyon ng magsalita ang may-ari ng braso.

"What's so funny this early in the morning, little lamb?" Whispered the husky voice in my ears.

Paglingon ko, ang nakangising mukha ni Stefano ang bumungad sa akin. Inirapan ko ito.

"Tigil-tigilan mo ako Stefano ah. Masaya ako ngayon."

"Bakit nga?"

Tumingin ako dito saka ngumiti ng malaluwag na ikina-kunot noo nito.

"Kasi... pumasa ako sa swimming test namin! O di ba ang saya lang?!" Masayang turan ko sabay halakhak.

"Iyon lang?" He deadpanned.

Nawala ang ngiti ko. "Anong iyon lang? Achievement iyon!"

"Tsk. Akala ko naman kung ano na."

"Inuulit ko. Achievement iyon kaya huwag kang basag trip diyan." Ingos ko dito bago ipinagpatuloy ang paglalakad papuntang cafeteria.

"Oo na. Wait!"

Hindi ko binagalan ang paglalakad. Pero dahil sadyang mahahaba ang biyas nito ay madali ako nitong naabutan.

"Ito naman. Napakamatampuhin." Tukso nito.

"Bakit ba ako ang ginugulo mo ngayon? Doon ka nga sa mga kauri mo!"

Sinapo nito ang dibdib na tila inaatake sa puso.

"You're a freaking racist! Alam kong may lahi ako at hindi purong Pilipino but you shouldn't treat people like that, Tana..."

Nilingon ko ito. "Ang OA mo ah. Ang sinasabi ko, bakit hindi ka sumama sa mga kamag-anak mong mayayaman."

"You sound so bitter."

"Hindi ako bitter!"

"Eh bakit defensive ka?"

"Hindi ako defensive!"

"Eh bakit nagagalit ka?"

"Hindi ako—" I let out a harsh sigh. Pilit kinakalma ang sarili. Napangisi naman ito dahil alam nitong nagpa-apekto na naman ako sa pang-aaning nito sa akin. "Alam mo? Maghanap ka ng kausap mo!" Iniwan ko itong tatawa tawa.

"Sandali!"

Pero hindi ko talaga ito hinintay. Bahala nga siya sa buhay niya!

Sa cafeteria, panaka-naka akong napapatingin sa table nila Chance. Kasama nito doon ang pinsang si Lucien. Nandoon din ang kapatid ni Stefano na si Markus. Amalia is seated beside Chance at nakahilig sa balikat ng binata na animo'y nasa sinehan sila at nanonood ng isang romantic film samantalang pareho lang naman silang nakatingin kay Markus na kasalukuyang nagkwekwento ng kung ano ano. Probably something funny kung ang pagbabasehan ay ang tatawa tawang si Markus habang nagsasalita.

Muli kong tinitigan si Chance. He looked so quiet while seating there with his arms crossed. Nasa harapan nito ang pagkain pero mukhang hindi pa nito nagagalaw iyon. He was quietly watching Markus talk. Ang girlfriend naman nito ay tatawa tawa habang nakatingin kay Markus.

Seeing the two of them from afar... masasabi kong perfect couple nga ang mga ito. Parehong gwapo at maganda. Parehong mayaman. Parehong...

I sighed. Nakulong lang sa lalamunan ko ang hininga ng biglang napalingon sa gawi ko si Chance. Mabilis pa sa alas kwatrong yinuko ko ang pagkain at nagkunwaring kinakalikot ang pasta na nasa pinggan.

Petrove Series: Owning the Ice Cold WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon